Sakit sa puso

36 24 1
                                    

Jane's POV

Ano kaya ang ginagawa ni AJ na to kanina pa tong halimaw na to..hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko kung kikiligin ba ako o maiinis sa ginagawa nya sakin hay, my gusto yata to sa akin ehh noh.hello kami lang dito sa bahay baka ano pang mangyare sa amin??hahaha as if naman mag kagusto sya akin ..asa lng ako ..

'hoy ano ba, lumayo layo ka nga sa akin.-'  sigaw ko nga sa kanya ,problema nito hay.

'oh bakit ka ulit na mumula??- seryoso nyang tanong sa akin.

' paki mo ba, ang init kaya hinarangan mo ang electric fan ko.'- hay naku naman na bakit kase ako namumula.

Subrang bilis nang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit. Baka may sakit ako sa puso? Nagpatuloy ako sa panonood kanina lang tawa ako ng tawa ngayon hindi na ako makatawa dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.

'Dito na ako' sa wakas at nandito na ang kuya ko.

' tagal mo naman anong oras na oh mag 9:30pm na.' sabay tayo ko para salubungin sya.

' nagkaroon lang ako ng raket sayang naman kase.' sabay tingin kay AJ na nakatulog na pala sya hindi ko man lang namalayan dahil busy ako sa pag papakiramdam sa bilis ng tibok ng puso ko.

'tulog sya?' tanong ko. Kahit nakita ko namang natutulog talaga sya. Para syang sanggol kung matulog.

'nag basketball ba yan kanina?' tanong ni kuya habang tinatanggal nya ang kanyang sapatos at midyas.

'oo kuya nag isang game sila kanina, bago kami umuwe.' sabi ko habang nakatingin sa pasalubong nya para sa akin.' wow, cake (。♡‿♡。). ' nag hugis puso talaga ang mga mata ko dahil paborito ko talaga cake at strawberry cake yun. Napalunok ako ng dalawang beses sa subrang takam.

Nag madali ako pumunta sa kusina para mag hiwa ng cake at nilagay ko sa platito kinuhaan ko na din si kuya at si AJ.

'ang sarap' sabi ko nang matikman ko ang strawberry cake.

'tss parang yan lang eh' nagulat akong lumingon nandon sa gilid ng pintuan si AJ nakasandal.

'gusto mo?' alok ko sa kanya, wala akong gana makipag away dahil sa sarap ng cake nato.

Lumapit sya sa akin at kinuha ang dalawang platito para dalhin sa sala.
Kaya sumabay nalang ako sa pag labas nang kusina.

'dito ka nalang matulog AJ sa dating kwarto.' tinutukoy nya ang kwarto na katabi nang sa akin.

'bakit doon kuya don nalang sya matulog sa tabi mo o kaya sa kwarto nila mama dati.' pag prutista ko sa kanya.

'Hindi pwde sa kwarto ko pagod ako baka madaganan ko na naman sya sa pag tulog ko.' natatawa nyang ngiwi ng labi.' at hindi pwde sa kwarto nila mama may mga gamit doon nakaimbak di ba.'

Oo nga pala nag linis kami nong isang araw lang. Kaya tumingin ako kay AJ nagulat akong nakangisi sya na masama ang tingin nya sa akin.

'ano!?' sigaw ko sa kanya na nag hahamon.

' assuming talaga tong kapatid mo pre.' tawa nyang turo sa akin na nakay kuya ang tingin.

'masanay ka nalang pre matagal na syang ganyan.' tawa din ni kuya habang kumakain ng cake.

'ewan ko sa inyo.' sabay tayo ko at bumalik sa kusina para kumuha pa ng isang slice ng cake. At pumanik na ako sa taas para doon kumain sa kwarto.

'makanood nalang nya ng attack on titans, naku nahuhuli na ako sa panood ko may final season na pala.' sabi ko sa sarili ko habang binubuksan ng laptop ko na binili ni kuya. Second hand lang ito pero maganda pa din naman.

Oo mahilig akong manood ng mga anime, natapos ko na ng ang hunter x hunter. Yung Demonslayer pati sa manga natapos ko na din basahin, ang naruto hindi ko pa natatapos dahil sa dami ng projects ko. Marami na akong napanood na anime hindi ko na matandaan kung ano ano na ang mga title non.

Wala naman kase akong assignment kaya pwde akong manood ngayon. Kahit isang episode lang. Nang malapit ko nang matapos ang isang episode nagulat ako dahil may kumatok sa pintuan ko.

'sino yan!?' sigaw ko habang pinuss ko ang pinapanood ko.

'ako to' si AJ ano na naman kailangan ng kumag na to. Kaya dali dali akong lumapit sa pinto at binuksan ito.

'bakit akong kailangan mo?' inis kong tanong sa kanya.

'may period ka ba? Ang sungit sungit mo ah.!sigaw nya sa akin aba aba ang lalaking ito.

' at ikaw hindi masungit!?' sigaw ko din sa kanya. ' bakit ano ba kailangan mo? ' . Tanong ko ulit sa kanya.

'nakikishower sana ako' nahihiya nyang paalam.

'aba bakit dito my shower naman sa kwarto mo ah.' inis na tanong ko.

'walang tubig ang shower nyo don' kunot noo nyang paliwanag.

'ganon ba, di dapat doon ka kay kuya pumunta.' nakapamiwang kong sabi.

'tulog na sya.' panlulumo nyang sabi.

'haisst, sige na nga bilisan mo ha.' sabi ko habang pabalik sa laptop ko para ipag patuloy ang pinapanood ko.

'ano yan?, Attack on titans ba yan?' silip nya sa laptop ko.

'ano ba yan akala ko ba maliligo kana!?' padabog kong sigaw sa kanya. Subrang lapit nya sa akin ngayon lang talaga sya ganito sa akin.

Dati naman hindi sya ganito lage nya nga akong iniiwasan na para bang may sakit ako.

'oo na ito na liligo na ako' sabay alis at pumasok nag Cr.

'bilisan mo!' sigaw ko sa kanya. 'bagal bagal.' bulong ko naman sa kanya.

Sa subrang tagal nya sa Cr. Ay nakatulog ako sa table kaharap ng Laptop ko.
Nagising lang ako dahil malamig na dumapo sa pisngi ko.
Pag mulat ko mukha ni AJ ang agad  na nakita ko. Tumuluto pa ang tubig sa kanyang buhok. Kaya napatulala ako sa subra nyang hot nyang mukha.

'ang gwapo ko ba?' tanong nya.

'oo' bigla kong sabi. Pero natauhan ako sa sagot ko kaya napatayo ako at pumunta sa kama ko. ' lumabas kana! Sigaw ko sa kanya. Napatalukbong ako ng kumot sa ubrang hiya.
Narinig ko syang tumawa bago lumabas. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

To be continued**

Hello po sorry po dahil subrangggg tagal kong makaupdate. Sana basahin nyo pa din ang ginawa ko. Thank you po wag nyo pong kalimutang mag vote, comment at follow (◍•ᴗ•◍)❤.







Just You and Only You(On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon