-- Andrea --
Kaba.
Takot.
Galit.
Halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon habang nakatingin ako sa likod ng lalaking yon. Pakiramdam ko sasabog ako dahil sa sobrang emosyon habang pinapanood ko syang maglakad palayo sa akin.
Bumalik sa akin ang lahat.
Ang nangyari mong gabing yon. Ang paghihirap ko matapos ang gabing yon. Ang sakit. Ang galit. Ang lungkot. Bumalik sa akin ang lahat.
Akala ko hindi ko na makikita pa ang lalaking yon. 5 years akong naghintay sa pagkakataong to. Ang makita ang taong pumatay sa mga magulang ko.
At ito na sya ngayon. Nakita ko na sya.
Ang daming tanong sa isip ko. Isa na doon ang, "bakit nya sila pinatay?." "Anong kasalanan nila para gawin nya yon?." At..."bakit sya nandito?."
*Lunok*
Para akong natauhan. Napakurap kurap ako.
Ang bilis ng tibok ng puso ko. Pakiramdam ko para akong hinabol ng limang aso sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
Bakit sya nandito?.
Paulit ulit iyong tumatakbo sa isip ko habang pinoproseso ko sa isip ko ang lahat.
Bakit sya nandito?.
Napalunok ako. Biglang May narealize.
Ang sagot sa tanong ko....
Ibig sabihin katulad ko sya?.
Beat.
*Dug* *Dug*
*Dug* *Dug*
*Dug* *Dug*
*Lunok*
Isa sya sa amin.
Sa isip ko dahilan para kusang gumalaw ang katawan ko at mabilis na humakbang pasunod sa lalaking yon.
Pero hindi pa man ako nakakatakbo ng malayo ay merong biglang humawak sa pulsuhan ko dahilan para mahinto ako at mabilis na napalingon sa May hawak sa pulsuhan ko.
"Wag mo syang sundan. Mapapahamak ka." Natigil ako. Napatingin sa lalaking may hawak sa pulsuhan ko.
Napakunot pa nga ang noo ko habang nakatingin sa kanya na ngayon ay nakatingin lang naman sa sahig habang ang isang kamay ay nasa bulsa nya.
"Anong--"
Hindi ko na natapos ang dapat ko sanang sabihin ng bitawan nya ang kamay ko saka parang wala lang syang naglakad palayo.