-- Andrea --
Hindi ko maintindihan. Para saan yon?. Sigurado akong hindi yun panaginip dahil malinaw na malinaw sa akin ang lahat na napunta talaga ako sa lugar na yon. Pero paano?. Paano yon nangyari?.
*Sigh*
Ano ba talaga tong nangyayari sa akin. Una, sumakit yung ulo ko matapos lumabas ang ability ko. Tapos ngayon ito. Bigla na lang akong napunta sa isang lugar na hindi ko alam kung saan pero pamilyar naman sa akin.
*Lunok*
Matapos lumabas ang ability ko.
Teka. Dahil ba to sa ability ko?.
Napailing iling ako at inalala ang nangyari kaninang umaga bago ako mahimatay. Napunta ako sa gubat. Sa harap mismo ng isang bahay. Bahay na pamilyar sa akin pero hindi ko alam kung bakit.
Bakit nga ba?. Bakit pakiramdam ko napunta na ako dati doon.
Saka bakit nandon si tito Knight?.
Dahil nandoon si tito Knight. Ibig sabihin yung batang lalaki si Silas yon?.
Ang gulo. Hindi ko maintindihan ang nangyayari. Tapos yung babae. Si Sandra. Bakit pakiramdam ko nakasama ko na sya dati?. Bakit pakiramdam ko kilala ko sya?. Sino ba sya?. Anong koneksyon ko sa kanya?.
Tapos si Andrea. Yung batang babae. Bakit kamukha ko sya Nong bata pa ako?. Bakit?.
*Sigh*
Naguguluhan na ako. Ang daming tanong sa isip ko. Ang dami dami.....Pero hindi ko alam ang sagot.
Bakit?
Paano?.
Ano?.
*Sigh*
Nakaka-stress na to.
*Tok* *Tok* *Tok*
Mabulis akong napatingin sa pintuan ko ng May kumatok doon. Dahan dahan naman akong napaayos ng upo sa kama bago ko pinahintulutang pumasok ang kumakatok sa pintuan ko.
"Gising ka na pala. Kamusta na ang pakiramdam mo?." Tanong agad ni Cassy sa akin ng makapasok sya sa kwarto ko, habang si Avi naman na nasa likuran nya ay nginitian ako.
"Ayos na ako." Sagot ko sa kanila bago ako ngumiti. "Anong tingin nyo sa performance ko?. Maganda ba?." Excited kong tanong sa kanila dahil atat na atat na akong malaman ang kinalabasan ng performance ko. Although hindi ko naman yun naayos ng mabuti. Nahimatay nga ako diba?.