CHAPTER 8
Zaria|pov
"Nag lunch kana miss tapang?" Ice said.
Tumigil ako sa pag lalakad at humarap sakanya, napalunok ako nang makita si kaiser sa likod nya.
"H-hindi naman ako gutom." I reason out.
"Ay sayang-"
Naputol ang sasabihin nya ng kumalan ang tiyan ko.
Nan laki ang mata ko at ngiting aso akong tumingin sakanya.
"Di pala gutom ha?" Ngumisi ito sakin.
I mentally facepalm, wrong timing yawa!
"May kasama ka bang mag lunch?"
Umiling ako. "Wala"
"Asan si Sanchez at Watterson?"
"Si ali nasa training room, si ste...." Na patigil ako sa pag sasalita at napatitig sakanila. Napaisip ako, pwede bang sabihin yon?
"Bakit?" Napalingon ako kay kaiser na kanina pa nanonood saamin.
"A-ano.. kasi diba healer sya?" Sunod sunod akong napalunok, pano kung bawal sabihin? Secret lang ba yon?
"Yes... So pinatawag ulit sila?" Sagot ni ice.
Nanlaki ang mata kong tumingin sakanila. Alam nila?!
"Alam nyo? Well sabagay, higher ups kayo." Tumango tango ako.
"Hindi lahat ng higher ups, alam ang nangyayari sa school." Seryosong saad ni kaiser.
Tiningnan ni ice si kaiser bago bumuntong hininga. "Stella told you?" Bumaling ito sakin.
"Yes. B-bawal ba?"
Umiling ito kaya naka hinga ako ng maluwag. "So alam mo din ang dahilan?"
"K-konti lang, alam ko Lang kung ano ginagawa nila, pero hindi kung anong dahilan ng pag papatawag sakanila kanina"
"Kailan mo pa-"
"Stop the chit-chat, I'm hungry." Kaiser cut ice off.
"Hello hungry!" I look at him and wave my hand. He just gave me a death glare so i pouted.
Narinig ko ang pag tawa ni ice sa gilid. "HAHA! barado ka atlas oh!"
"Shut up dork"
"Ay harsh" humawak pa si ice sa dibdib nya at nag kunwaring nasasaktan.
"Tss" iyon lang at nanguna na syang mag lakad.
Nag dadalawang isip pa ako kung sasama pero hinila na ako ni ice at sumunod kay kaiser.
Nasa unahan namin si kaiser at kaming dalawa ni ice ay nasa likod nya. Maaraw pero hindi ako natatamaan ng sinag nito dahil nasa anino ako ni kaiser. Sa sobrang tangkad nya ay kaya nya akong isilong sa anino nya. Kaya ang ending, si ice at kaiser lang naaarawan.
Ang daming sinasabi sakin ni ice. Kung ano ano kinukwento hanggang sa makarating kami sa isang cafeteria.
Natigilan ako dahil nakita ko ang mga necktie ng nasa loob. Kulay black ito. I ig sabihin puro higher ups ang nandito.
Napalunok ako at tiningnan pa lalo ang loob. Kakaunti lang sila, mukhang hindi lalampas sa trenta.
"Oh Zaria! Lika na!" Napatingin ako kay ice na nasa unahan na. Naiwan na pala ako dahil tumigil ako sa pag lalakad.
BINABASA MO ANG
Legerdemain Academy (The Other World Series:#1)
ФэнтезиWho would believe that the bad-ass girl from city would be a student in academy that from nowhere. It's insane! Strange creature, weird abilities, and unbelievable powers! Can someone please wake me up, I'm sure I am just dreaming. But one day i wok...