𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 𝐗𝐕: 𝐒𝐢𝐧𝐮𝐬𝐮𝐧𝐝𝐚𝐧

3 2 0
                                    

[ Mayo 04, 1986 ]
Malcolm

Hindi pa sumisikat ang araw, ngunit ramdam ko na ang init ng kapaligiran. Parang hinihila ako nito upang painitin pa ang aking ulo. Kahit ano pang gawin ng lahat ng tao sa buong mundo upang palamigin ang puso ko, ay hindi nila magawang magtagumpay. Puno na ito ng nagliliyab na galit para sa kaniya, sapagkat itinago niya ang natatanging sagot sa aking nag-iisang tanong.

Alam ko naman na hindi dapat magtatagal ng galit ko para sa aking ate na si Margo, ngunit hindi ko makakaya ang ginawa niya sa'kin. Kami nalang tatlo ang naiwan sa aming pamilya at ngayon ay tatalikuran niya ako? Dahil diyan ay napapag-isipan ko kung ano ba ang ginawa ko sa kaniya na labag sa kaniyang loob upang itago niya ang katotohanan sa pagkamatay ng aming ina, ngunit wala naman akong maaalalang maling ginawa sa kaniya.

Inaamin kong sobra na akong marahas kay Ate Margo, ngunit ano ang gagawin ko? Hindi ko kakayaning magpatawad sa kaniya kung punong-puno pa ng galit ang aking kalooban dahil sa kaniyang paglilihim na ginawa. Buong buhay ko ay malaki at malakas ang tiwala ko sa ate ko, na ako ang unang pagsasabihan niya ng mga problema at mga importanteng pangyayari ng kaniyang buhay, ngunit sa isang katotohanan lamang na kinakailangan kong malaman ukol sa aming ina ay hindi niya magawa?

Dahil ba ay natatakot siyang hindi ako maniniwala?

Dahil ba ay akala niya'y hindi ko maiintindihan?

O dahil ba ay sadyang makasarili lang talaga siya?

Mahinang buntong-hininga ang lumabas sa'king bibig bago ako bumangon sa sahig at dahan-dahang lumakad papunta sa pintuan ng warehouse. Lahat ng mga tao dito sa loob ay natutulog, at sa tingin ko ay hindi naman nila ako makikita at maririnig, kaya pinagpasya kong magpatuloy sa aking plano. Dahil patay na talaga ang aming ina, ay napagdesisyunan kong hanapin ang kaniyang bangkay upang makapag-usap lang sa kaniya kahit saglit man lang at ako nama'y babalik dito bago sumikat ang araw.

At baka sakaling magbabati na kami ni ate. Nawa'y kaya kong tanggalin ang galit sa puso ko.

Nang nakaupo na ako sa sahig, inabutan ko ng malamig na hangin, na siyang dahilan upang mayroong guminaw sa aking likod. Ramdam ko ang matinding pagtibok ng aking dibdib - para bang nananakot itong makalabas sa aking katawan. Ilang oras lang nang sinabihan ako ni Mae ukol sa pagkamatay ng ina namin ni Margo, at hanggang ngayon ay hindi ko kayang pag-isipan kung ano ang nangyari sa mismong pagbaril niya. Kahit na gusto kong malaman ang lahat kung paano nangyari ang buong sitwasyon, sa palagay ko'y kinakailangan kong umiwas sa kaniya dahil sa'king galit.

Hanggang ngayon ay naniniwala akong namamayapa na ang aking ina, ngunit matatawag ko bang namamayapa talaga siya kung marahas ang pagkamatay niya?

Ang mga galaw ko'y sobrang dahan, at sinisigurado kong wala silang maririnig na ingay mula sa aking mga paang hinahanap ang aking pares ng tsinelas. Nang nahanap ko na ang aking hinahanap, lumabas na ako sa warehouse at hinarap ang mundong tatlong linggo ko nang hindi nasisilayan.

Hatinggabi pa lang at ang mga ulap ay nababalot ng maitim na kulay, at tama ang aking hinala - walang mga bituing kumukuti-kutitap ngayong gabi. Siguro'y simula nang nagkagulo ang Pilipinas ay hindi na ninanais ni Bathala na magdidilig ng mga bituin sa pagsapit ng gabi. Kung hindi naman kasi demonyo ang presidente ng 1986, alam kong hindi ako aabot sa punto ng buhay ko na magiging rebelde ako upang hanapin ang bangkay ng aking ina at iiwan ang aking ateng walang kamalay-malay na nakalabas ako sa warehouse.

Alam kong mali ang pagbibigay ng punto kung sino ang may gawa ng sitwasyong ito, ngunit hindi ko maiiwasan eh. Sampung-taong-gulang ako nang nangyari ang lahat ng ito. Nakakatawa nga kung paano ko hinaharap ang mundong ito sa munting edad kong ito, dahil imbis na mayroong gumagabay sa'kin ay nagrerebelde ako.

MargoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon