4

1.1K 37 11
                                    

Attention: Mali yung unang napublish sori haha binura ko na yun.. eto na talaga! :3

She's the man!
4th Entry

•Ara•

Ngumiti ito ng makahulugan.. Kamukha nya pala si Bimby eh ano?

"I know what you're up to.." pag-umpisa nya.. nanlaki ang mata kong napatingin sa kanya.. "Alam mo ba kung anong gagawin sa'yo nila kuya L.A kapag nalaman nila ang sikreto mo? susunugin ka nila ng buhay.."

Parang biglang tumigil yung tibok ng puso ko sa narinig ko... Alam nya?! Anong gagawin ko?! Kung kunwari hindi ko alam ang sinasabi nya.. magpakainosente.. Baka magdalawang isip sya sa hinala nya.. hinala nga ba talaga? O may ebidensya sya?

"A-ano ba pinagsasabi mo? sikreto? yung sa pagkapanalo ko ba? hindi ako nandaya ahh... I won fair and square!" pagkaila ko

"You know what I'm talking about.. yung 'Yeye' na katext mo ay Lady Spiker hindi ba? Aminin mo na! don't deny!" Nakakunot ang noo nitong sabi..

"Ahhh h-hindi ah.. err" paano ba ako makakalusot dito? okay this calls for desperate measures "please 'wag mong sasabihin kahit kanino... gusto mo sa'yo na lang premyo ko? gawin mo akong alipin! nagmamakaawa ako.. kahit anong gusto mo gagawin ko!!" at humarap ako sa kanya tapos lumuhod.. first day of mission ko ito.. Kaya hindi ako pwedeng bumalik sa dorm! kung dito susunugin nila ako ng buhay.. doon babalatan muna nila ako, bago sunugin ng buhay at ipapaagos sa kanal yung abo ko.. huhu

"Kahit ano?" tanong nya at ngumiti

"Arman? Thomas?" biglang may pumasok ng kwarto habang nakaluhod ako at magkadikit ang mga palad kong nagmamakaawa kay Thomas

"Oh Jeron.." Thomas said casually..

"Ang daya mo! you're already confronting Arman without me?!" sabi nya.. teka alam nya rin?

"Alam mo rin?" tanong ko

"Of course! you're so obvious!" sabi ni Teng

Napasabunot ako sa buhok ko.. "aaarrggghhh tanga tanga ko talaga!!"

"Hey stop that!" pinipigilan ni Thomas yung kamay ko

"Don't worry we'll help you" dagdag pa ni Jeron

"Tutulungan nyo ako? bakit?"

Biglang namula ang mukha nya...

"B-basta tulungan mo rin ako.. K-Kami ni Thomas"

Narinig ko naman ang malalim na pagbuntong hininga ni Thomas.. "Ikaw lang ano..." sabi nito "wala akong trip sa kanila"

"So Arman, sabihin mo sino ba nililigawan mo sa mga Spikers?? naku baka pareho tayo ng nagugustuhan.." Pakamot kamot pa ng ulo ang intsik beho

"Ha? anong ibig mong sabihin?" Nawala na ako sa usapan eh

"Yung nililigawan mo sa spikers,.. sino? alam mo bang magagalit ang mga seniors natin? may crush nga ako sa Lady Spikers kaso.. nakakatakot sila kuya.. Di ba Thomas?"

Wait... processing... Processing... ching! ahhh ang akala nila nanliligaw ako ng isang spiker at hindi yung alam nilang ako ay isang Lady Spiker... Whew!!! akala ko buko na ako!! bigla akong nakahinga ng maluwag at nagdahan dahan na ang kanina'y 100km per hour na tibok ng puso ko..

"Paano nyo naman nasabi.. mga issue kayo ah" sabi ko pagkarealize ko ng ibig nilang sabihin na 'sikreto' ko

"Well kanina, nakita ka naming kausap ang mga Lady Spikers papunta dito.. tinulungan ka pa nga nilang magbitbit ng mga gamit mo eh" sabi ni Jeron

The Galang & Gang Chronicles (Short Stories Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon