Koal's POV
“Ahh, gano’n ba? Pwes, pagbibigyan kita!” akmang ikakasa na sana niya ang gatilyo ng bigla nalang sumulpot si Nikko at pinigilan siya.
“Enough this bulsh*t! Samantha! Si Grey lang naman ang pakay mo rito ‘diba? Ipinain mo lang si Koal!” sabay marahas na inagaw ni Nikko ang baril sa mga kamay ni Samantha, pero hindi niya hinayaang gawin ‘yon ni Nikko at nag-agawan sila.
“Fuck you, Nikko! Huwag mong kalimutan na ako ang dahilan kung bakit hindi ka pa natutugis ng mga pulis hanggang ngayon! At gusto mong makuha si Koal ‘diba? Kaya patas lang tayo!”
“Pero hindi ganito ang gusto kong paraan!” malakas rin na sigaw ni Nikko habang pilit parin na inaagaw nito ang baril mula sa mga kamay ni Samantha. Habang ako naman ay pilit na kumakawala mula sa pagkakagapos ko sa mga kadenang ito.
Nagka-tyempo naman si Nikko at malakas na ihinampas niya sa ulo ni Samantha ang baril na kasalukuyang hawak na ngayon ni Nikko. Dahilan upang mawalan agad ng malay si Samantha at matumba sa sahig.
Binitiwan naman agad ni Nikko ang baril at dali-daling pumunta sa gawi ko. Dahilan upang mapaatras kaagad ako dahil sa takot.
“'Wag kang mag-alala, hindi kita sasaktan,” malumanay na turan ni Nikko sa akin sabay kuha niya ng susi sa kanyang bulsa at pinakawalan ako. Dahilan upang mapaupo agad ako sa malamig na sahig at mapahagulhol na lamang.
“B-Bakit mo ba ginagawa ‘to? H-Hindi pa ba sapat sa’yo ‘yung ginawa mo sa’kin sa rooftop ha?” sabay angat ko ng aking paningin habang nagsi-usbungan parin ang mga luha ko sa magkabilaan kong mga mata.
“L-Look, I-I’m really sorry, Koal. S-Sana mapatawad mo ako. Nadala lang ako ng sobrang pagmamahal ko sa’yo. Ang t-totoo niyan…h-hindi ko ginustong pagpusthan ka namin noon, pero nadala lang a-ako.
Pagbabayaran ko ‘yon lahat…lahat.” Sabay lahad niya ng kanyang kamay sa akin upang makatayo ako. Ngunit hindi ko ‘yon tinanggap at ako na mismo ang tumayo sa sarili kong mga paa.
“Kaya ko ang sarili ko.” Sabay wakli ko ng kamay niya sa aking braso at pa ika-ikang naglakad papalayo doon. At iniwan lang siyang nakatayo.
Napahinto nalang akong bigla mula sa aking pag-lalakad ng makarinig ako ng putok ng baril sabay hinay-hinay kong nilingon ang kinaroroonan ni Nikko.
“N-Nikko,” naginginig na saad ko sa aking sarili sabay takip ko ng aking sariling kamay sa mismo kong bibig, at dahil narin siguro sa sobrang gulat ay hindi ko na mapigilang mapaluhod na lamang sa malamig na sahig habang nakatingin sa duguang katawan ni Nikko.
Sabay baling ko ng tingin kay Samantha na kasalukuyang may hawak ngayong baril at nililinis niya pa ito gamit ang laylayan ng kanyang damit.
“Masyado kang sagabal sa mga plano—ohh, and looks who’s here…” may ngiting saad ni Samantha dahilan upang mapalingon agad ako sa aking likuran.
“B-Boss” hindi makapaniwalang turan ko. Hingal na hingal itong napahinto at kitang-kita ko sa kanyang itsura ang sobrang galit. Napatingin naman agad ako sa kaliwang braso niya, dahilan upang manlumo agad ako ng makita kong grabeng dugo ang dumadaloy mula rito.
“Are you okay?—fuck.” Daing ni boss sabay kapit niya sa kanyang kaliwang braso. Habang ako naman ay pilit pa prino-proseso ng aking utak ang lahat ng nangyayaring ito.
“Answer me, Koal! Sh*t!” doon lamang ako bumalik sa reyalidad ng bigla akong makaramdam ng mainit na mga bisig na yumakap sa akin mula sa harapan.
“Fuck! Kill those bastards now!”rinig kong galit na galit na utos ni boss sa mga kasama niyang naka suit na mga lalaki, kasabay nito ang mga nagsikagulahang mga tao sa aming paligid habang ako naman ay wala ng lakas upang magsalita pa.
“P-Please…Koal, are you alright? Please…answer me,” nag-aalalang turan ni boss sabay hawak niya sa kaliwang pisngi ko.
Napatingin naman agad ako sa kanya at kitang-kita ko ang mga namumula pa niyang mga pasa sa kanyang mukha. Kaya hindi ko mapigilang mapahagulhol na lamang sabay punit ko ng aking skirt na suot dahilan upang mangunot ang noo ni boss.
“What the hell—”
“Tumahimik ka diyan.” Seryosong saad ko sa kanya sabay bugkos ko ng tela doon sa braso niya upang maibsan ang sobrang pagdudugo nito. Gusto ko siyang pagalitan kong bakit ‘andito siya, pero hindi ito ang tamang panahon para doon.
Hinagod ko naman kaagad ang mukha niya gamit ang magkabilaan kong mga kamay at binigyan siya ng hanggang teyngang ngiti. Na para bang kami lang dalawa ang nandirito at wala kaming pakialam sa mga taong nag-aaway sa aming paligid.
“Kahit maging ano ka man o, kahit maging sino ka man, Boss. Tandaan mo, mahal na mahal kita.” May ngiting turan ko rito sabay halik ko sa kanyang noo, sa kanyang ilong, kasunod naman ay ang kanyang mga malalambot na labi.
“W-What are you talking about?” naguguluhang turan niya pabalik sa’kin sabay hawak niya sa kamay kong kasalukuyang nasa mga pisngi na niya ngayon.
“We will get out of here...alive.” Sabay halik niya sa aking kaliwang kamay dahilan upang mapayuko ako ng wala sa oras at mapakagat ng sarili kong mga labi.
Siguro…kung wala lang kami sa sitwasyong ganito ngayon, ako na siguro ang pinakamasayang babae sa buong tinalupan. Wala sa sariling napatingin ako ulit sa kanyang likuran, hindi na ako nagulat ng makita kong nandoon si Samantha habang may hawak-hawak na baril habang nakatutok ito sa direksyon ni boss.
Napangiti nalang ako ng mapait sabay kuha ko na ng aking mga kamay dahilan upang magtaka si boss sa aking inaakto.
“Mahal na mahal kita Boss. At walang makakapagbago do'n,” may ngiting saad ko sabay tulak ko na sa kanya papalayo. Kasabay din naman nito ang pag-kasa ni Samantha ng baril sa kanyang likuran dahilan upang mapuno ng alingaw-ngaw nito ang buong silid.
“Mamatay ka na! Kung hindi dahil sa kotche ng papa mo! Buhay pa sana ang mga magulang ko!” rinig ko pang sigaw ni Samantha, ngunit ilang minuto narin akong nakapikit at wala parin akong nararamdaman. A-Anong nangyari? Sigurado akong pinutok na ‘yon ni Samantha.
Dahan-dahan kong binuksan ang magkabilaan kong mga mata at sa pagkakataong ‘yon…sana hindi ko nalang iminulat ito.
“G-Grey,” nanginginig na turan ko at kahit na nahihirapan akong igalaw ang aking mga tuhod sa sobrang panginginig nito ay ginawa ko parin.
Paika-ika akong tumakbo pa punta sa direksyon niya at wala sa sariling napaluhod nalang sa kanyang harapan.
“B-Bakit? Bakit mo ‘yon ginawa!? A-Ako dapat ‘yon eh!” sabay hagulhol ko sa kanyang dib-dib. Habang siya naman ay nakangiti lang habang nakahawak ang kanang kamay niya sa duguan na niyang dib-dib.
“Y-You silly, I won’t l-let that h-happen.” nahihirapan na niyang saad sabay ubo niya ng napakaraming dugo. Kaya mas lalo pa akong napaiyak. Sabay yakap ko sa kanya ng mahigpit habang walang humpay parin ang pag-agos ng mga luha ko sa aking mga mata.
“H-Hindi! W-Walang mamatay! ‘Wag kang matutulog Grey Nicklaus! H-Hindi mo pa ako sinasagot! W-Walang mamatay! H-Hindi pwede!” nanginginig na saad ko sa kanya habang mas hinigpitan ko pa ang pagkakayap ko rito dahil pakiramdam ko ay ano mang oras, mawawalan na siya sa mga bisig ko.
“T-Tulong! ‘Wag mo a-akong iwan, p-please--"
“Shhh, t-that’s e-enough,” sabay dahan-dahan niyang inabot ang aking kaliwang pisngi at nginitian niya ako ng pagka-tamis-tamis.
“I-I love you K-Koal. M-Mahal na mahal k-kita.” kasabay din naman nito ang pagkabagsak ng kamay niya sa sahig. Dahilan upang manginig na ang buong katawan ko. Walang humpay sa pagtulo ang aking mga luha at hinawakan ang kanyang walang malay na na katawan.
“H-Hindi….!” malakas na sigaw ko at mas hinigpitan ko pa ang pagkakayap sa kanya.
A/N: Hehe.
BINABASA MO ANG
My Unknown Boss ||COMPLETED||
عاطفيةKoal Lee, that's her name. Nagsisipag siyang magtrabaho bilang isang Sekretarya sa E Master's Company, dahil sa gusto niyang ipagamot ang kanyang ama. Pero paano kung ito ang maging dahilan upang mag tagpo ang mga landas nila ni Grey? Tatanggapin n...