-- Andrea --
Matapos ang araw na yon, pakiramdam ko ako na ang pinakamasayang tao sa buong mundo. Pakiramdam ko, ipinagpala talaga ako dahil gumawa talaga ang tadhana ng paraan para maabot ko ang taong gusto ko. Si Silas.
Kahit na, pinakaba muna nya ako bago ko maramdaman ang naramdaman ko ngayon.
Hindi ako makagalaw. Hindi ako mapag-isip ng tama. Bigla akong nanlamig.
Bakit sya nag-so-sorry?.
*Lunok*
Mali ba ako?.
H-Hindi nya ba ako gusto?.
Mabilis akong napaiwas ng tingin. Pilit na iniignora ang mga ideyang namumuo sa isip ko.
Hindi naman siguro diba?.
Ang sabi sa akin ni Cassy ako ang gusto nya.
*Lunok*
Pero paano kung....hindi?. Paano kung si Cassy nga talaga ang gusto nya?.
Napakagat ako sa ibabang labi ko saka ako tumingin kay Silas. Biglang nag-init ang gilid ng mga mata ko. Biglang gusto kong maiyak.
"Bakit....ka nagso-sorry?." Kinakabahan kong tanong sa kanya.
Nakita ko syang napalunok bago sya tumingin ng diretso sa akin. "Kasi duwag ako." Ang sabi niya saka sya napayuko at ngumuso. "Ako dapat ang unang umamin eh, hindi ikaw."
Para akong nabunutan ng tinik dahil sa sinabi nya. Bigla akong nakahinga ng maluwag dahil doon.
Kung ganon....tama nga si Cassy.
Gusto nya nga ako.
Hindi ko mapigilang hindi mapangiti ng malawak saka ko sya mabilis na niyakap. Naramdaman ko naman ang pagkabigla nya dahil hindi sya nakagalaw dahil sa ginawa ko. Mas napangiti pa ako lalo saka ko hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya.
"Akala ko kung ano na." Bulong ko sa kanya saka ko naramdaman ang pagyakap nya sa akin ng mahigpit.
"Hindi ka galit?....kahit na sabihin kong ginamit ko si Cassy para mapalapit sayo?." Bulong nya sa akin habang nakayakap sya sa akin kaya mahina akong natawa bago umiling.
"Hindi. Nakakatawa nga eh." Ang sabi ko sa kanya bago ako kumawala sa pagkakayakap sa kanya. "Ang totoo nga nyan.....kung hindi mo yun ginawa hindi ko mare-realize na gusto pala kita." Ang sabi ko sa kanya kaya napangiti sya.
"Mabuti na lang ginawa ko yon." Natatawa nyang sabi saka nya hinila ang pulsuhan ko palapit sa kanya saka nya ako mahigpit na niyakap. Kaya nilang ganti, yumakap din ako sa kanya.
Ang bango nya.
"Gusto sana kitang halikan kaso....baka magalit kaya kaya yakap na lang muna." Natatawa nyang sabi kaya nakurot ko ang tagiliran nya dahilan para mapaatras sya bago mapa-aray.
Napakagat ako sa ibabang labi ko saka ako napatingin kay Silas na ngayon ay nakaakbay sa akin habang naglalakad kami pabalik sa building kung nasaan ang mga classroom namin.