Chapter 23- Is it over?

132 2 2
                                    

C/n : Hello po sa inyo!! Salamat sa mga nagbabasa neto, pero sana po mag vote and comment kayo. *O* nananalig akong may nagbabasa neto kasi may mga nagp-PM sa akin na sana daw mag Update ako dito and may nag comment sa iba kong story. Kaya PLEASE sana dito niyo ilabas yung support niyo sa story na to ^_____________________^ hihihi. So eto na po ang update.

Sybil’s POV

[What?? Andiyan din si Yuna at Cyrus?!]

“Yes, kaya nga gusto ko ng umuwi at ang malala pa close si Sky kay Paula.”

[Oh? Sino naman yang Paula na yan?]

“A-anak ni Yuna at Exekiel. You know, ngayon alam ko na kung bakit biglang nawala si Exekiel nun, may relasyon pala sila ni Yuna at nagkaron sila ng anak.”

[Eh gago pala talaga yang si Cyrus eh! Sa buong panahon na andun siya sa inyo, sa mga panahong may relasyon kayo eh lumalandi pala siya sa iba and the worst nagka-anak pa siya dun?? Grabe! Oy kaya ikaw ingat ingatan mo yang si Sky at wag na wag kang magpapahalata kay Cyrus about kay Sky, okay?] after ng sinabi ni Jenna pinatay ko na yung tawag.

Nakakapanghina ng tuhod ang mga nangyayari ngayon. bakit kasi nagkita pa kami ulit ni Exekiel.

Pero kelangan kong magtiiis, para kay Andrew kelangan gawin ko ang lahat para hindi niya mahalata na si Exekiel na bestfriend niya ang ex ko.

Bumukas yung pintuan at nakita ko si Andrew na pumasok. Haaaaaaay.

“May problema ka ba? Bakit di ka pa natutulog?” tinignan ko si Sky na mahimbing ng natutulog.

“Hinihintay lang kasi kita. Sabay na tayo matulog” napangiti siya sa sinabi ko. Sumingkit yung mga mata niya.

“Naks naman, sweet ng girlfriend ko. Sige sige, shower lang ako sandali tapos matutulog na tayo” lumapit siya sa akin saka ako hinalikan sa noo at pumasok sa banyo.  Humiga na ako sa kama saka mahigpit na niyakap si Sky.

“Hinding hindi niya malalaman na nagkaron kami ng anak. Hinding hindi ka niya makukuha sa akin, anak” masakit ang napagdaanan ko ng mawala siya, mas hindi ko kakayanin pag si Sky pa ang nawala.

**********

*smack* *smack*

“Hmmm.” Ano ba yun, parang may humahalik sa akin? Tsk.

*smack* “Babe gising na” *smack*

Babe?!

Dinilat ko na yung mga mata ko at nakita ko si Andrew na malapad ang ngiti.

“Hmmm, kaw pala yan. Kala ko kung sino” biglang kumunot yung noo niya.

“Ha? bakit may iba ka bang ineexpect na hahalik sayo?!”

O____________O

“Ouch!!”

“Sorry!!” waaaaaah!! Bigla ko kasi siyang nasampal!! Yung totoo, bigla akong kinabahan sa sinabi niyang yun. At sino naman ang ineexpect ko? Psh.

“Ouch, jinojoke ka lang naman eh” pagkatapos eh umupo siya habang himas himas yung pisngi kung saan ko siya nasampal.

“Eh kasi naman, bakit ganun yung biro mo? Diba nga sabi nila biruin mo na ang lasing wag lang ang bagong gising?! >.<”-ako.

“Eh kasi yung tanong mo, parang may iba kang gustong humalik sayo bukod sa akin at kay Sky. Siguro nanlalalaki ka sa panaginip mo noh?”-Andrew.

“Tumigil ka na nga diyan, nakakainis ka.”-ako.

“Ako pa nakakainis? Ako na nga tong nasampal mo eh. Ang sakit, tsk tsk baka mamula tong pisngi ko”-Andrew.

Hala naman!! Nakakakonsensya!! >.<

Lost in my worldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon