Koal's POV
Life isn't about waiting for the storm to pass, it's about learning how to dance in the middle of the rain.
Limang buwan na rin ang nakalilipas simula ng mangyari ang aksidente na 'yon. Napabaling nalang agad ako ng aking atensyon, sa malaking flat screen dito sa kompanya dahil sa balita.
"Nagkakagulo ang buong estasyon ng mga balitaan ngayon. Dahil sa opisyal na paglantad ni Samantha Lingkon sa publiko. Siya ang bumaril sa CEO ng E Master's Company, na si Grey Nicklaus limang buwan na rin ang nakakaraan."
Napahigpit nalang agad ako ng kapit sa mismo kong bag ng makita kong nakangisi lamang si Samantha sa camera at parang wala na ito sa sarili niyang katinuan.
"Mama...papa..." Saad ni Samantha sa balita habang ipinaikot-ikot nito ang kanyang sariling mga daliri sa kanyang buhok at tumitingin-tingin kung saan-saan, sabay tawa. Napailing-iling nalang ako at napangiti nalang ng mapakla.
Kahit siguro sa huling hantungan ko, ay hindi ko parin mapapatawad si Samantha. Pero tao lang din ako, naaawa, may puso. Kaya diyos na ang bahala na maghukom sa sarili n'yang karma. Bumabalik na naman sa'king isipan ang mga nangyari no'ng gabing 'yon.
"Hindi...!" malakas na sigaw ko at mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap ko, sa katawan ni boss. "G-Gumising k-ka-" hindi ko na natapos ang gusto kong sabihin, dahil dumating na ang mga pulis. Kasabay nito ang pagkuha ng katawan ni boss at isinakay agad sa ambulansya.
Habang ako naman ay nakatanga lamang sa kawalan, Nag-aantay sa may gigising sa'kin sa panaginip kong 'to.
"Koal," rinig kong tinig ng isang babae, ngunit nakatunga-nga pa rin ako at parang wala lamang ito sa aking pandinig, "Koal!" malakas na sigaw ng isang pamilyar na boses. Sabay yug-yog nito sa'king balikat dahilan upang mapabalik agad ako sa reyalidad,
"F-Francine..." nanghihinang turan ko, kasabay nito ang pagpatak ulit ng aking mga luha sa magkabilaan kong mga pisngi. Dahilan upang yakapin agad ako ni Francine ng mahigpit. "Tahana...magiging okay din ang lahat." Saad ni Francine sabay hagod niya sa aking likuran.
Bumalik na lang ako sa reyalidad ng mapansin kong pinagkukumpulan na pala ako ng mga empleyado rito sa Kompanya.
Matapos kasi na malaman nilang iniligtas ako ni boss ay bigla nalang humupa 'yung tungkol doon sa kumalat na video niya na nambug-bog siya. At napalitan agad ito ng mga balita patungkol sa kanyang kabayanihan.
Kaya dahil doon, mas dumami pa ang gustong mag-invest's rito sa Kompanya niya,"Okay lang po ba kayo Ms. Lee?" Nag-aalalang tanong sa'kin no'ng babae. Hindi ko siya kilala...sino siya? Sabay abot niya sa akin ng isang gamot.
Binigyan ko naman agad siya ng nagtatakang tingin dahilan upang ngumiti ito. "Pain killer po 'yan, alam kong mahirap po ang pinagdadaanan niyo ngayon, kaya fighting lang po!" masiglang turan nito sa'kin.
Napangiti nalang akog bigla dahil sa kabaitan nila sa'kin. "Salamat." May ngiting saad ko sabay talikod ko na sa kanila. Akmang hahakbang na sana ako palayo ng may bigla nalang kumapit sa'king palapulsuan at pinigilan ako.
"Anong-" hindi ko na natapos 'yung gusto kong sabihin dahil nanlaki ng ang mga mata ko dahil sa gulat. Sabay hawak ko sa sarili kong bunganga gamit ang aking magkabilaang kamay.
"Happy Birthday!" masiglang bati nila sa 'kin sabay putok nila ng napakaraming konfeti dahilan upang mapatulo nalang ang aking mga luha dahil sa saya. "P-Pano niyo nalaman?" tanong ko sa mga empleyado rito sa Kompanya.
Simula kasi no'ng mangyari 'yung aksidente ay hindi na nila ako tinatarayan. Tapos kung makagalang sila sa'kin ay parang ako ang asawa ni boss. Pero gusto mo naman 'diba? Sabad ng aking kontrabidang utak.
BINABASA MO ANG
My Unknown Boss ||COMPLETED||
RomansKoal Lee, that's her name. Nagsisipag siyang magtrabaho bilang isang Sekretarya sa E Master's Company, dahil sa gusto niyang ipagamot ang kanyang ama. Pero paano kung ito ang maging dahilan upang mag tagpo ang mga landas nila ni Grey? Tatanggapin n...