Ako nalang sana

28 24 2
                                    

AJ's POV.

Kinabukasan, nagising ako sa lakas nang akin alarm sa cellphone ko. Napabagon ako sa amoy ng ginigisang bawang kaya napahawak ko sa tyan ko, 'gutom na ako' sabi ko sa sarili ko.

Pumasok na ako sa CR. Para maligo naalala ko pala na walang tubig ang shower nila kaya bumagsak ang mga balikat ko palabas ng Cr.

Naisipan kong dumiretso nalang sa kwarto ni Jane dahil nasisiguro ko na nag sya ang nag luluto ngayon kase maaga ang pasok nya. Hindi na ako kumatok binuksan ko agad ang pintoan ng kwarto nya.

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa nakita ko, na kanina lang ay inaantok pa. Nakita ko si Jane na naka under wear lang at walang ibang sout kundi yun lang talaga. Nakita nya ko sa salamin at nanlaki din ang kanyang mga mata.

'ahhhhhh!! Subrang lakas nyang sigaw.' anong ginagawa mo dito!?' dali dali nyang yakap ang yakap ang sarili nya hinahanap ang kanyang towel ngunit wala sya makita kaya itinapon ko sa kanya ang towel ko at tumalikod ako sa kanya.
Subrang bilis ng tibok ng puso ko. Parang tumakbo ako sa subrang hingal. kailangan ko na nga talagang magpadoktor.

'bakit ka kase ganyan dapat nag suot ka ng damit!' sigaw ko habang nakatalikod sa kanya.

'aba aba, kwarto ko to noh,gagawin ko lahat ng gusto ko sa kwarto ko.' bakit ka kase nandto manyakkkk kaaaa!!!!' sigaw nya parang masisira yata ang eardrums ko sa subrang lakas.

'di ba nga walang tubig ang shower ko.' mahinahon kong sabi . Kasalanan ko nman kase bakit ako bigla biglang pumapasok eh kwarto to nang babae. Kaya napakamot ko ang akin ulo.

'haisst kakainis!!!!, Tabi jan at maligo kana don!sigaw nya pa din sa akin nakasuot na sya ng uniform. At lumabas na pabagsak na sinara ang pinto.

Napakamot ko ang ulo ko at nakangusong pumasok sa Cr para maligo. Mabagal akong naligo para hindi ko na sya maabotan sa baba nakakahiya talga ang ginawa ko.

Nang matapos ako ay sumilip pa muna ako sa baba baka kase hindi pa sya naka alis at masabon na naman ako nang sigaw nya. Nang makita kong wala na sya bumababa na ako.

'kain na pre' alok sa akin ni Ralf. Kaya umupo nalang ako habang hindi makatingin sa kanyang mga mata. 'anong nang yare don sa kapatid ko, nakasalubong ang mga kilay at ang mga nood ay naka kunot ang aga aga napakasungit?' kamot nya sa kanyang noo na nalilito.

'ewan ko don pre.' pag sisinungaling ko. Patay ako pag sinabi ko na nakita ko si Jane na naka ano ah basta.

'kamusta pala kana pala, iisang university lang tayo pero hindi tayo nag kikita.'sa wakas at nag salita sya dahil sa habang ng katahimikan kanina wala akong masabi sa kanya.

'okay naman, buti nga ikaw mag tatapos na ngayong taon, samantala ako may isa pang taon nanatitira.' tawa ko tsaka sumubo ng sinangag na kanin. Sya pala ang nag luluto kanina,haiisst.

'okay lang yan, Salamat pala sa pag sundo sa kapatid ko kahapon.' nakangiti nyang sabi na nanunuks. Bigla akong nabulunan sa gulat. Kaya umubo ako ng umubo mabilis naman inabot sa akin ni Ralf ang isang basong tubig.

'ahh ano yun ba, wala yun ikaw pa malakas ka sakin eh,  buti natawagan mo ako mo nga ako pauwe na din sana ko non.' nauubo ko pa ding sabi sa kanya.

'tika nga may napapansin ako', hindi nya pinatuloy ang saaabihin nya. 'may gusto ka ba sa kapatid ko?' tanong nyang nakakunot ang mga noo.

' ha!!! ?'Sigaw ko. 'ako?' nalilito, nagulat sa tanong nya.

'may iba pa ba tayong kasama dito?' natatawa nyang lingon sa kung saan na para bang may hinahanap na ibang tao.

'huh! Wala noh pre naman walang talo talo. 'natatawang ngiwi kung sabi sa kanya.

'buti naman, ayaw ko syang masaktan pare, kaya kung magkagusto ka, sana wag ang kapatid ko.' sabi nya na malungkot ang mga mata nya.

'pre naman' sabi ko sa knya na nahahawa sa kalungkutan nya.

'ayaw ko nang makita pa ulit na umiyak o masaktan sya, tulad lang ng nawala ang mga magulang namin.' namumuo ang mga luha sa kanyang mga mata ngunit pinipigilan nya itong tumulo.

'oo namn pare, parang kapatid na ang turin ko sa kanya.' sabi ko sa knya. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko nag sabihin ko ang mga huling salita. Kailangan ko na ngang magpadoktor.

'hahaha salamat pare, may tiwala naman ako sayo eh.'natatawa nyang
sabi.

Sinabayan ko nalang ang tawa nya. Tinapos na namin ang pag kain at sabay kaming pumunta sa university. Nag paalam na kami ni Ralf dahil sa kabilang building sila. Bali tatlong building ang meron ang university namin. Nasa kanan ang building namin at nasa kaliwa naman ang kina Ralf na building at sa gitna naman ang isa.

Mga lunch break ko planong pumunta ng hospital. Kaya habang naghihintay sa prof. Naalala ko ang nangyare kagabi.

Flashback**

'Jane tapos na ako.. ' natigilan ako sa pagsasalita dahil nakita ko syang nakatulog sa harap ng laptop nya.

Nanibago ako sa mukha nya. Mas maganda sya pag wala eyeglasses na suot. May manipis na kilay at makakapal na pilik mata. Ang ilong nyang katamtaman ang tangos nito. At mga labing mapupula. Hindi ko namalayan na nakalapit na ako sa kanya. Para syang sanggol pag tulog pag gising naman akala mo may megaphone ang bibig sa subrang lakas ng boses. Ang liit na tao malaki ang boses.tsss

Hinawakan ko ang  pisngi nya tinusok tusok para magising sya pero hindi sya nagising.

'baka sumakit ang leeg mo, kaya gising na jane'hindi ko mapigilang  haplosin  ko ang pisngi nya. Gumalaw galaw si Jane na parang magigising na  kaya bahagya akong lumayo.

Ngunit hindi talaga sya nagising napagod siguro sya sa part time job nya kanina tapos nag luto pa sya. Napakasipag nya talaga ,same sila ni Ralf.

Kaya lumapit ako ulit para hawakan ang pisngi nya' ako nalang sana' malungkot kung bulong na ako lang ang makakarinig.

Ako nalang sana ang nagustohan mo. Alam ko kasing gusto nya si Ian na kaklase nya na ka team ko din.

Flashback end**

Pero dahil sa sinabi kanina ni Ralf parang malabo na masabi ko yun kay Jane. Bumalik lang ako sa katinuan nang biglang lumapit sa akin si kevin.

'hay may nerd  na naghahanap kay Ralf Cruz, may gusto yata yun kay captain, subrang kulit, ginaya nya pa ang bag ni captain tsk,tsk.' sabi nya sa akin sabay upo sa tabing upuan. Oo magkatabi kami sa upuan.

Kaya napatayo ako nang maisip kong baka si Jane yun. At patakbong lumabas nang roon namin.

Naabotan ko si Jane sa corridor pabalik sa secondary campus magkalapit lang kase ang campus namin.

'Jane!'sigaw ko sa kanya, kaya nahinto sya sa pag lalakad.

At dahan dahan syang humarap sa akin na umiiyak. Kunot noo akong lumapit sa kanya, nag alala kong bakit sya umiiyak. Nasasaktan ako pag nasasaktan sya at umiiyak parang nadudurog ang puso ko. Ganito na siguro kapag may gusto ka sa isang babae. Hindi ko na pala kailangan pumunta ng hospital dahil may iniibig ako kaya ganito ka abnormal ang tibok ng puso ko.

To be continued**

Thank you po sa pag babasa. Pakivote, comment at follow lang po.(◍•ᴗ•◍)❤

Just You and Only You(On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon