-- Andrea --
Nakatingin lang ako sa blangkong papel na nasa harapan ko habang iniisip ko kung ano ang isusulat ko doon. Ang gusto ko. Ang wish ko. Kanina pa ako dito sa kwarto ko habang nakaupo ako sa harap ng study table ko at nakapangalumbaba habang nakatingin sa papel.
*Sigh*
Alas nuebe na ng gabi at hanggang ngayon wala parin akong naiisip na gustong gusto ko talagang i-wish. As in wala talaga. Ewan ko ba. Kuntento na kasi siguro ako sa kung anong meron ako kaya siguro wala akong naiisip na kung anong pwede kong isulat sa blangkong papel na nasa ibabaw ng mesa ko.
Hay....ang hirap naman. Pwede bang ibigay ko na lang to sa iba?. Pwede ko bang i-wish na ibigay na lang ang wish ng mga kaibigan ko?.
*Light bulb.*
Oo nga ano. Bakit hindi na lang yun ang hingin ko?. Tutal naman wala akong wish para sa sarili ko kaya i-wi-wish ko na lang na ibigay ang wish ng mga kaibigan ko. Baka sila may gusto silang i-wish.
Pwede kaya yon?.
*Sigh*
Itatanong ko na lang bukas.
Kinabukasan, paglabas ko sa kwarto ko, nakita kong lumabas mula sa kwarto niya si Cassy. Maaliwalas na maaliwalas ang mukha nya at halatang maganda ang gising ng kaibigan ko.
Bigla ko tuloy'ng naalala ang naisip ko kagabi. Pwede kaya yun?. Hay....sana pwede yon. Gusto ko kasing ibigay yon sa kanila bilang regalo. Malapit na din kasi ang birthday nilang dalawa eh. Kung tama ang pagkakatanda ko. Halos magkasunod lang ang birthday nila.
Sana lang talaga. Sana pwede ang gusto ko.
"Good morning." Bati ko sa kanya.
"Good morning din! Ada." At diniinan nya pa talaga ang salitang "Ada". Tsk. "Naks! Ang blooming natin ngayon ah. In love ka siguro noh?." Nang-i-intrigang sabi nya sa akin kaya pabiro akong napairap at mahinang natawa.
"In love ka dyan." Ang sabi ko at sinuklay gamit ang kamay ko ang buhok ko. "Baka ikaw." Ang sabi ko at nakangisi syang tinignan. Ngising May ibang kahulugan. Kala nya ah.
"Hoy! bakit napunta sa akin ang usapan." Depensa nya kaya hindi ko mapigilang hindi matawa ng malakas at nang-aasar syang tinignan.
"Defensive ka masyado. Napaghahalataan ka tuloy." Nang-aasar kong sabi saka ko itinali ang buhok ko ng pa-ponytail.