Koal’s POV
Kasalukuyang naglalakad ako ngayon papasok sa opisina. Hindi na nga sana ako apasok ngayon dahil nga sa nangyari sa ’kin kahapon sa rooftop. But I need to work my ass off, para kay Mama at Papa.
It gives me goosebumps every time I remember it. Nawala na lang ako sa ’king malalim na pag-iisip nang bigla na namang umentrada ang walang prenong bibig ng kaibigan ko.
“Hoy bhie! Okay ka lang ba? May masakit ba sa ‘yo? Kung may masakit man, ‘saan? Dito ba? Ano na, sumagot ka naman!” nag-aalalang sigaw ni Francine sa ‘kin sabay tingin niya sa ’king katawan mula ulo hanggang paa, tinitingnan kung may mga pasa ba talaga ako o wala.
“God, mabuti na lang at kumpleto pa ang katawan mo,” turan niya ulit sabay hawak niya sa sarili niyang dibdib at nagpalabas ng malakas na buntonghininga.
“Ano ba ‘yang pinagsasabi mo riyan, Francine ha? Ang ingay mo ke-aga-aga,” reklamo ko sa kanya sabay hawak ko sa sarili kong tenga na animo’y tine-testing kung nakakarinig pa ba ako.
“Koal, bakit ‘di mo ako sinabihan agad? Paano na lang kung may nangyari talaga sa ’yong masama ha!?” naiiyak na niyang sigaw sa ’kin, habang ako naman ay nakakunot noo lamang na nakatingin sa kanya. Ano ba’ng pinagsasabi nito?
“Ano ba ang pinagsasabi mo riyan, ha?” tanong ko sa kanya. Nabigla na lang ako nang tumunog ang notification bar ko kaya tiningnan ko kaagad ito, dahilan upang mapako ako sa aking kinatatayuan sa aking nakita sa group chat.
“P-Paanong….” naguguluhang turan ko pabalik kay Francine sabay layo ko sa kanya nang kaunti, habang siya naman ay parang maiiyak na.
“Nagkalat sa buong E Master’s Company ang CCTV footage sa rooftop. Umuwi ka na lang muna sa inyo ngayon, ako na ang bahala magpaliwanag,” nag-aalalang saad ni Francine sa akin at niyakap niya ako ng mahigpit.
H-hindi…sinong may gawa nito? Bakit? Kaya pala habang papasok ako rito sa building kanina, maraming tumingin-tingin sa direksyon ko. Pero wala akong pakialam kahit ano pa ang isipin nila tungkol sa ’kin. Basta ang importante, alam ko sa sarili ko na wala akong ginagawang masama.
“Okay ka lang, Koal?” nag-aalalang tanong pa rin ni Francine sa akin kaya napatango-tango naman agad ako sabay ngiti ko sa kanya.
“Ano ka ba, okay lang ako, ‘wag kang mag-alala okay?” saad ko pabalik sa kanya upang mapanatag na ang loob niya.
“Don’t worry, nag-file na agad ako ng case about dito,” dagdag nito sabay tingin sa’kin na para bang kakainin na niya ako nang buhay. “At saka, bakit hindi mo man lang ako kaagad tinawagan kagabi, ha?” Heto na naman tayo…umaandar na naman pagka-ate nito. That’s why I really like her as my bff.
Pagdating kasi sa mga ganitong sitwasyon, napaka-caring niya…hindi nga lang halata. And speaking of kagabi...It’s already 5pm in the afternoon, pero wala pa rin akong nakikita kahit na anino man lang ni Greek God.’Yong naka-mask, I mean.
“Jusko, gusto ko lang naman sanang magpaalam ng matiwasay,” Ang sabihin mo Koal, gusto mo lang malaman kung ano pangalan niya, sabad naman ng kontrabida kong utak.
6pm. 8pm. 9pm.
“Okay. It’s enough. Maka-uwi na nga lang, jusko. Nilulumot na ata ang tiyan ko sa gutom kahihintay sa lalaking ‘yon,” nagmamaktol ko pang saad sa ’king sarili’t kinuha na ang mga gamit ko sa mesa.
Akmang lalabas na sana ako ng kuwarto nang bigla nalamang bumukas iyon, dahilan upang ma sagi ang ilong ko at magdugo ito.
“Shuta ka! Hindi ba uso sa lugar ninyo ang salitang ‘katok’ ha?” pagalit na saad ko rito, sabay kuha ng tissue sa ’king bag at hinarangan ang nagdudugo kong ilong. Buhay naman pala ‘tong Greek God na ‘to, eh. Pinahintay pa ako.
BINABASA MO ANG
My Unknown Boss ||COMPLETED||
RomanceKoal Lee, that's her name. Nagsisipag siyang magtrabaho bilang isang Sekretarya sa E Master's Company, dahil sa gusto niyang ipagamot ang kanyang ama. Pero paano kung ito ang maging dahilan upang mag tagpo ang mga landas nila ni Grey? Tatanggapin n...