Kabanata 14 - Later

5 4 0
                                    

Jane's POV

Nakita kong pumikit si AJ at pag sabay non ang pag lalim ng kanyang pag halik sa akin. Naramdaman ko din ang pag higpit ng hawak sa aking kamay.

Bago pa ako madala pa lalo sa pag halik nya ay kumalas na sya sa labi ko.

Napaawang tuloy ang aking mga labi dahil sa bitin.

What? Bitin?

Shit naman nabitin pa ako nababaliw na talaga ako.

Tumikhim ako ng malakas at bahagyang lumayo sa kanya. Ngunit may multong ngiti akong nakita sa mga labi ni AJ. Kaya umiwas na ako ng tingin sa kanya.

"Ano ba ang ginawa mo? Kaasar maiwan na nga kita dyan!" sigaw kong sabi.

Tatalikuran ko na sana sya pero hinila nya ako ulit at niyakap ng patalikod.

Ano ang nangyari? Hinalikan ako ni AJ! Tapos ngayon niyakap niya ko ng patalikod!

Oh my!!

Shit! Kinikilig ako ahhhhh!

"Wag kanang magalit sa akin Jane, please." Malambing nyang paki usap sa akin.

"Oo na bitiwan mo na ako okay. Hinahanap kana ni Kuya Ralf at gabi na umuwe kana."

Kinalas ko ang pag kakayakap niya at nag lakad na papasok ng kusina.

Tulala akong pumasok iniisip ang nangyari ngayon ngayon lang.

Lord please kunin mo na ako! Hahaha joke lang wag muna papakasalan ko pa si AJ!

Haist ano ba tong iniisip ko. Umiling nalang ako para mawala sa isip ko ang mga iyon.

Halos atakehin ako sa puso dahil sa gulat. Nasalubong ko si Kuya Ralf sa kusina!

"Oh Jane san ka galing?" gulat ding tanong ni kuya sa akin.

"A-ah ano, nag hanap ng alitaptap! Ah oo alitaptap." Nauutal kong sabi.

Jane naman bakit sa lahat pa ng rason alitaptap pa ahhaist!!!!

"Ha? May alitaptap ba ngayon? Ah nakita mo ba si AJ? Sabi nya iinom lang daw sya ng tubig."

Nalilito nyang tanong habang hinahanap sa likod ko si AJ.

"Ah a-ano.."

"Bakit dude? Nag bathroom lang ako."

Biglang iniluwa si AJ sa likod ni kuya Ralf.

Kaya hinarap ni kuya si AJ.
Pano? Pano sya napunta dyan?
Pinandilatan ko sya ng mga mata ko. Na parang nag tatanong pano sya napunta dyan.

"Ah oo akala ko ba sabay tayong manonood ng NBA ngayon. Nag uumpisa na kaya ang live nila. Tara." Sabi niya kay AJ. " Ikaw Jane matulog ng maaga may pasok ka pa bukas."

Nauna si kuya Ralf papuntang sala at sumunod ako kay kuya. Lalagpasan ko na sana si AJ pero lumapit sya sa akin na may pang aasar na ngiti sa labi at may ibinulong sa aking tainga.

"Alitaptap ha."He smirk.
" Good night babe."

Babe!?

Halos mapaluhod na ako sa pag hihina ko. Bakit ba sya ganito ngayon?

Hindi na ako napag salita dahil mabilis niya akong iniwan sa kinatatayuan ko.

"Huh! Ang lalaking iyon! Makapang asar wagas! Eh sya kaya ang dahilan kung bakit ko iyon nasabi. Babe mo mukha mo!" Bulong ko pero halos pasigaw na din.

Tsss.

Lumabas na din ako ng kusina at nakita ko syang nakatitig sa akin na ngayon ay seryoso na. Inismiran at inirapan ko sya. Umakyat ako na padabog ang lakad.
Kainis talaga ang lalaking yun.
Teka nga bakit ako naiinis?
Ahhh hehe kinikilig lang ako ehhh! Pagulong gulong ako sa aking kama habang humahagikgik sa kilig. Iniisip ko ulit ang pangyayari kanina. Ang malalambot at mainit na labi ni Aj.

"Ahhhhh!!!! Ano ba!" sigaw ko at tinabunan ko ng unan ang mukha ko.

Buong gabi akong ganon. Madaling araw na nga ako nakatulog. Siguro mga tatlong oras lang ang tulog ko.
Oo na! Tama na si Eli na hindi ka talaga makakatulog pag nahalikan ka ng gusto mo!

Kaya ngayon pakiramdam ko isang parusa ang nangyari sa akin dahil ang laki laki ng eyebags ko at ang itim pa halata talaga na hindi ako nakatulog ng maayos!

Isang parusa pero masarap sa pakiramdam. Ayyy hehe oo na kinikilig pa din ako hanggang ngayon!

"Good morning Jane, nakatulog ka ba ng maayos kagabi?" biglang sulpot ni AJ sa harap ko na may dalang pritong itlog at tinapay.

Mukha bang maayos ang tulog ko!? Kasalanan mo to eh!
Gusto kong isigaw iyon pero hindi ko maisatinig haist! Baka isipin niya na napektohan talaga ako sa halik kagabi.

" Ano ba AJ para kang kabute bigla biglang lilitaw!"

"Oh ang aga nyo namang mag away. Kumain na tayo." Sulpot din ni kuya Ralf sa likod ko.

Kaya nag umpisa na kaming kumain. Si AJ naman panay ang titig sa akin kung hindi nakatingin si kuya sa kanya. Hay kung yelo lang ako kanina pa ako natunaw ng mainit nyang titig.

Shit! Ano ba tong kacornyhan ang iniisip ko .

Puro tungkol sa basketball ang pinag uusapan nila. Lage naman eh ano pa ba ang bago don?

"Ako nalang mag hahatid kay Jane dude. May part time ka pa diba? Baka malate ka." Suggestion ni AJ habang nag mamadali si kuya Ralf na mag ayos ng gamit niya.

"Pwede ba? Paki hatid lang si Jane. Salamat talaga late na talaga ako haist!"

"Oo nama dude walang problema."

Tinapik pa muna ni kuya Ralf ang balikat ni AJ bago lumapit sa akin para guluhin ang aking buhok.

" Kuya naman lage mo nalang ginugulo ang buhok ko tsss." Naiinis kong sabi.

" Aba ngayon ka lang nagreklamo ha. May pumuporma na sayo noh?" tanong ni kuya habang nakataas ang dalawang kilay niya.

Tumikhim si AJ pero hindi iyon pinansin ni kuya dahil tutok na tutok sya sa akin.

" Wala! Umalis kana late na kaya oh!" sabay pakita ko ng relo sa aking pulsuhan.

"Haist! Sige mamaya ka sa akin Jane.!" Sigaw pa nito habang tumatakbo palabas.

"Patay ka sa Kuya mo." Ngisi ni AJ sa akin.

"Huh! Bakit ako? Ikaw ang patay sa kuya ko noh!"

"Sabihin na natin sa kanya?"

"What? Bakit kaya mo ha?AJ? Takot ka din naman kay kuya eh." Sabi ko na may pag hahamon.

Lumapit sya sa akin at yumuko para ipantay ang mukha sa akin.
Kaya napalunok ako sa subrang lapit namin na halos maduling na ako.

Seryoso nya akong tinignan.

" Wala akong kinakatakotan Jane if you are the reason." Pag didiin niyang sabi sa huling salita.

"Sige! Ikaw ang bahala tignan lang natin." Tapang tapangan kong sabi.

Hay nababaliw kana talaga Jane! Baka mapatay ka ng kuya mo! Haist!!

"Sure, later babe." Mas seryoso nya pang sabi habang nakatingin sa aking mga labi.

Kaya napatingin din ako sa labi nya at lumunok.

Nakakaakit talaga ang mga labi nya gosh! Hihimatayin na ako ako. Ang gwapong to gusto ako!

To be continued***

Just You and Only You(On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon