-- Andrea --
Nang magising ako, isang hindi pamilyar na silid agad ang napansin ko. Napakurap kurap ako. Sinanay muna ang sarili ko sa liwanag na nagmumula sa ilaw na nasa kisame at pagkatapos ay doon ko lang tinignan ang paligid ko.
Nasan ako?.
Muli akong kumurap bago ko pasadahan ng tingin ang paligid. Sa itsura ng lugar, masasabi kong nasa isang kwarto ako, ng lalaki. Halata kasi iyon sa itsura ng kwarto, sa pintura, sa mga gamit, pati na sa kulay ng kurtina.
Dahan dahan akong bumangon. Lumunok muna bago ko iginalaw ang ulo ko para makita ang kabuuan ng kwarto.
Anong ginagawa ko dito?.
"Ah!." Mahina kong daing sabay hawak sa ulo ko ng bigla ko na lang itong naramdamang kumirot. Mariin pa akong napapikit dahil doon at hindi maiwasang hindi magtaka kung bakit bigla na lang Yong sumakit.
Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko at pagkatapos, nang hindi ko na maramdaman ang sakit ay muli ko na lang inilibot ang paningin ko sa paligid.
*Sigh*
Ano ba talaga ang nangyayari?
Hindi ko mapigilang hindi magtaka at magtanong sa sarili ko kung paano ako napunta dito. Hindi ko rin mapigilang hindi kabahan at hindi mag-isip ng hindi maganda lalo na at nasa isang lugar ako na hindi ko alam.
Paano ba ako napunta dito?.
Ang huli kong natatandaan, nasa gubat ako at kasama ko si Silas para mag-training nang bigla na lang sumakit ang ulo ko at...
Yung mga images...
Napakurap kurap ako.
Ano ang mga yon?.
"Gising ka na pala."
Dala nang gulat, mabilis akong napalingon sa pinagmulan lang boses na iyon. Kabang kaba ako at matatakot din -- handa na nga sana akong protektahan ang sarili ko eh pero nang makita ko kung sino sya, bigla akong nakahinga ng maluwag. Naginhawahan ng matindi.
Nakatayo sya ngayon sa pintuan. Matiim na matiim na nakatingin sa akin habang bakas na bakas sa mga mata ang pag-aalala. Bigla ko tuloy'ng naalala yung una naming pagkikita. Ganyang ganyan din yung mukha nya non. Nag-aalala.
"Kamusta ang pakiramdam mo?. Ayos ka lang ba?." Nag-aalala nyang tanong habang umuupo sya sa gilid ng kama kung nasaan ako.
Tumango ako. Okay lang naman talaga ako, maliban na lang kanina nong sumakit na lang bigla ang ulo ko. "Ayos lang ako. Ano bang nangyari?. Nasan ba ako?." Sunod sunod kong tanong sa kanya.
"Nahimatay ka kanina kaya dinala kita dito sa kwarto ko. Ang layo na Nong clinic eh kaya dito na lang kita dinala."
"Nahimatay?."