Koal’s POV“Koal Lee!” pasigaw na tawag ni Francine sa ’kin, dahilan upang lingunin ko kaagad siya. Argh! Ang bunganga talaga ng babaitang ‘to, hindi talaga matatahimik kahit na kailan!
“Hoy Francine, pakihinaan mo nga yang boses mo, para kang tumitilaok na manok sa umaga eh, ang ingay!” naiiritang saad ko sa kanya dahilan upang mapasimangot ang mukha nitong parang shokoy este tao pala ’to.
“Kasi naman eh, sabi kasi ni Sir Mark may new project na naman daw, magpapatulong lang sana ako sa ‘yo,” mahabang eksplanasyon pa niya sa ’kin habang ako naman ay hindi na maipinta ang mukha dahil sa inis. Napakatamad talaga…
Napabuntonghininga na lamang ako dahil sa stress, jusko. Sumalangit nawa ang katamaran ng babaitang ‘to.
“Okay, I will take it.” Pagkasabi ko no’n ay siyang pagkawala ng malakas na tili sa bunganga ni Francine, sabay palakpak pa ng kamay nito sa ere. Jusko, help me god.
“Thank you, Koal!” masiglang turan nito sa akin at dali-daling tumakbo papalayo.
“Buwiset ka talagang babae ka! Bumalik ka rito’t makakatay na talaga kita!” malakas na sigaw ko sa kanya, dahilan upang pagtinginan ako ng mga kapwa empleyado ko rito sa opisina.
Hindi ko talaga ma-gets ugali ni Francine. Paminsan childish, pero matured din naman siya kung makaasta sa ibang oras. Ah, ewan!
Napatampal na lang ako sa noo ko nang wala sa oras at hinilamos ang sarili kong mga kamay sa’king mukha at bumalik na sa table ko.
Lunch time came, at wala na naman akong kasamang kumain sa cafeteria. Sigurado akong lumalandi na naman ‘yong Francine na ’yon sa kabilang department, tsk. Palaging nakikipaglandian pero kahit ni isang lalaki walang tumatagal, nako.
Sa totoo lang, ang hirap maging sekretarya. Halos anim na buwan na akong nagtatrabaho dito sa kompanya na ‘to, pero hanggang ngayon hindi ko pa rin makita kahit anino ng boss ko. Tinanong ko nga pati mga ka-empleyado ko rito pero ang alam lang daw nila ay Grey Nicklaus pangalan nito.
Aba, siyempre alam na alam ko ‘yon, siya kasi halos laman palagi ng balita sa TV at mga pahayagan. Napatampal na lang ako sa aking noo nang maalala ko ang mga kumalat na balita patungkol sa boss ko.
Grey Nicklaus spotted in Blah. Blah. Blah.
Totoo nga bang si Grey Nicklaus ay halimaw? Dahil hindi ito nagpapakita sa publiko? Blah. Blah. Blah.Napahilot na lang ako sa aking noo dahil sa mga naaalala kong mga issue na ‘yon. Ako lang ‘ata ‘yong secretary na pinapadalhan lang ng documents at nag-aarrange lang ng meetings for her boss, without knowing kung uma-attend ba talaga ito sa gatherings at meetings na nakasaad sa schedules niya.
Jusko, kung hindi lang talaga para sa tatay ko, matagal na akong nag-resign sa kompanyang ‘to.
Pero siyempre biro lang, mataas silang magpasahod kaya okay na.Habang nasa kalagitnaan pa rin ako sa pakikipaglabanan sa ’king pagkain nang may biglang umupong lalaki sa ’king harapan, god. Just please. H’wag ngayon, piping bulong ko sa ’king sarili.
“U-Um—”
Hindi ko na siya pinatapos pa’t ako na mismo ang pumutol sa usapan.”Gusto mong umakyat ng ligaw sa ’kin? Tapos if sasagutin kita, siyempre mananalo ka sa pustahan niyo ng mga barkada mo sa kabilang table, hindi ba?” agresibong tanong ko rito sabay baling ng tingin sa kabilang table at nagsiyukuan naman silang lahat dahil sa hiya.
Aba… may hiya pa pala sila sa katawan? sarkastiko kong saad sa ’king isipan sabay baling ulit ng tingin sa aking harapan.“H-Hindi ka naman gano’n kaganda!” parang natatarantang sigaw no’ng lalaki sa ’kin sabay alis sa ‘king harapan. Para siyang kagagaling lang ng Red Cross at kinuhanan ng dugo sa sobrang putla.
Sa tingin niyo iiyak ako dahil lang sa pinagpustahan ako? No. Para sa ’kin mas masakit mawalan ng mahal mo sa buhay, kaysa sa mga bagay na ‘yan. At ayokong mangyari ‘yon sa akin kaya nga nagsisipag ako ngayon para kay Mama at Papa.
Sanay na ako sa mga gan’to simula no’ng nasa high school pa ako. Because even my own boyfriend back then, ay pinagpustahan rin nila ako ng mga kabarkada niya. Yeah it hurts, pero nakayanan ko rin naman.
“Hoy Koal, lalim ng iniisip natin, ah?” tanong ni Francine sa ’kin sabay sipsip sa dala dala niyang kape.
“H’wag mo akong kausapin Francine, may utang ka pang hapunan sa ’kin,” saad ko at bumalik na sa pag-iimprinta ng mga papeles.
“Hay nako, ang ganda talaga ng kaibigan ko, sige na nga, ililibre kita mamaya,” biglaang turan nito at naglalambing na niyakap ang baywang ko.
“Para kang tanga riyan,” nangingiting saad ko sa kanya pabalik, “Ayiee, sabi ko na nga ba eh, pagkain lang katapat mo, haha.” Sabay yumakap siya ulit sa ‘king tagiliran.
“Oh, mauna na muna ako sa ‘yo Francine, may gatambak pa kasi akong trabaho,” Pabirong saad ko kay Francine, dahilan upang mapa iling-iling siya sa sinabi ko.
“Just be careful sa office ng Unknown Boss natin, baka kasi totoo talaga ‘yong bali-balita na multo siya, haha,” pabirong turan niya pabalik sa ’kin dahilan upang magtawanan kaming dalawa sa mga kagagahan namin. Kahit tamad ‘to, mahal na mahal ko ‘to.
“Hay, sa wakas, gabi na rin,” wika ko sabay hikab at inat-inat na rin sa aking mga kasu-kasuan, ang hirap talaga mag trabaho sa opisina. Kung sabog ka ngayon, mas sabog ka pa bukas.
Pero ginusto ko ‘to eh, kaya paninindigan ko. Malaki rin naman sahod ng isang sekretarya ngunit hindi pa rin ito sapat para sa pagpapagamot kay Papa.
“Miss. Lee, hindi ka pa ba uuwi?” tanong ni Sir Mark sa ‘kin na head ng department na pinagtatrabahuhan ni Francine. Napakamaaalahanin talaga niya.
“Opo, tatapusin ko pa kasi ‘tong new project report. Bukas na po kasi kailangan ng board of directors,” magalang na saad ko sa kanya. Agad namang napailing-iling si Sir. Mark sa sinabi ko.
Bakit? May nasabi ba akong masama?
“Okay, just be careful…” panimula pa nito sabay linga-linga niya sa buong paligid bago magsalita ulit. “Baka kasi may makita kang multo rito, and remember what I said in your interview?” mahinang saad ni Sir Mark, sabay lagay niya ng kaniyang hintuturo sa labi niya.“Just keep it a secret,” saad ulit nito sabay kindat sa akin, and then he let out a little chuckle and left.
“A-Ang creepy ng smile niya ah,” nakangiwing saad ko sabay linga-linga ko na rin sa buong paligid, natatakot na tuloy ako!
It’s almost 10 o’clock in the evening pero hanggang ngayon hindi ko pa rin tapos ‘yong pinapagawang report ni Francine sa ’kin, “My god! Wala na akong masasakyan nito shuta! Bakit ko pa kasi tinanggap ‘tong project na ’to! Bukas ko na lang 'to tatapusin,” natatarantang saad ko sabay save ko na ng file at ini-off na ang computer at nagmamadaling kinuha ‘yong bag ko.
Lalabas na sana ako sa pintuan ng aming opisina ng bigla na lang may kumalabog malapit sa CEO office, dahilan upang manginig ang kalamnan ko dahil sa takot. At dahil nga chismosa ang lola niyo, ayon, para akong timang na naka-squat habang pa unti-unting tumutungo sa opisina ng boss ko.
Curious rin talaga kasi ako kung anong nasa loob ng opisinang 'yan. I’ve been working here as his secretary for almost half a year, pero hindi pa talaga ako nakakapasok sa office na ‘yan at hanggang labas lang talaga ako sa opisina niya.
And guess what I’ve seen? Isang lalaking naka maskara at naka-hood pa talaga ito! “Holy moly cow! May magnanakaw sa loob ng building!” hysterical na saad ko sa aking isipan sabay tago ko sa gilid ng table na nasa pinakadulo at tinakpan ang sarili kong bunganga para hindi ako makalikha ng anumang ingay.Ayoko pang mamatay!
Sumigw ako sa isipan sabay tayo nang mas mabilis pa kay Flash, dahilan upang bumagsak ang vase na nakapatong sa table at lumikha ng napaka lakas na ingay sa buong opisina.
Takte! Kailan pa nagkaroon ng vase dito?
Para naman akong na estatwa at nabuhusan ng litro-litrong malamig na tubig dahil sa nangyari. Hinay-hinay akong napalingon sa direksyon ni kuyang magnanakaw, na halata rin sa mga mata nito ang gulat.And before he can speak some words, I already ran my ass off na para bang katapusan na ng mundo pag naabutan niya ako.
And because of that…a sleepless night came in. Jusko, sabog na sabog na naman ako nito bukas.
BINABASA MO ANG
My Unknown Boss ||COMPLETED||
RomanceKoal Lee, that's her name. Nagsisipag siyang magtrabaho bilang isang Sekretarya sa E Master's Company, dahil sa gusto niyang ipagamot ang kanyang ama. Pero paano kung ito ang maging dahilan upang mag tagpo ang mga landas nila ni Grey? Tatanggapin n...