3

1.1K 41 8
                                    

She's the man!
3rd Entry

•Ara•

"Daks aalagaan mo yung sarili mo dun ah" sabi ni Mika habang nakayakap sa unan nya at naka-indian sit sa kama

"Yung boses mo lagi mong babaan para hindi sila maghinala" advise naman ni Kim

"Nag-ipit ako ng napkin sa secret pocket ng bag mo, ingat lang sa paglabas nun ah" sabi ni Camille habang nagtitiklop ng undies ko.. binilan nila ako ng panty-briefs para atleast unisex at hindi maghinala ang archers

"Wag kang magpabuko ah, pansamantala lang naman ito" paninigurado ni Cienne

Ayun kanya kanyang paalala ang mga bullies habang inaayos ang mga gamit ko, mamaya ay pupunta na ako sa dorm ng MBT, mga tatlong kanto mula rito kaya medyo malayo din...

"Alam ko.." malungkot kong tugon.. kahit mga baliw itong mga ito... alam kong totoo naman sila at labs nila ako kahit hindi halata.. syempre mamimiss ko din sila kasi hindi na ako makakagala kasama sila..

Sa totoo lang kinakabahan ako.. kaya ko ba ito? baka mahuli nila ako, paniguradong paparusahan nila ako ng benggang bengga kapag nabuko ako, huhu sana makaya ko.. #PrayForAraGalang I badly need that right now..

Maya maya ay pumasok si Carol at niyakap ako nito... "Baks!! Mamimiss kita baaaakksss!!" Ngawa nya

"Gaga magkaklase naman tayo" iritable kong sagot at inalis ang mga malalaki nyang brasong nakapalupot sa akin.. inaayos ko pa ang bag ko beket?

"Eh ikaw na si Arman hindi ba? hindi kita pwedeng basta basta malapitan.. at patapos na rin ang semester na ito kaya... huhu I'm gonna miss you talaga"

"Kami rin.." At lahat ng bullies ay grinoup hug ako... awww nakakatouch naman.. alam kong hindi rin naman talaga nila ginusto na gawin ko ito pero ito lang ang pinakamabisa at mabilis na paraan na naisip namin..

Nung kumawala na ang mga bakulaw ay may inabot sa aking notebook si Carol

[a/n: ayan nanaman tayo sa mga
-book eh ;) if you know what I mean #FAIL #FindingAnIdealLover]

"oh para saan ito?" tanong ko sa kanya at kinuha yung Death Note-book

"Nakasulat dyan ang mga profile ng bawat Green Archers, naidagdag ko na rin yung dalawang bago na kasabay mong napasok"

"Paano ka nagkaroon nito?" Binuklat ko na ang libro, nagtatakang nakitingin din ang mga bullies, mukhang wala rin silang alam sa lahat ng ito.. Inopen ko yun at bumungad ang picture ng nagngangalang Luis Alfonso Revilla.. okay namumukhaan ko sya.. sya yung isa sa kausap slash kaaway nina ate Chepot at ate Liss..

[ (^_^) ]
Name: Luis Alfonso Revilla
Nickname: LA
Position: Guard
Etc. etc.

"Pinagpuyatan ko yan kagabi, nagresearch ako ng bonggang bongga para makuha ang mga impormasyon nilang lahat, sa first page of each member ay ang basic info at picture nila.. On the next page are some basic facts and trivias about that member, so that alam mo kung paano sila pakisamahan at para makuha mo agad ang loob nila.. and the preceeding blank pages ay kung saan mo isusulat ang mga weaknesses nila, halimbawa takot sila sa ipis ganun.. Kahit anong kahinaan kahit mukhang walang kwenta pa yan isulat mo lang"

Tumango tango kaming lahat.. Itinuloy lang ng aming master mind na iexplain ang strategy na naisip nya..

"Kapag nalagyan mo na ang bawat myembro pwede ka nang makabalik dito... oh di ba ang galing ng naisip ko? At syempre hwag mong ipakikita kaninuman ang notebook na yan kundi tiklo agad tayo.. gusto ko kasi mapadali ang misyon mo.. basta kung may problema, kontakin mo agad ang isa sa amin ha? enchendes?"

The Galang & Gang Chronicles (Short Stories Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon