Special chapter: Pontus and hansen (mysterious brothers)

113 7 10
                                    

(A/N: sorry po guys sa matagal na walang update.. may iba po akong ginagawa at top secret yun.. xD btw.. this is the special chapter nina pontus at hansen.. naaalala nyo ba si pontus? Sya yung alalay ni miguel.. paano sila nagkakilala at sino si hansen? Andaming tanong.. hahaha.. eto na guys!! Please vote this chap. :)

Pontus POV

Nakapagtataka bakit biglaan ang pagbagsak ng arcadest at yung mga kinikilala namin mga kalaban sa unang tingin ay low rank sila pero anlalakas nila natalo nila yung mga kawal ng arcadest.. eto na yata ang pinakamadugo at malagim na digmaan sa buong kasaysayan ng arcadest..

Nagtataka ba kayo kung bakit nakakaintindi at nakakapagsalita ng tagalog? Well.. ang ordinaryong language namin ay italian at english pero noong nagpakasal si 1st high honor headmaster caralubio sa isang filipina ay natutunan namin lahat ang tagalog..

Habang nagkakagulo ang buong arcadest.. hinahanap ko ang aking bunsong kapatid na si hansen.. ulila kami sa magulang namin.. dahil pinatay sila ng mga kalaban namin.. walang awa talaga sila..

Habang hinahanap ko ang aking kapatid ay napukaw sa atensyon ko.. habang lumalapit ako ay palakas ng palakas ang usapan nila.. sumilip ako at hindi ko inaasahan sa nakikita ko ngayon..

Si headmaster draminos.. nakatutok ang kanyang kamay na may black na aura kay headmaster caralubio.. napapalibutan sya ng tatlong naka black cloak na may maskara..

"itigil mo na ang kalokohang ito draminos!" Sigaw ni headmaster caralubio

"Sa tingin mo ba ama.. ititigil ko itong plano ko.. pinaghirapan ko itong plano ko noong isang taon pa.. hindi ako makakapayag na mapunta ang korona mo sa kapatid ko.."

"Walang hiya ka.. nang dahil lang dun.. ginulo mo na ang buong arcadest!? Wala kang respeto! Hindi kita hahayaang magtagumpay sa kasamaang ginawa mo sa arcadest.. hindi kita pinalaki ng ganyan!"

"Hanggang ngayon hindi mo pa rin alam kung BAKIT ko ito ginagawa.. hindi na ako magdadalawang isip na patayin kita.. "

"Hindi mo ako p--- aagghhh!!'

Nagulat ako sa susunod na pangyayari...

inatake ni headmaster draminos si headmaster caralubio sa kaliwang dibdib.. tinamaan nya sa puso..

"Any last words ama?"

"P-pagsisisihan mo i-itong kasamaang ginawa mo sa arcadest.... balang araw.... matatalo... ka..hindi.. ka magtatagumpay sa kasamaang pinaplano mo! Agghh!"

Nanlaki ang mga mata ko na pinatay na nya si headmaster caralubio..

Dahan dahan akong umalis doon baka kase makita pa ako at patayin din nila ako.. hindi pa ako handa mamatay dahil hindi ko pa nakikita ang kapatid ko.. nasaan na sya?!

Nakasalubong ko si sir.rolando sanvictores kasama nya yung kapatid ko..

"Sir! "

"Oh.. salamat nahanap kita.. teka bakit ganyan ang itsura mo? May nangyare ba?" Tanong ni sir.rolando sa akin

"Ah? Kase po.. pinatay po ni headmaster draminos ang kanyang ama.."

Nagulat sya sa sinabi ko..

"Sumunod ka sa akin.."

Sumunod ako sa kanya at habang sumunod kami..

"Kuya.. natatakot ako.."

"Sshhh.. ok lang yan.. wag kang matakot.."

Pagpunta namin sa bahay nya at pumasok na kami..

"Pupunta kayo sa earth at ang destinasyon ay pilipinas.. magkaparehas din ang mga language dun.. english at tagalog. Makakasama nyo dun ang asawa't anak ko at si miguel capopez.. "

"Paano po kayo?" Tanong ko

"May aasikasuhin lang ako dito pero susunod na ako sa inyo.."

May nai-cast syang portal papunta sa pilipinas..

Pumasok na kami sa portal at napunta kami dito sa isang malaking bahay..

"Sino kayo?"

Napalingon kami sa boses na yun at sa nakikita ko sya si miguel capopez..

"Pinadala po kami dito ni sir. Rolando.."

"Ahh.. ganun ba? Ako si miguel capopez at kayo?"

"Ako po si pontus elifaniez at sya ang bunsong kapatid ko na si hansen"

"Sige.. welcome na inyong dalawa dito sa earth.."

"Thank you po sir. Miguel.."

Simula sa araw na iyon naging kaibigan at master namin si miguel..

Bagong buhay na ito..

-end of special chapter-

Byeee :)

Alternate Universe 2: Witch World (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon