Kabanata 15 - Sweet

6 3 0
                                    

Jane’s POV

Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni AJ kanina. Babe? Nakadalawa na sya ah.

Later Babe?huh!

Napangiwi akong tumingin sa labas ng sasakyan dahil hindi ko talaga kayang tignan si AJ. Lalo na ngayon na pakiramdam ko mas gumagwapo sya pag nagmamaneho.

Ang mga ugat nya sa braso papunta sa likod ng palad at sa mga mahahaba nyang daliri ay subrang nakakaakit talaga. Dumadagdag lahat nang iyon sa nakakaakit na kagwapohan nya. May kung anong bumara sa lalamunan ko kaya napalunok ako.

Ahhhh no! Jane focus!

Umagang umaga iyan na iniisip mo.  Umiling nalang ako para mawala ang kung ano man ang laman ng isip ko.

“Ano iniisip mo?” mahina ng tanong ni AJ.

“Ha? Wala ahh. Magmaneho ka nalang dyan wag mo na akong pansinin.”pailing iling kong sabi pero sa kalsada pa rin ang mga mata ko.

Narinig ko syang tumawa ng mahina.

Shit naman!
Pati tawa niya nakakaakit na ngayon?  Kunot noo ko syang tinignan para isipin niyang naiinis ako sa kanya.

“Come on, don’t deny it. Alam ko namang iniisip mo ang halik ko sayo kagabi.” Ngisi nyang sabi. Tinignan nya ako saglit at itinuon nya na ang mata sa kalsada.

“Huh! Ang kapal talaga! Ang hangin!” ngumiwi ako dahil naaasar na talaga ako sa kanya.

Tumawa sya at hindi na nag salita. Naging tahimik na ang aming beyahe papuntang school.

Nagsalita lang sya nang namataan si Ian sa di kalayuang coffee shop na kasama ang mga barkada nya na lalaki at babae malapit sa school.
Hindi ko lang maintindihan kung pano naging mag Bestfriend ang dalawang ito.

“What’s your plan about Ian?”

“Basta akin nalang yun. Wag mo na akong intindihin okay.”Sabi ko sabay irap. “Thanks for the ride. Una na ako.” 

Bumaba na ako ng sasakyan niya at inayos ng kaunti ang sarili.
Bumaba din si AJ at nilapitan ako. Napatingala ako at tinaas ang mga kilay ko.

Ano na naman ang problema ng isang to?

“Don’t stress out, okay. Take care Babe.” Seryoso niyang sabi.

Babe? Na naman?

Natawa ako ng bahagya. “Really? Babe? Nakailang Babe kana ahh. Are you joking?” naiirita kong tanong.

Hindi ko alam kung bakit ako nainis bigla baka dahil naalala ko ang mga sinabi ni Ian kahapon o dahil wala akong tulog halos?

“ I’m not joking, I’m dead serious.” Mas seryoso nya pang sabi habang nakakatitig sa aking mukha.

Seryoso nga sya. Ang mga nakakatakot niyang mata ay seryoso akong sinuri kong kukuntrahin ko pa ba ang sinabi niya. 

Umiwas nalang ako ng tingin at tumikhim.

“Sige na malalate na ako sa klase.”
Nakaalis na ako sa harap nya.

Pero pakiramdam ko natutunaw pa din ako. Dahil pakiramdam ko nakatitig pa rin sya sa akin hanggang ngayon.

Haist! Kainis bakit pa sya ganyan ngayon.

Nang papasok na ako sa classroom tumunog ang phone ko. Text iyon galing kay AJ.

Andrew: Let’s have dinner together. Gagabihin daw ang kuya mo mamaya dahil sa last project nila ngayong sem.

Oo Andrew ang nakalagay na pangalan ni AJ sa phone ko ang cool kase pag Andrew hehe.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 07, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Just You and Only You(On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon