11: King, Queen, Jack And Andrea

0 0 0
                                    

-- Andrea --






Ikinuwento ko kay tito Knight kung paano ko nasabing Chronokinesis ang ability ko. Sinimulan ko doon sa unang beses na may kakaibang nangyari sa akin, yung doon sa gubat. Yung kung paano nagslow motion ang paligid nong ibinato sa akin ni Silas ang bolang hangin nya. Saka sinabi ko rin yong nangyari kanina. Yung pagtulong ko doon sa babaeng nag-suicide.




Sinabi ni Tito sa akin na posible daw yon. Ganon din daw kasi ang nangyari sa akin. Nadiskobrehan nya na paggawa ng portal ang ability nya dahil sa isang pangyayari.





Ikweninto pa nga ni tito ang nangyari sa kanya eh at pagkatapos non, ang sabi nya, Baka tama ako, baka nga hronokinesis raw ang ability. Pero ayon din sa kanya, para raw makasigurado ako. Kailangan ko daw nagawa iyon ulit. At sa pamamagitan daw non, magagawa ko na iyong makontrol.






Nag-offer pa nga si tito'ng i-train ako pero tumanggi ako. Nakakahiya naman kasi saka isa pa, ang sabi sa amin ni sir David, mga taga-upper section lang ang mag-t-train sa amin.





"Salamat po sa dinner, tito." Nakangiting pasasalamat ko kay tito ng matapos ang dinner namin.






Nandito kasi kami ngayon sa sala. Kami lang dalawa ang nandito dahil si Silas at Jack ay andun sa lababo, pinahuhugas ng plato ni tito. Nagbabangayan kasi sila kanina sa hapag kaya sa inis ni tito ay sila ang pinaghugas ng plato. Biglang parang gusto kong matawa ng maalala ko ang itsura ni Silas kanina. Para kasi siyang pinagsakluban ng langit at lupa. Kawawa masyado.






Ngumiti si tito sa akin bago nya ginulo ang buhok ko. "I told you. Daddy na lang ang itawag mo sa akin." Ang sabi nya sa akin. Napangiwi tuloy ako agad. "But if your not comfortable. Tito will do." Agad na bawi ni tito Knight.





Napakamot na lang tuloy ako sa ulo ko. "S-sige po......dad." nag-aalangan kong sabi. Napangiti naman si tito dahil doon bago nya ako matiim na tinignan. "May dumi po ba ako sa mukha?." Tanong ko kay tito Knight.





"No. Naalala ko lang sayo yung inaanak ko."



"Sa itsura nyo po....parang matagal nyo na syang hindi nakikita. Nasan na po ba sya?"


"I don't know..." Malungkot nitong sabi kaya natahimik ako. Inirerespeto ang nararamdaman nyang lungkot sa mga oras na to. Pati ako nalulungkot na rin eh. Naaapektuhan ako sa nararamdaman ni tito ngayon. "But I know she's in good hands." Nakangiti man ay may lungkot na kasama ang pagkakasabi non ni tito sa akin.


Ngumiti ako kay tito. "Close po siguro kayo sa kanya ano?."




"Yeah. She's our princess."

Ang swerte naman pala ng inaanak ni tito Knight. Meron syang pangalawang papa maliban sa tunay nyang ama. Di tulad ko. Naalala lang ako ng mga ninong ko kapag pasko. Pero ganon din naman ako sa kanila. Naalala ko lang din sila kapag pasko.



"Ihahatid ko na po sya papa." Halos sabay kami ni tito Knight na napalingon kay Silas ng bigla syang magsalita.

The AberrantsWhere stories live. Discover now