Koal's POV
Kanina pa kami na parang mga timang dito at kahit siguro ni lingaw ay mahihiyang mag-ingay, habang si boss naman ay nakatutok lamang sa akin na para bang kakainin na niya ako ng buhay. Napalunok nalang agad ako ng sarili kong laway dahil sa kaba na aking nararamdaman ngayon.
Bwiset! Kasing Francine na’to!
“So…mag-aantay lang ba tayo ng pasko dito?” mataray na tanong ni Francine kaya pinandilatan ko kaagad ito ng mata pero inirapan lamang niya ako. Maldita talaga.
“Watch your mouth, Ms. Dellavega.” sita pa ni Sir Mark kay Francine, napangiwi naman agad ito dahil sa tinawag sa kanya ni Sir. Mark
“Sir Mark, gusto ko lang naman malaman ng lalaking ‘to na—” Hindi na naituloy ni Francine ang nais niyang sabihin ng bigla nalang tumayo si Sir Mark at tinakpan ang bunganga ni Francine gamit ang kaliwang kamay nito.
“Ako na ang bahala sa kanya,” may ngiting turan ni Sir Mark sabay kaladkad niya kay Francine palabas.
“Teka!---shjshsjsjdgshjdk! Hmp!” hindi ko na maintindihan ang mga lumalabas na salita sa bunganga ni Francine, dahil sa pagkatakip ng bunganga niya.
Napatawa naman agad ako dahil sa reyalisasyon. Alam ko kasing mayroong gusto si Francine kay Sir Mark. Napailing-iling nalang ako habag natatawa parin.
“What are you laughing at?” may pagbabantang boses ni boss sa’kin kaya naman ay napaayos kaagad ako ng upo sabay ayos ko sa aking skirt na suot. Masyado kasi itong maikli, wala na kasi akong ibang maisuot kanina eh, bukas pa ako maglalaba.
“Here,” sabay tapon niya sa akin ng kanyang jacket na suot-suot kanina. Mabuti nalang at nasalo ko naman agad ito at kunot noo ko siyang binalingan ng tingin. Anong gagawin ko dito? Isusuot ko? Akmang isusuot ko na sana ng bigla nalang niya akong pinigilan.
“What are you doing?” nagtatakang tanong niya sa akin, “Ha? Eh ‘di isusuot ‘tong jacket mo, Boss. Binigay mo ‘di ba, para suutin?” Siya ‘yung nagbigay, tapos tatanungin niya ako kung anong gagawin ko rito, “Kailangan mo na sigurong magpa-opera ng utak.” Sabay iling-iling niya. Ano ba’ng pinagsasabi nito?
“Ano ‘yon Boss? May ipag-uutos ka, ba?” at sa wakas, naisuot ko narin ‘tong jacket niya. Napangiti nalang ako ng wala sa oras ng maamoy ko ang pabango niya sa hoody jacket na suot ko na ngayon. Ang bango talaga…
Bumalik nalang ako sa reyalidad ng bigla nalang siyang tumayo at kumuha ng malaking unan sa pinaka dulo nitong couch, sabay hagis ulit sa gawi ko. Kaya naman lumanding agad ito sa aking pagmumukha dahilan upang mapapikit agad ako sa lakas ng impact nito.
“Boss, naman!” pagalit na sigaw ko rito sabay baling sa kanya ng matalim na tingin. “Next time, don’t dress like that. Hindi kita pinapasahod para lang mag-suot ka ng ganyan. From now on, wear pants instead.” may diing saad niya at pumunta sa lababo.
“Pero, dapat presentable—”
“Clothes are only clothes. No more than that. Bakit, ‘yung damit ba ang magtatrabaho para sa’yo? Hindi naman ‘di ba?” napatikom naman agad ako sa aking bibig dahil sa sinabi ni boss. Tama nga naman siya. Kaya pala napapansin ko ako lang ‘yong parating grabe ‘yung pormahan sa kompanya.
“Umm—B-Boss, t-tungkol pala kanina—”
“It’s okay, I don’t mind.” Napaangat naman agad ako ng aking tingin sa kanya habang may iniinom itong kung ano dahilan upang mag-alala agad ako sabay tayo ko at pumunta sa gawi ni boss.
Kaya nagulat naman agad ito ng hinawakan ko ang kanyang noo at saakin narin. Para tansyahin kong mainit ba siya.
“Hindi ka naman mainit—”
BINABASA MO ANG
My Unknown Boss ||COMPLETED||
RomanceKoal Lee, that's her name. Nagsisipag siyang magtrabaho bilang isang Sekretarya sa E Master's Company, dahil sa gusto niyang ipagamot ang kanyang ama. Pero paano kung ito ang maging dahilan upang mag tagpo ang mga landas nila ni Grey? Tatanggapin n...