2

1.5K 49 6
                                    

So wala po akong alam sa mga basketball try-outs (esp. sa La Salle) their rules and regulations or whatsoever hehe epek na lang ito 'kay? kunwari tama.. i think mga 3 or 4 chaps na lang ito hehe pahabain ko pa ba? Wag na! :p hindi ko na rin masyado prinoofread dahil overdue na aketch masyado..

Pakishrug off na lang all the wrongness that contradicts the universe thank you! :3 here goes the....

She's the man!
2nd Entry

•Ara•

"Hindeeh!! ayoko!! maawa na kayo!! mga kaibigan ko kayo hindi ba? Wala namang ganyanan!!" Pagmamakaawa ko sa bullies habang buhat buhat nila ako papunta sa kusina.. Sinusubukan kong kumawala pero para bang mga kargador sa pier ang mga ito kung makabitbit. si Carol at Camille ay nakahawak sa magkabila kong braso. si Kim at Cams naman sa mga paa ko.. samantalang si Mika ay nakasunod lang sa amin..

"Sorry daks, pero kasi no choice tayo eh" malungkot na sabi ni Mika na hinaplos pa ang buhok ko.. "Mamimiss ka namin huhu" anu ba yan para naman akong ililibing nito.. kulang na lang mga bulaklak eh

"Makakaisip naman tayo ng ibang paraan! Magspy tayo, magresearch, magtanong tanong!" suhestyon ko "Marami tayong pwedeng gawin wag lang ito!!" Nagpumiglas ako.. but as expected.. waley.. mahirap makawala.. Lakas ng mga maskels nila.. tingin nyo san napupunta ang mga nilalamon nilang gabundok?

"Hindi yun sapat Ara! hinding hindi!" madramang bitaw ng linya ni Cienne

"Tama si Twin!" pagsang-ayon ni Camille "ito ang pinakaepektibong paraan, ang obserbahan sila ng malapitan! bente kwatro oras!"

"Hindi na ako matutulog ganun? alam nyo naman kung gaano kahirap ang gusto nyong ipagawa hindi ba? nahihibang na kayong lahat!"

"Sa buhay na ito, kalokohan man sa paningin ng iba.. ngunit may mga kahibangan tayong kailangang gawin.. upang makamit ang nais nating makamtan" parang wala akong naintindihan sa litanya ni Kimi

"Kim! di ba sanggang dikit tayo? Tulungan mo ako huhubels" pagpapaawa ko baka sakaling umepekto ngunit umiling lang ito at hindi na tumingin sa akin

"Oo nga Ars" singit ni Cars "pagpasensyahan mo na ngunit kailangan kang ialay sa dalawang bulkan para hindi ito sumabog" what a metaphor naman netong bakla na ito.. ooga ooga! parang mga caveman lang ang peg nila at ako ang kailangang isakripisyo sa Bulkang Gumabao at Gohing..

"Mga taksil kayo! Akala ko sa gubat lang ang ahas! nasa dorm na pala! mga nagmigrate na ba kayo at nakarating kayo rito sa syudad?!" wehehe pwede na kami sa isang drama sa TV.. calling Chito S. Roño..

Pagkarating naming kusina ay masayang nagkwekwentuhan ang mga team mates namin.. sina ate Abi, Mowky, Mich, Mel at Cyd..

"Oh mga baby anung ginagawa nyo kay Ara?" pag-aalala ni mother F

"MotherF!! helping me huhubels mother F!!!" agad namang lumapit si ate Abi sa amin..

"Huy ibaba nyo nga, mga batang ito talaga.." Sinubukan nyang alisin ang pagkakahawak nila Kim at Carol sa akin pero ayaw bumitaw ng mga lukaret

"Ate hindi pwede! baka makawala!" dahilan ni Cerveza

"Yun na nga yung point di ba?" sabi pa ni mother F. isa ka talagang santa aking ina! Kaya loves ko to eh..

"Pero ate" pagpigil sa kanya ni Mika "dahil ito sa mga Green Archers"

"Green Archers" lahat sila ay nagsalita maliban sa aming mga bullies.. yun tipong nandilim pa ang mga mukha at natago ang mga mata sa mga hairlaloo nila... parang sa mga anime lang kapag nagalit na ang mga characters at handa ng sumapak... ganun!. shit just got real! Grabe naman ang mga issue netong mga ito sa mga Green Archers.. Paano kaya nagsimula ang rivalry nila na dinaig pa ang rivalry ng Ateneo-La Salle? Sa labas nga ng court friendship ever naman ang school namin sa mga agila eh.. ito sagad sa buto ang galit..

The Galang & Gang Chronicles (Short Stories Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon