Chapter 1-Sybil Sydra Alejo

409 8 3
                                    

            Ayun. Nakapag update din ng first chapter J sorry kung mejo lame ha, di bale bawi ako sa mga susunod na chapters J enjoy reading.

Sybil’s POV

“Isay apo! Gising na apo, kakaen na tayo ng almusal,bumangin ka na dyan at bawal pinaghihintay ang grasya.”

“hmmmm?? “ gumulong ako sa gilid ng papag ko para tignan kung anong oras na.

Alas-siyete na pala ng umaga.

“Sybil Sydra, hindi ka pa ba bababa diyan? Hindi lalakad ang pagkain papunta sayo!”

 “sandal lang ho lola, aayusin ko lang ho ung kwarto ko!”

Hala! Galit na si lola kong mahal

,binanggit na nya yung buo kong pangalan. Hehe.

Bumangon na ako tsaka tinupi yung kumot, pagkatapos nun,

pumunta ako ng banyo para gawin ang aking mga seremonyas sa umaga.

Nagpalit na din ako ng damit,

mahirap na, baka sabihin ni lola masyado kong kina-career ang pagtulog. Hehe. Simple

lang naman yung suot ko, short at tshirt lang.

Hindi niyo pa pala ako kilala, siguro alam niyo na ung buo kong pangalan, ulitin ko lang.

Ako si SYBIL SYDRA ALEJO. 17 years old. Mahaba yung buhok, maputi tska simple lang. Hindi ako yung tipo ng babae na sobrang palaayos.  Tapos na akong mag-aral,nagulat kayo siguro no? Vocational lang naman yung kinuha ko, yun lang kasi ung nakayanan nila lola. Pero ok lang yun saken, ang mahalaga may natapos ka diba?

Gaya nga ng alam niyo ngayon, si Lola Celia ang kasama ko sa “munting mansyon” namin. Dati kasi kasama namin si Lolo Andy at yung pinsan ko na si Gelo kaso nagpunta na siya ng Maynila para doon mag-aral. Si lolo naman, nasa heaven na.Tinutulungan ko si Lola sa mga gawaing bahay kasi alam ko na hindi na din niya kaya. Tsaka kami na lang yung magtutulungan, sino pa nga ba?

Si Lola Celia at Lolo Andy na yung nag-alaga saken simula nung iniwan ako sa kanila ng mga tunay kong magulang. Tama, hindi ko sila tunay na lolo at lola,pero, ramdam na ramdam ko yung pagmamahal at pagmamalasakit nila sa akin. Dati kasi silang nagtatrabaho sa mga tunay kong magulang bilang mga katulong

Pababa na ako ng hagdan ng sinalubong ako ni lola na nag-aalala yung itsura.

“Isay apo, bat ang tagal mong bumaba?may sakit ka ba? Masama ba pakiramdam mo?

Nilapitan ko si lola at niyakap

“hay lola, ano ba yang iniisip mo? Wala po akong sakit, at hindi din po masama yung pakiramdam ko, natagalan lang ho ako sa pag-aayos ng kwarto”

Tumingin ako sa lamesa at nakita ko doon ang mga pinakamasarap na pagkain na sa

umaga ko lang natitikman hehe, nagtitipid kasi kami para may makain pa kinabukasan.

Alam niyo ba kung ano un? Eto oh.

Teneeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeen!!!

Itlog na pula na may kamatis,

malalaking tuyo na may kapartner na suka na may bawang  as sawsawan

 at ang pinakamasarap na sinangag!!!

Pangkaraniwan na ba yan sa inyo? Pwes, saken hindi, although lagi ko syang nakakain,

iba pa din kapag luto ni lola =)

“hindi ka pa man din sumusubo apo eh busog ka na hahaha

“eeeh? Ganun po ba ako kahalata na sobrang natatakam sa luto mo lola? v^_^v”

“oo apo, eh tignan mo nga’t tumulo pa yung laway mo hahahaha”

Ako naman tong si curious ay hinawakan yung bibig ko..

“ eh lola! wala naman po eh” pout

“joke lang apo. Sarap mo kasing pagmasdan eh. Hay, ang laki mo na talaga, dati rati kami ni lolo mo, ang inihahanda lang sayo eh gatas! Tuwang tuwa ka na dun” sabi ni lola na mangiyak ngiyak, alam ko na nalulungkot pa din sya sa pagkawala ni lolo, biglaan kasi.

“hay naku lola, ayaw mo nun? Palagi ko ng matitikman ang iba’t-ibang luto mo?” sabi ko na lang para mawala ung lungkot sa kanya.

“Oo nga apo, para habang nabubuhay ako, maipagluluto pa kita at kelangang masaksihan ko ung araw ng pagkikita niyo ng mga magulang mo”

“hmmmm. Kumain na ho tayo la,”

 Hindi naman sa ayokong makilala yung mga magulang ko, siguro hindi pa ako handang harapin sila. Gusto ko muna sa ngayon ay makasama pa si lola ng kaming dalawa lang.

Lost in my worldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon