Kabanata 7 - Partner

21 20 1
                                    

Jane's POV

Nakatulala ako habang nakaharap sa bintana ng classroom. Iniisip ang mga sinabi ni Ian kanina na Nandito na naman daw sya. Ibig sabihin gusto nya ako? Bigla kong naramdaman ang pag init nang akin mga pisngi.

'Oi! Ano na? Ha. Ha.' Kiliti ni Eli sa akin.

'Anong ano na?' pamaang kong tanong habang nakatingin sa notebook ko.

'Eyeeehh! Wala kang sinasabi sa akin ha. Nag kakamabutihan na pala kayo ni Ian.' Pahinang pahina nyang sabi habang nakatingin sa iba kong mga kaklase.

'Ay mamaya na! Sigaw ko nang pabulong.

'Sige mamaya ha.' Sabay upo nya sa upuan na nasa tabi ko. Dahil eksaktong dumating ang guro namin sa Filipino.

'Magandang umaga' bati ng guro namin sa Filipino na si miss shella. Mabait si miss shella hindi tulad nang ibang guro namin na subrang sungit. Mahinhin kung mag salita si miss at lage naka ngiti.

Tuwing klase namin kay miss shella ay Lage kaming masaya, laging may tawanan. Nang matapos ang klase sa Filipino ay may isang oras lunch break. At dahil Friday ngayon wala akong trabaho sa canteen.

'Oy alam nyo ba na JS from na pala natin sa martes.'

'Hala bakit hindi ko alam?'

'Eh mamaya pa daw ipopost'

'Kailangan ko na palang bumili nang bagong damit!'

'Ako rin, excited na ako'

Nakikinig lang ako sa mga kaklase ko sa kabilang table nandto kase kami sa canteen,kumain ng lunch. Kasama ko ang bestfriend na si Elli.

''Jean mag kwento kana.' Pangungulit sa akin ni Eli.

'Oo na ang kulit mo talaga.' Sabay nguya ko sa gulay na kinakain ko. Pakbit at isang fried chicken ang ulam ko same kami ni Eli nakikigaya din sya sa akin. Hindi sya kumakain ang gulay pero dahil sa akin pinipilit nyang kumain dahil masustansya naman daw kinakain ko. Kaya hinahayaan ko nalang para may karamay ako' sa pag kain ng gulay dahil ako lang yata ang kumakain nang gulay dito sa school.

'So, niyaya ka ni Ian para makapartner sa JS natin sa martes noh.' Kinikilig nya sabi sabay subo sa gulay na kalabasa.

' Hindi noh, iba ang sinabi nya.' Sabi ko naman habang nakatingin sa kawalan.

'Hala , eh ano pala?' pangungulit nya pa.

Kaya kinukwento ko sa kanya ang nangyare. Hindi sya makapaniwala na may gusto 'daw' sa akin si Ian. Pero hindi naman yun ang sinabi ni ian 'nandito ako' yun ang sabi nya. Pero sabi ni Eli same lang naman daw yun. Kaya subra subra ang kilig na dulot non sa kanya habang ako natatawa lang sa kanya dahil para syang tanga habang kinikilig.

Nang matapos kaming kumain dumiretso na kami sa tambayan namin. May tatlong-pong minuto pa kaming natitira. Ang tambayan namin ay sa likod ng gym. Dahil maraming mga punong masisilungan, tahimik, maaliwalas at sa ilalim nito ay ang mga upuan na gawa sa kahoy. Presko ang hangin.

'Grabe ang sarap talaga nang simoy ng hangin dito, sabi kase ni Ate sa Manila walang ganito.' Tinutukoy ni Eli sa mga malalaking puno. Oo nasa manila ang ate nya nag tatrabaho sa sarili nilang kompanya.

Samantala dito sa Romblon walang kompanya na malalaki.

'Sabi nga daw nila, wala halos na mga puno pero maraming mga gusali."sabi ko habang nakatingala sa punong sinisilungan namin. 

Samantala dito walang gusali na malalaki.

.

Sumasayaw ang kanyang mga sanga dahil sa ihip ng hangin. Nakakatuwa silang tignan.

Just You and Only You(On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon