Kabanata 11- Sinungaling

15 11 2
                                    

Jean's POV

Masaya ang mga nangyari sa mga sumunod na mga araw pagkatapos ng JS prom namin. Nag karoon kami ng offer ni Eli para mag model ng isang beauty products, naging model din kami ng mga damit na nilalagay sa local magazine. Sa isang iglap lang nag bago ang buhay ko , buhay namin ni Eli.

Kilala na rin ako sa paraalan namin. Maraming pumupuri, maraming nanliligaw. Pero hindi parin maiwasan na may maririnig kang salita hindi maganda sa mga taong hindi masaya sa kung anong katanyagang meron ka ngayon.

Kaya hinahayaan ko na lang ganon naman talaga ang buhay maraming maiingit kung nasa taas ka. At gagawa sila ng paraan para mahila ka nila pababa.

Pero kahit ganon, tuloy pa rin ang buhay. Hinayaan ko na lang sila mag salita kung ano ang kanilang opinyon. Hanggang sa dumating ang araw na hindi ko inaasahan.

"Jean bilisan mo na nga malalate na tayo sa P.E practical natin eh." Nag mamadaling sabi ni Eli sakin.

" Mauna kana kaya Eli, nag susuot pa ako nang sapatos noh. May sampong minuto pa naman." Naiinis kong sabi sa kanya.

" Oo alam ko. Pero hindi na ako pweding malate ngayon last time na late na ako eh. Pagagalitan na ako buti ka nga never kang nalate kahit may modeling tayo. Sige na alis na ako!" sabi niya na tinapik ang aking balikat.

"Bagal mo kasing kumilos! Sige na mauna kana!" sigaw ko dahil patakbo na syang lumabas ng classroom.

Natatawa nalang ako dahil lage nga siyang late nitong nakaraan. Palagi kasing inuulit ang mga take niya sa modeling kaya mas nauuna akong makabalik ng school.

Nakarinig ako ng mga yapag ng mga paa patungo sa direksyon ko. Hindi ko alam kung bakit naisipan kong mag tago. Kaya dalidali akong tumayo at nag tago sa ilalim ng mesa ng aming guro. Nag uusap sila pero hindi ko maintindihan dahil medyo malayo pa sila.

Pero nang makalapit na sila narinig ko ang aking pangalan.
"Naku Ian. Itutuloy mo pa ba ang balak mo kay Jane? Baka masaktan mo ng husto ang tao." Sabi ng kaibigan ni Ian pero hindi ko kilala kung sino.

"Oo naman noh! May isang salita ako Bryan at sayang ang efforts ko ang perang binambili ng mga bulaklak at kung ano ano pa noh para maniwala siyang may gusto ako sa kanya at nililigawan ko talaga siya! Hahaha !" malakas niya tawa.

Napakunot ang noo ko. At parang piniga ang aking puso sa mga sinabi niya. Ibig sabihin niluluko niya lang ako? Lahat palabas niya lang? Nanliligaw pala siya sa akin? Hindi ko yun alam. Kaya pala lage syang may dalang bulaklak na rosas araw araw para ibigay sa akin.

Crush ko nga sya pero hanggang don lang yun at kaibigan na ang turin ko sa kanya dahil subrang bait niya sa akin. Wala naman akong gusto sa kaniya pero bakit parang ang sakit sakit marinig ang mga bagay na iyon galing sa kanya.

"At alam mo? Nakakainis lang kase ang arte, ang daming reklamo. Kase daw bakit araw araw may rosas? Tanga ba sya o slow lang talaga ang utak niya? Syempre nililigawan ko siya! Kaso ang tanga tanga lang kase subrang slow niya!" paigaw niya pag tawa at nahawa din ang mga kasama niya sa pag tawa.

Hindi ko namalayan na naluha na pala ako. Subrang sakit naman ng mga pinagsasabi niya. Napangiwi ako na may kirot akong naramdaman sa aking dibdib. Napahawak ako sa akin bibig para hindi ako makagawa ng ingay galing sa aking pag iyak. Ngunit hindi ko na mapigilan ang pag hikbi ko dahil sa isang pangalang binanggit nila.

"Tika nga diba close sila ng Bestfriend mo na si AJ? Alam niya bang pinagpupustahan lang natin si Jane?" natatawa paring sabi ng isa pag kasama ni Ian.

"Tanga ka ba? Syempre alam niya. Muntik na nga kami mag away dahil lagi niyang sinasabihang si Jane na wag mag tiwala sa akin. Pero ito namang tangang Jane hindi naniwala. Sa akin sya nag tiwala! Kung sabagay pabor yun sa akin dahil malapit ko nang makuha ang five hundred thousand na pinusta niyo sa akin haha!" tawa ni Ian na parang demonyo! At nag tawanan ulit sila.

Just You and Only You(On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon