Ara POV
"Mga bullies.. nakikita nyo ba ang mga walanghyang mga nilalang na yun?" sinilip namin ang mga itinuro ni ate Melissa Gohing
"Yes mga ate!" sabay sabay naming sagot..
"Kilala nyo ba kung sino sila?" tanong naman ni ate Michele Gumabao
"Yes mga ate!" parang mga minions kaming makasagot eh
"Teka ate bakit ba kailangan nating magtago dito sa likod ng mga bushes?" biglang tumayo si Mika pero agad naman syang hinila ni ate Michele kaya napaupo pa ito sa damuhan..
"Yeye! anu ba?!" galit na sabi pa nito
"Eh nangangati na ako eh" tumalunko ang kapre at nagkamot na ng paa.. kakatapos lang ng training namin kaya mga nakajersey pa kami.. Naisuot lang namin ang mga jacket na may hoodie namin... wala ng ligo ligo dahil hinila agad kami ng dalawang ito at nandito nga kami mga nakakatalunko sa likod ng mga bushes malapit sa Henry Sy.. Nagiispy kami sa mga Green Archers na mga nakatambay sa hindi kalayuan...
"Oo nga ate Cheps bakit kailangan pang magtago?" reklamo ni donkey Carol na nag-uumpisa na ring magkamot ng braso
"Eh bakit ba nagtatago? para hindi makita!" sagot ni ate Liss
"Mga estudyante din naman tayo dito at hindi outsider" nakigulo na rin ako.. Hinubad ko ang jacket ko..ang init eh anlagkit lagkit ko na at puros pawis pa.. Nag-tali na ako ng hanggang balikat kong buhok at nagsuot ulit ako ng headband.. eh paligo na sana ako kanina ng hinila ako ng dalawang ito kaya naalis ko na ang ponytail ko..
"Kurek ka Vic! kaya hindi naman bawal na makita tayo nyang mga yan.. natural lang yun" pag-agree ni Cienne na gumaya sa akin at nagsuot din ng headband
"Magsitahimik! ngayon alam nyo na ba ang mga gagawin nyo?" tanong ni ate Liss..
"Yes mga ate!" with matching saludo pa..
"Uy teka mga bullies hindi pa natin alam" sabi ni Camille
Sumang-ayon naman kaming lahat at kinorek ang una naming sagot
"No pala mga ate!" syempre hindi nawala ang saludo
Nagtinginan si ate Liss at ate Chepot.. "Huddle huddle" bulong nila kaya lumapit naman kami.. pabulong nilang sinabi sa amin ang plano..
"Yun na yun?"
"Sure ba sila dyan?"
"Parang walang kwenta"
"Eh nasan yung props natin?"
"Ma at pa.."
Bulong bulungan namin.. Dadaan lang daw kami doon at tatapunan ang mga sapatos nila ng softdrinks.. saan kami kukuha ng softdrinks saka anong point nun diba? Hindi naman kami papaalisin netong mga to kaya yaan nyo na.. bahala na si superman.. ano puros na lang si batman?!
"Hey!" inilagay nila ang mga kamay nila sa gitna ng huddle namin.. at ginaya naman namin sila
"Play on!" sagot naming lahat. aba ayos parang may laban lang ah
"wait 1, 2, 3, 4, 5..." pagbibilang ni ate Liss sa amin.. "diba anim kayong mga bullies? nasaan yung isa?"
"si Kim... wala pa ba sya?" dagdag ni ate Chepot
On cue ay narinig namin ang bunganga ng missing Dora
"Ate Cheps ito na yung pinakuha mo!" hinanap namin ang pinanggalingan ng boses.. nakita namin ang nakatayong si Kim na may dala dalang dalawang paper bag at kumakaway sa amin.. pero ang shungang negra limang dipa lang ang layo mula sa mga Archers.. maging ang mga mokong ay natigil sa usapan nila at napatingin kay Kimi..
BINABASA MO ANG
The Galang & Gang Chronicles (Short Stories Compilation)
RandomJoin Ara Galang and the rest of the gang (Lady Spikers and Green Archers) in a collection/compilation of different short stories.. (mostly ThomAra) Pagkatapos ng isang short story ay may iba nanamang istorya.. Maybe more or less ten chapters per sto...