Koal's POV
Tatlong araw narin ang nakalipas no’ng bumalik ako dito sa Cavite city. Mabuti nalang at nawala na talaga ang issue patungkol doon sa kumalat namin na video ni boss. Nag-kausap narin kami ni Francine at ‘yon nga, sinabi ko lahat sa kanya.
Akala ko nga, magagalit at magdadabog siya pero no’ng malaman niya ay gusto pa niyang makita sa personal si boss. Ngunit, ‘di ako pumayag ‘no. Ano nalang kaya sasabihin ni bos sa’kin? Pagnalaman niyang ipinagsabi ko?
Baka katayin ako no’n.
“Koal, pag-ikaw hindi mo ako ipakikilala diyan sa boss—”
“Ano ba!” pabulong na sigaw ko sa kanya sabay at kinaladkad ko siya sa dulo nitong cafeteria. “Baka may makarinig sa’yo!” Sabay baling ko ng tingin sa kaliwa at kanan ko.
“Eh, ano ngayon kung may makarinig sa’kin? Seryoso ako Koal at hindi ako nag-bibiro.” Bwiset naman oh, bakit ko pa kasi sinabi sa kanya?
“Ang sabihin mo kasi, nagpapantasya ka lang. Gaga ka talaga, so ibigsabihin…’yong kasama mong lalaki na nasa beach at ‘yung CEO natin dito sa kompanya ay iisa? ‘Yon ba?” mahabang lintana sa’kin ni Francine kaya napatango-tango naman agad ako.
“Alam mo Koal, itulog mo nalang kaya ‘yan? Nasobrahan ka na yata sa trabaho sa opisina,”
“Maniwala ka naman Francine, sinasabi ko na sa iyo ‘yung totoo oh? Tapos ayaw mo pang maniwala.” Sabay marahas kong ininom ang isang basong tubig na nasa aking harapan.
“Eh, pa’no nga ako maniniwala, kung ayaw mong ipakilala ako sa kanya.” Sabay irap niya sa hangin. Tumubo nanaman sungay nitong babaeng ‘to, “Oh sha, sige mag-antay ka hanggang alas-otso mamayang gabi.” Napangiwi naman agad si Francine dahil sa aking sinabi.
“Anong klaseng pakulo ‘yan, bampira lang? Gabi talaga?” nagulat naman agad ako dahil sa sinabi niya, “Anong bampira? Hindi siya bampira ah, tao kaya ‘yon. Grabe…ikaw yata kailangan ng tulog Francine.” Hindi makapaniwalang saad ko kay Francine. Pag-sabihan ba naman si boss na bampira? Eh ‘di dapat ininom na niya ‘yung dugo ko matagal na.
Napatawa naman agad ng malakas ‘tong isang to sabay hawak pa niya sa kanyang sariling tiyan.
“’Yan, ‘yan. Kaya walang tumatagal sa’yong manliligaw mo eh, dahil sa sobrang dense mo. Pag ‘yang lalaking ‘yan ay sinaktan ka, ako mismo ang huhukay sa mismong magiging libingan niya.”
“Kahit na siya pa ‘yong Boss natin?”
“Nako Koal, tigil-tigilan mo ako sa kaka-Boss mo na ‘yan. Malapit ng matapos ‘yung lunch-break balik na tayo sa opisina.” Sabay tayo na nito sa kinauupuan niya at sumunod naman agad ako. Akmang hahakbang na sana ako paabante ng bigla nalang niya akong hinarangan at namaywanh pa ito.
“Huwag mong kalimutan ang usapan natin mamaya Koal, ipakilala mo ‘yang lalaking ‘yan sa’kin.” Serysong saad ni Francine sa’kin dahilan upang mapangiti ako. Naku…’tong kaibigan ko talaga…
“Saglit! Hintay naman!” sabay hawak ko sa braso ni Francine dahilan upang mapangiwi ito. “’Kaw talagang babae ka..” sabay gulo niya ng buhok ko.
“Ano ba, Francine! Para na akong nakipag-sabunutan niyan eh!” inis na saad ko sabay ayos ng aking buhok ngunit tinawanan lamang niya ako. Napangiti narin lang ako ng palihim. Na-miss ko ‘tong bonding naming gan’to.
Para akong lantang petchay sa merkado habang papasok sa loob ng CEO office ngayon. Sana hindi nalang ako nagbakasyon. Hapon na, pero hindi pa ako nangangalahati sa dami ng documents na i-a-arange ko.
BINABASA MO ANG
My Unknown Boss ||COMPLETED||
RomanceKoal Lee, that's her name. Nagsisipag siyang magtrabaho bilang isang Sekretarya sa E Master's Company, dahil sa gusto niyang ipagamot ang kanyang ama. Pero paano kung ito ang maging dahilan upang mag tagpo ang mga landas nila ni Grey? Tatanggapin n...