She's the man!
5th ChapterConfrontation
•Ara•
Shit nasan na kaya si Thomas? Nabasa kaya ni Thomas yung notebook? Wag naman sana. Takte nasan na ba siya dinala ng maliliit nyang legs at hindi ko sya mahanap?
Hindi naman kalakihan itong lupain nila kuya LA para hindi ko sya mahanap ng ganito. Hindi kaya nasa rest house lang yun? Bakit nga ba hindi ko naisip na hanapin muna sya sa loob ng bahay bago dito sa labas? Ang shunga mo talaga Ara. Kaloka napakadilim pa man din dito. Huwaaaahhh!! Hindi kaya.. may mumu dito? Huhu tatakbo na sana ako pabalik ng rest house ng may narinig akong nabasag na kung ano man sa hindi kalayuan.
Paglingon ko... sa may cottage pala nanggaling yung ingay... since naiwan ng mga archers na nakabukas ang ilaw ay may naaninag akong tao dun. Tao nga ba? O mumu.. 0_o awoooo
Hindi kaya si Thomas yun? Lalapit ba ako? argh sige na nga.. hindi totoong may multo! Pero kanino ba ako dapat matakot? Sa multo o sa galit na si Thomas? Parang mas pipiliin ko na lang ang mumu.
Nilakasan ko na ang loob ko at lumapit sa cottage.
"T-Thomas?" sabi ko habang papalapit sa cottage. Sya nga.. iniinom nya ang natirang alak ng mga Archers "Nandito ko l-lang pala.."
Para bang napako lang ako dito sa entrance ng cottage at hindi makapasok sa loob. Ni hindi ako nito nilingon bagkus ay nagsalin muli ng alak sa shot glass nya.. alam nya na kaya?
"yeah..and what does a con artist like you doing here?" alam nya nga
"n-nabasa mo.." I wasn't able to finish my sentence dahil nagsalita ito with a calm but dangerous voice that had sent shivers down to my spine
"your notebook? Yeah.. what a bull crap.. finding out our weaknesses to later use against us?" he let out a humourless laugh "kuya LA was right.. Lady Spikers are crazy.. and desperate"
"sorry" napayuko na lang ako.. ano pa nga ba ang pwede kong sabihin?
"I just can't believe it.. you have gone all through this para lang sa mga kahinaan na yon? We believed in you.." sabi nito habang nakatitig sa basong hawak nya
"Alam ko" I answered, but I can't look at his face.. I don't wanna see.. or rather I'm scared to see how angry he is
"We trusted you!" mas lumakas na ng kaunti ang boses nya. Pulang pula na ang mukha nya.. sabagay kanina pa ito umiinom.
I sighed "alam ko"
"But you tricked us!" sa pagtaas ng boses nya ay sya ring paglakas ng kabog ng dibdib ko
"Oo" nanliliit ako sa mga sinasabi nya. hindi ko na napigilan ang luha na tumulo mula sa mga mata ko.
"You're such a liar!" tumayo na sya sa kinatatayuan nya at inista ang baso sa sahig na agad namang nabasag
"Oo alam ko yu-"
"Sinungaling! Manloloko!" dinuro pa ako nito
"Oo! Alam ko Thomas! ALAM KO!!" sigaw ko din kaya napatigil sya "kung sa ganyang paraan mo
mailalabas ang galit mo sige! Pero gusto kong sabihin sa'yo na hindi ko ginusto ito! Na sising sisi ako.."
"That's bullshit!" sabi nya at lumabas ng cottage, nilagpasan ako nito at mabilis na naglakad.
Hinabol ko siya ngunit hindi ko maabutan "Thomas!"
Ngunit hindi ako sumuko, medyo nakalayo na kami "Thomas ano ba?!" tumigil naman ito sa paglakad ngunit hindi ako nilingon.
BINABASA MO ANG
The Galang & Gang Chronicles (Short Stories Compilation)
AcakJoin Ara Galang and the rest of the gang (Lady Spikers and Green Archers) in a collection/compilation of different short stories.. (mostly ThomAra) Pagkatapos ng isang short story ay may iba nanamang istorya.. Maybe more or less ten chapters per sto...