-- Andrea --
Ang dami nila.
Lahat sila nakatingin sa akin. Lahat sila ay may galit sa mga mata.
*Lunok*
Dahil ba sa ginawa ko sa kasama nila?.
*Lunok*
"Bwesit." Rinig kong sabi ni Fin mula sa earpiece ko kaya kinabahan ako. "Hindi kita makunan ng back up, Andrea. Busy si Josh. Pinagtulungan naman si Grace. Tapos ang iba merong mga nilalabanan. Dammit. Mero ding nakapalibot sa akin. I'm sorry Andrea."
Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil sa narinig. Hindi ko na nagawang sumagot dahil iniisip ko ang gagawin ko ngayong walang tutulong sa akin.
"It's our pay back time." Ang sabi ni Celine na parang naging hudyat ng lahat dahil sa sabay sabay nilang pagsugod sa akin dahilan para manlaki ang mga mata ko.
Hindi ako makagalaw. Biglang tumigil sa paggana ang utak ko habang pinapanood ko silang sumugod sa akin.
*Lunok*
I'm doomed.
Sino ang uunahin ko?!.
Dumapo ang tingin ko sa isang malapit sa akin. At pagtingin ko sa kanya, sakto naman ang nag-transform sya into a wolf kaya sa gulat ko ay agad akong napailag ng subukan nya akong kagatin. Pero hindi naging sapat ang oras ko para mailagan sya ng buo dahil nakagat nya pa rin ako sa braso ko.
Impit akong napadaing dahil sa kirot. Nakahawak pa ako sa braso ko para patigilin ang pagdurugo nito dahil medyo napalalim ang pagkakagat ng wolf sa akin.
Bwesit. Hindi ko sila kaya lahat. Kailangan kong makaalis dito.
Mabilis kong inilibot sa paligid ko ang paningin ko para maghanap ng pwedeng madaanan para makaalis ako dito. Pero malas yata talaga ako. Walang daan palabas sa kinaroroonan ko dahil parang sinadya talaga nilang gumawa ng bilog para ma-corner ako.
Napakagat ako sa ibabang labi ko at hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ko para patigilin ang pagdurugo nito.
"Aaaakkkk." Daing ko ng mayroong mabilis at matigas na bagay na tumama sa likod ko. Kung hindi ako nagkakamali ay isa itong bakal o parang tubo.
Napaluhod ako dahil doon. Pakiramdam ko nabali ang lahat ng buto ko sa likod dahil sa lakas ng pagkakahampas non sa likod ko.
Ang malas.
Dahan dahan akong tumayo ng pakiramdam ko ay ayos na ako. Pero hindi pa man ako tuluyang nakakatayo ng maayos ay biglang.