Koal's POV
Napamulat nalang agad ako, ng maramdaman kong may yumo-yogyog sa magkabilaan kong mga balikat. Ano ba’yan, natutulog pa ‘yong tao eh! Piping reklamo ko sa aking sarili.
Napabalikwas nalamang agad ako mula sa aking pagkakahiga ng matandaan kong natutulog pala ako ngayon sa kotse ni Boss. Nakakahiya.
“M-Ma?” ‘Di makapaniwalang turan ko, sabay yakap ko kaagad kay mama dahilan upang mapatawa ito, “Na-miss kita ma,” Paglalambing ko pa na saad dito at binigyan siya ng halik sa kanyang kaliwang pisngi.
“Ang sweet naman ng unika iha ko,” Sabay pisil ni mama sa aking pisngi dahilan upang mapasimangot agad ako, “Mama naman, hindi na po ako bata,” turan ko rito dahilan upang mapatawa na naman ulit ito. Na-miss ko talaga si mama, pero teka lang…parang may kulang eh.
Napahawak nalang agad ako sa sarili kong mga bibig dahil sa reyalisasyon. Nasaan na si bos!?
“M-Ma? Nasaan na po ‘yong kasama kong lalaki?” nagdalawang isip kong tanong kay mama. Nako pag-naabutan siya ni papa eh lagot talaga ako. “Umalis na.” biglaang turan ni mama dahilan upang malaglag ang magkabilaan kong mga balikat.
Hindi man lang niya ako ginising, at nang makapag-paalam naman ako sa kanya.
“Koal anak, maiba nga tayo sino ‘yong lalaking naghatid sa’yo dito? Mabuti nalang at bagong uwi ako sa bukirin at naabutan ko ‘yong kotse no’ng lalaki sa labas ng bahay.
Ayaw niyang tumingin ng diretso sa mata ko at dali-daling nagpaalam na ipasok kas sa loob ng bahay tapos umalis. Sino ba ‘yon ha?” mahinahong tanong ni mama sa’kin.
Hindi naman kasi strikto si mama pagdating sa mga gan’tong bagay, pero si papa….nako, ‘wag nalang, “Ang totoo po kasi niyan ma, ay….Boss ko po ‘yon sa trabaho.” Sabay kamot ko sa aking leeg.
“Mabuti naman, akala ko eh…Boyfriend mo na,” sabay tayo na ni mama sa gilid ng kama. “Sana nga eh, Boyfriend ko nalang si Boss…”
“May sinasabi ka ba, anak?"
“Nako...wala ma, halika na, nagugutom na ako eh.” Sabay labas na namin sa aking dating kuwarto at pumunta na sa kusina si mama upang makapag handa na ng tanghalian.
“Napaka-presko talaga ng hangin sa probinsya.” Biglaang turan ko, sabay pikit ko ng aking magkabilaang mga mata at dinama ang bawat pag-dampi ng hangin sa aking maputing balat.
Sana andito si boss….gusto ko siyang ipasyal sana doon sa foundation, hay.
“Anong trabaho mo?” rinig kong tanong ng isang matandang lalaki. Teka? May lahi na ba akong bampira dahil kung ano-ano nalang naririnig ko?
“I just have a little business from my –”
“Nasa Pilipinas tayo iho, koreano ako at mas pinili kong magsumikap na matuto ng tagalog kaysa gumamit ng ibang wika, dahil taga rito ako at ang pamilya ko. Kaya wag mo’kong ma ingles-ingles.” Saad ng isang papalapit na tinig ng matandang lalaki dahilan upang mapatawa agad ‘yong kausap nito.
Napamulat naman agad ako ng aking mga mata ng ma realize ko, kung kaninong mga boses ‘yon.
Papa?
Tumakbo agad ako patungo sa kalsada upang tingnan kung may tao ba doon. “B-Boss?” nagtatakang turan ko dahil kasama niya ngayon si papa, habang si boss ‘yong tumutulak sa whil-chair nito. Akala ko….umuwi na siya?
“Oh Kola anak!” masiglang sigaw ni papa sa akin dahilan upang mapabaling agad ng tingin sa akin si boss. Ngunit binigyan lamang niya ako ng seryosong tingin sabay tingin agad sa kabilang direksyon upang hindi magkasalubong ang mga mata namin.
BINABASA MO ANG
My Unknown Boss ||COMPLETED||
Storie d'amoreKoal Lee, that's her name. Nagsisipag siyang magtrabaho bilang isang Sekretarya sa E Master's Company, dahil sa gusto niyang ipagamot ang kanyang ama. Pero paano kung ito ang maging dahilan upang mag tagpo ang mga landas nila ni Grey? Tatanggapin n...