5 YEARS AGO -WITCH WORLD (Arcadest)-
Mason's POV
Panibagong araw nanaman ito. Nandito ako sa hallway ng scoula de magia university.dito ang university ng mga witches. May 2 klaseng witch. Una, ay yung pinanganak ka na yung isa sa magulang isang witch.at yung pangalawa ay nag entrance exam ka dito at kapag nakapasa ka.. congrats! mabibigyan ka ng witch powers ng isa sa mga headmasters.
Sa kasalukuyan meron kaming 3 headmasters. Si head master caralubio,ang ama nina headmaster draminos at headmaster mondreos. Si headmaster draminos ang nakakatandang kapatid ni headmaster mondreos. Hindi lang sila namamahala dito sa university na ito kundi pati na rin dito sa witch world. Masagana ang buhay dito sa witch world. Maayos at payapa.
Habang naglalakad ako papunta sa classroom ko. May---
"MAASOONNNN!!!"
Pagkalingon ko sa likod ko. Nakita ko si Hannah guevarra.
"Good morning!"- sabi nya sabay yakap sa akin.
Ang hyper talaga ng girlfriend ko. Haha!
"Good morning din.tara pasok na tayo."
"Ok! Hehe..." at pumasok na kami sa classroom at nakita namin sina mhyko,nastea at trish.
"Uyy!! Ang sweet nyo naman! Inggit ako!"- sabi ni trish sabay pout
"Pre! Nilalanggam na ako dito sa sobrang sweet ninyong dalawa! Haha! Nastea.. holding hands nga tayo."- sabat ni mhyko
"Tse! Wag ka nga magulo mhyko! Nagrereview pa ako eh!"- reply ni nastea sabay takip ng kamay nya sa tenga nya.. haha! Wala na.. kawawa si mhyko!
"Ehh?? Hindi mo na ba ako love?"-mhyko sabay paiyak at naka pout pa
"Oo.. hindi na kita love.. bakit? Angal ka?"
"UUWWWAAAHHH!!!"- sigaw ni mhyko
"Pwede bang tumahimik ka dyan mhyko! Sige ka. Break na tayo!"
"UWWA--- ahh.. ok hehe.. tatahimik na po."
Ang kukulet nila no? Haha! Kami palang dito sa room kasi maaga pa naman eh. Umupo na kami ni hannah sa upuan namin syempre. Haha!
Hindi ko pa ba naikwento sa inyo kung paano kami nagkakilala at naging lovers kami ni hannah? Ok sige.. ehem.. *fake cough*
Crush ko sya noong elementary pa lang ako.. hindi lang ako nagandahan sa natural beauty nya pati na rin sa ugali nya maganda din. She's my type of girl. Masiyahin,moody, may pagka weird minsan, mahinhin (daw xD) at mabait syempre. Nagconfess ako ng feelings ko sa kanya bago kami magtapos ng elementary. Nagulat ako sa reply nya na crush din nya pala ako.. at yun tuloy tuloy na. Nalaman ng mga parents namin ang relasyon namin at thankfully pumayag sila. Mag 6 months na kami sa susunod na buwan.
"Mason may ibibigay pala ako sayo"- sabi ni hannah sa akin
"Ahh.. ano yun?"
At may kinuha sya sa bag nya at hinawakan nya yun kaliwang braso ko at may ikinabit sya. Pagkatingin ko dun nakita ko na bracelet pala yun at may nakita akong logo na"H".
"Special gift ko yan para sayo. Pag nawala mo yan. Ibig sabihin.. hindi mo na ako mahal."
Ganun? Haha! Ang sweet talaga ni hannah ko.
"Aiyee!!"- si mhyko yun
Pagkatapos nun dumating na yung iba pang mga classmates namin at dumating ang isa sa mga regular teachers dito sa university.
-After a few months-
Palabas na ako ng bahay ko na may--
*BBAAMMMM!!!*
Teka anong nakikita ko? Nagkakagulo ang mga tao,nasusunog ang mga bahay nila, yung iba sugatan at iba nakita ko na... na patay na sila.. teka ano bang nangyayari dito!? Pumunta ako sa scoula de magia at nakasalubong ko sina mhyko at nastea
"Mhyko,nastea! Ano bang nangyayari dito!?"
"Hindi namin alam.. basta nakarinig kami ng mga pagsabog,dagundong at hiyawan ng mga tao. Paglabas namin.. eto ang nakita namin.. "-mhyko
Tumigin ako sa paligid.. may mga estudyante na nagsilabasan dito sa campus at iba sa kanila sugatan.
"Teka.. si trish yun ah.. trish! Trish!"- sigaw ni nastea..
Lumapit sa amin si trish na natulala at wala sa sarili..
"Trish! Ok ka lang? Anong nangyayari sayo?"- tanong ko
"Ok lang ako guys.. ok lang ako..."
Sa tingin ko.. hindi sya ok.. tumingin ako sa kanan ko.. nakita ko si headmaster mondreos na papalapit sa akin..
"Pumunta na kayo sa safe zone! Ako na bahala dito!"
"Sir.mondreos! Ano po ang nangyayari dito?"- tanong ko
"Mamaya na lang pagusapan yan! Pumunta na kayo sa safe zone! Dalian nyo!"
At kumaripas na kami ng takbo papunta sa Rogriys.. yan yung pinaka safe na lugar dito sa witch world. Habang papatakbo na kami. Nang--
"MASOONNN!!!"
Teka... boses yun ni hannah..pumunta ako sa kaliwa at hahanapin ko si hannah.. ayoko na may mangyari na masama sa kanya..
"Mason! Saan ka pupunta!"- rinig ko na sabi ni nastea
"Pupuntahan ko lang si hannah!"
"MASSOOONN!!!"
Palakas na palakas ng boses ni hannah.. malapit na sya sa akin at--
"Hannah!"
Nakita ko si hannah na pagod na pagod at may nakita ako sa likuran nya..
"Hannah!" Patakbo na ako papunta sa kanya pero may nakaharang na seal.. kaya hindi ko sya malalapitan.. damn!
"Hannah!"
"Mason!"
Hinawakan ng taong naka maskara ang mga braso ni hannah at unti unti sila lumalayo..
"Hindi!! Hannah!!"
"Mason!! Huhuhuhu!! Mason!"
At nawala sila sa paningin ko.. kaasar!! Nawala yung seal at tumakbo na ako sa kaliwa at huli kong nakita si hannah at yung naka maskara
"Mason... I love you."
Pagtapos nun.. nawala na sila..napaluha ako.. hindi ko alam kung anong gagawin ko.. tumakbo na ako pabalik kina mhyko at nakita ko sila na malapit na sila sa Rogriys.
"Mason! Anong nangyayari? Nasaan si hannah?"- tanong sa akin ni nastea
"Kinuha sya ng kalaban natin.. wala na sya.."
"Don't worry mason.. mahahanap natin sya.. ok.. "- mhyko
"Ok.."
-End of Chapter 3-
(A/N: Guys! Ang true name ng witch world ay Arcadest.. btw. see you next update!! Please vote and comment!! Thank you!! :)
Kazuya kamenashi as mason cole anders)
BINABASA MO ANG
Alternate Universe 2: Witch World (complete)
Teen FictionThe Blackstars is now complete... New adventure starts in Witch World.. But the secrets of Witch World is too much darkier than it's surroundings... The question starts again... Will they succeed? or will they fail? Alternate Universe 2