Kabanata 10- JS2 King and Queen

24 15 4
                                    

Jane's POV

Nang makarating kami sa school rinig na rinig ko ang napakalakas na tugtuog mula sa gym. Kakaunti nalang ang nasa labas dahil sampong minuto nalang mag uumpisa na Prom namin.

"Let's go" sabi ni AJ pag katapos niyang buksan ako ng pinto.

Tatanggalin ko na sana ang seatbelt kaso yumuko si AJ at siya ang nagtanggal non. Napakalapit namin sa isa't isa. Nalalanghap ko ang lalaking lalaki niyang pabago at ang mint sa kanyang hininga ay hindi nakalagpas sa akin pang amoy! Napakabango niya subra.

TUG!DUG!
TUG!DUG!

Ano ba ang nangyayari sa puso ko bakit lage nalang ganito pag malapit si AJ sa akin! Hindi na mapirmi ang puso kong ito ang lakas ng tibok! Sana hindi iyon na narinig ni AJ nakakahiya.

"Oh, tulala ka na naman. Sabing alam-". Pinigilan ko ang sasabihin niya. Nailapit ko ang hintuturong daliri sa bibig niya para hindi na siya mag salita dahil alam ko naman na mag yayabang lang siya.

TUG!DUG!

" oo alam ko na kaya wag mo nang ulitin na gwapo ka!" sabi ko. Na hindi makatingin sa kanya ng diretso.

"good, tara na mag uumpisa na yata eh nakapila na siguro ang mga kaklase mo eh."

Bumaba na ako at nag lakad kami papasok ng gym. Maraming tumingin sa gawi namin at nag bulong bulongan. Napakaganda din ng kanilang mga suot. Para kaming mga princesses sa gabing iyon. Pagkapasok namin nakita ko agad si Eli na kinakawayan ako. Nakapila na ang section namin ako nalang yata ang kulang. Nakita ko din ang kanyang reaksyon, naiiyak siya na nakangiti. Makikita talaga sa kanyang mga mata ang pag hanga. Nakita ko din ang mga reaksyon ng mga kaklase ko at nag bulongan din sila. At huling dumapo ang mga mata ko kay Ian na animo'y nakakita ng multo sa gulat o baka nagagandahan lang siya sa akin haha! Joke lang hindi naman ako ambisyosa noh!

"wag kang mag titiwala sa kahit sino sa kanila Jean. Trust only your self and me." Bulong pa ni AJ sa akin nang makarating kami sa mga kaklase ko. Anong ibig sabihin? Wag mag tiwala? San?kahit sino daw? Kunot noo ko siyang tinignan pero ngumiti lang siya sa akin.

"Ha?"

"alis na ako may pupuntahan pa ako, magkita nalang tayo mamaya" Marahan niyang tinanggal ng kamay ko sa braso niya.

"Sige ingat ka AJ" kaway ko sa kanya. Magpapasalamat pa sana ako pero mabilis siya naka alis.

Nalungkot ako bigla hindi ko alam kung bakit. Baka siguro usto ko lang siya maisayaw ako. Pano niya naman ako maisasayaw college na siya para lang naman sa mga high school ang Prom na to hay.

" Jane! Oh my! Oh my! Ikaw ba yan! Grabe hindi kita sana kita makilala kaso kasama mo kase si AJ. Grabe ang ganda ganda mo!" sabi ni Eli. Na patakbo niyang labit sa akin.

Nasa kabilang dulo kase siya ako naman ay nasa tabi ni Ian na partner ko. Na kanina pa nakatulala sa akin. Wala man lang akong narinig na hi o hello sa kanyan.

"Oo ako nga ito Eli!" sigaw ko sa kanya para marinig niya ko dahil sa lakas ng tugtog.

Nakipag beso siya sa akin at hinawakan ang mga kamay ko. " your so gorgeous Jane."

"Ikaw din napakaganda mo subra"

" I know right!" kindat niya sa akin. Sabay palipad ng buhok nya sa ere.

" bumalik kana sa pila mo, mag uumpisa na yata." Sinabi ko iyon ng marinig ang pag aayos ng mike at nag stop na ang tugtog.

"Okay sige Jane ang sabay doon ka sa table namin ha. Kahit saan namn pwde umupo eh , sige bye mamaya nalang!"

Just You and Only You(On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon