04: Mr. Dean

0 0 0
                                    

-- Andrea --





Matapos ang insidente sa canteen kanina. Bumalik sa ayos ang lahat. Ang ibang estudyante na kanina ay nanonood, bumalik na sa kani kanilang ginagawa. Habang si Celine naman, ayon! Iniwanan ako ng matapos nyang sabihin ang "We're not yet done.". Hay. Ano bang problema ng babaeng yon?. Masyadong hot!. Siguro ay dahil apoy ang ability nya. Kaya ganon na lang lagi kainit ang ulo nya. Side effect yata.







"Naiinis na talaga ako sa kanya." Rinig kong sabi ni Cassy habang nakatingin kay Celine na ngayon ay naglalakad palabas ng canteen. "Ang feeling masyado. Nakapasok lang sa section B kala mo kung sino. Mabuti nga sa kanya. Nawarningan sya ni King."







"Diba bago pa lang sya sa section B?." Tanong naman ni Avi. Tumango si Cassy at humarap sa amin.





"Kung hindi ako nagkakamali, mga ilang buwan pa lang sya doon." Ang sabi nya saka sya bumuntong hininga. "Kumain na nga tayo. Ginutom ako ng babaeng yon eh." Ang sabi nya dahilan para matawa kami ni Avi.







"Sinabi mo pa. Tara hanap muna tayo ng mauupuan." Suggestion ko sa kanila.







Nang makahanap kami ng upuan ay nagpresenta naman si Avi na sya ang mag-o-order. Sumang-ayon naman kaming dalawa ni Cassy sa kanya at pagkatapos non ay pinanood namin syang maglakad papunta sa pila.






"Pwede ba akong magtanong?." Maya maya ay tanong ko kay Cassy. Napatingin naman sya sa akin at pagkatapos ay tumango.







"Oo naman. Tungkol saan ba yan?."







"Tungkol don sa lalaki kanina. Sino sya?."







"Ah! Si King?. Sya ang parang nakakataas na estudyante dito sa school. Yung parang SSG president, ganon. Pero hindi kagaya ng mga SSG. Tatlo lang silang namumuno dito sa school. Ibig sabihin parang tatlo silang presidente. Wala ng ibang officers. Silang tatlo lang. Ang King, ang Queen at ang Jack." Paliwanag ni Cassy.






"Aaahhh.."







"Dagdag info lang ha. Hindi silang tatlo ang nagpapatakbo nitong school. Sila lang yung parang lider natin. But, their words is the law."







"Ganon..."






"Uh-huh. Kaya ganon na lang ang pamumutla ni Celine kanina eh. Takot kasi sya sa King. Actually ang lahat naman. Pero don't you worry. Mabait yong si King. Friendly sya. Basta wag mo lang gagalitin dahil masama yung magalit. Mas nakakatakot sya kesa doon sa dalawa. Sa Queen at sa Jack."







"Talaga?."






"Oo!. Nako! Ayaw mong maniwala? Galitin mo yung si King para makita mo yun kung pano magalit."







The AberrantsWhere stories live. Discover now