PRESENT
Hoy bumangon ka na, hindi magbubukas coffee shop natin mag isa ......sigaw sa kanya ni Tamarah, agad naman syang nagtakip ng unan sa mukha nya.
5 minutes pa..sigaw nya pa pabalik.
Ugh I hate mornings..
Nagtaka sya ng wala ng nag iingay sa labas ng kwarto nya kaya tinanggal nya ang unan sa mukha nya at ganon na lang ang gulat nya ng makitang nakatayo si Ella malapit sa bintana nya at nakatingin sa kanya.
Wtf?.....bakit ba lagi mo kong ginugulat?......
Eh kasi sabi ni ate Tamarah gisingin na daw kita, kaso mukhang masarap tulog mo......pagdadahilan nito.
Tsk oo na maliligo na ko...sabi nya at pumasok sa CR na meron sa kwarto nya.
Tin, baka hindi ako makadaan sa café later kailangan ko pang tulungan si Krys sa permits para sa bar natin at kailangan ko ding makipag meeting sa architect non kasi may bagong design na ibinigay si ella....paliwanag ni Tamarah habang nag aalmusal sila.
Sige ako ng bahala, bakit kasi ang dami na nating branch stress na ko...........pagrereklamo nya.
Lakas talaga magreklamo ate Tin, hiyang hiya naman ako sayo, nasa med school na nagmamanage pa ng mga business natin..biro ni Joseph na isang medical student sa UST.
Same.pagsang ayon ni Ella na isang Architecture student sa UST.
Kaya nga, look at Hannah and Krys..dagdag pa ni Tamarah.
Hannah is a graduating student of Tourism sa UST, while Krys is taking her MBA in the same school din.
Hays oo na, galit na galit gustong manakit..natatawa nya pang sabi.
Una na ko..paalam nya pagkatapos magbreakfast.
Agad syang bumaba sa basement ng condo unit nila, ewan nya ba kung bakit nagsasama sama silang apat sa unit ni Joseph samantalang may mga bahay naman naman silang sarili.
Sumakay sya sa SUV nya at inopen ang Bluetooth ng sasakyan nya para patugtugin ang favorite song nya na paulit ulit nyang naririnig
Pero bago pa sya makapag drive kumatok na si Tamarah sa bintana ng kotse nya at biglang sumakay sa passengers seat.
Pasabay.
Nasan sasakyan mo?.....agad nyang tanong pagkapasok nito
There..turo nito sa pulang Montero sa tabi lang din ng sasakyan nya.
O bakit makikisabay ka sakin, nandyan naman pala kotse mo?....tanong nya pa rin dito.
Nakuha license ko..balewalang sabi nito.
Wtf?, bakit?....
Sinapak ko yung enforcer kahapon?.......
What?, why?......gulat nya pa ring tanong.
Ang dami mo namang tanong, magdrive ka na, drop me sa Boutique natin don na ko makikisabay kay Kryssabi lang neto kaya naman agad nya ng inistart ang sasakyan nya at di pa rin ito tinigilan kakatanong.
So bakit mo nga sinapak?, nahuli ka ba?, speeding ka na naman no?o beating the red light?...tuloy tuloy nya pa ring tanong dito, dahil sa kanila ito ang pinaka bad driver pero hindi mahuli huli.
No, kahapon nga lang ako nag drive ng matino then bigla na lang akong pinara at binigyan ng ticket di ako pumayag kasi duh, may dash cam ako..pagtatanggol nito sa sarili.
Ano daw violation mo?...
Yun nga wala nga silang masabing violation talagang balak lang mangotong kaya lumabas ako ng sasakyan at sinapak ko..
Wtf?,,,,bakit mo ginawa yon?....tanong nya pa rin dito.
Napikon ako e.kaya kinuha nila license ko, bukas ko na tutubusin busy ako ngayon araw.
Abnormal ka talaga
Eh ikaw?, hindi mo pa rin talaga naalala nangyari sayo sa Bangkok?....biglang tanong nito sa kanya ng seryoso.
Its been 3 years, di ka pa rin maka move on don?....natatawang sabi nya dito.
Yun nga gurl, its been 3 years pero di na tayo nakapag out of the country ulit dahil sa nangyari sayo sa Bangkok, imbes na pupunta pa tayong Cambodia at Malaysia napauwi na lang tayo ng Pilipinas..sabi pa nito.
Edi travel na ulit tayo, ituloy natin yung naudlot nating travel 3 years ago..seryosong sabi nya rin.
Traumatized kaming lahat sayo kaya no, hindi naman pwedeng magtravel kami ng hindi ka kasama, kaya alalahanin mo muna yung nangyari sayo sa Bangkok at kung bakit may singsing ka non..sabi ni Tamarah at tumingin sa singsing na ginawa nyang pendant sa kwintas.
Napahawak sya sa singsing sa leeg nya.
Yeah, curious din ako kung san galing to..
Tsk, baka sa soulmate monatawa ng biro ni Tamarah
Sakto namang nakarating na sila sa isa nilang boutique kaya agad syang nagpark sa tabi ng kotse ni Hannah at Krys.
Ate Tinsabi ni Hannah at agad na yumakap sa kanya.
Ganon din ang ginawa ni Krys
Sus akala nyo naman nag abroad ako, bakit kasi di pa kayo sumama sa condo e..sabi nya
Ayaw pa nga kong payagansabi ni Krys
Ako nga rin, pero pag naka graduate pwede nasabi ni Hannah.
May mga business na nga kayo at kumikita na kayo e.sabi nya pa.
Sige Tin ikaw magsabi nyan sa mga parents nila at ng masampal ka.natatawang biro ni Tamarah.
Di na ko magtatagal kailangan ko ng pumunta sa café..sabi nya at nagpaalam na.

BINABASA MO ANG
CAPTIVATED IN BANGKOK
RomanceA typical love story with a deep friendship anyone could wish. A story that emphasizes Love,Patience and Friendship. Book 1