Kabanata 9 - JS part 1

22 16 1
                                    

Jane's POV

Sa mga nag daang araw nauubos lang ang oras ko sa pag babasa ng novel, panood ng anime at pag iisip kay... AJ ,paminsan minsan naiisip ko si Ian.

Minsan para akong tanga nakinakausap ang sarili. Minsan Naiisip ko na may gusto si AJ sa akin. Minsan naiisip ko din na may gusto ako kay AJ.

Pero minsan na iisip ko na baliw na ako dahil impossible na magkagusto si AJ sa akin.

Ako naman tangang tanga na sa sarili dahil sa naiisip na may gusto ako kay AJ! Pero may gusto din ako kay Ian!
Pwede ba yun dalawang tao ang nagugustohan ko? Parang sasabog na ang utak ko sa kakaisip!

Kaya napabalikwas ako ng may kumatok na napakalakas sa pinto!

"Ano ba! Wala akong pasok ngayon kuya!"

Bumukas ang pinto at iniluwa si kuya na seryoso ang mukha. " May bisita ka."

"Ha? Sino naman?"

"Kaklase mo yata, lumabas kana jan"

Bumaba na si kuya pero tatamad akong gumalaw para maghilamos at mag sipilyo. Nag bihis ako ng black t-shirt at short na pang volleyball. Inalbor ko lang naman ito kay Eli. Nag lalaro siya ng volleyball at tsaka nasa bahay lang naman ako hindi ko na kailangang mag paganda dahil ang kukunti lang ang pang alis na damit .

Mabagal akong bumaba. Lumaki ang mga mata ko dahil si Ian ang bisita ko kaya dali dali akong bumaba para puntahan agad siya.

"I-ian, ikaw pala. Anong ginagawa mo dito?" nagugulat kong tanong.

Tumikhim muna siya bago tumayo at tumingin muna siya kay kuya na nasa single sofa at ngumiti. Napakabait talaga ni Ian.

"nandito ako para sunduin ka" ngiti naman nito sa akin.

"Bakit san tayo pupunta?"

" Sa mall, magsusukat ka ng gown na bibilhin natin para sa JS prom remember?"

'ay oo nga pala, wait maliligo lang ako saglit ha." Sabi ko ng nagpapacute.

"Hehehe oo ba. Kahit habang buhay pa kitang hintayin" sabi ni Ian, sabay kindat sa akin.

"Sige, mabilis lang akong maligo." Patakbo ko sabi paakyat sa taas.

Hindi na ako nag patumpiktumpik pa, binilisan ko ang pag ligo at ang pag bihis. Hindi na ako na mili kung ano ang susuotin ko dahil kaunti lang naman ang pang alis ko. Puting t-shirt, at navy blue na jens naman ang sa pang ibaba ko.

Naglagay ako ng kaunting pulbos sa mukha at nilabas ko ang tinatago tago kong liptint. At nag lagay ng kaunti sa mga labi ko para mag karoon ng kaunting buhay. Napangiti ako sa harap ng salamin ng makita kong okay naman ang mukha ko kaya pinulut ko na ang eyeglasses ko at isuot ito. Dali dali na akong bumaba.

Nakita kong kausap ni kuya si Ian. Seryosong seryoso. Aba baka pinapagalitan niya si Ian kaya patakbo akong lumapit sa kanila.

"Kuya" tinignan ko si kuya ng masama na sa Parang iyon sinasaway ko siya.

Ngumiti si kuya Ralf na bumaling sa akin at tinapik ang balikat ni Ian.

" mag iingat ka, okay." Sabi ni kuya sa akin.

"Oo naman kuya Ralf hindi na ako bata." Pangiwi kong sabi.

"Tara na?" nakangiti namang sabi ni Ian.

"Tara." Excited kong sabi.

"Ingatan mo ang kapatid ko ha! Lagot ka sa akin pag may mangyari sa kapatid ko Ian."sigaw ni kuya kay ian

Just You and Only You(On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon