Nathan
Hating-gabi na at patungo kami sa inaasahang destinasyon – ang warehouse. Buong buhay ko’y umuuwi ako na may kaalaman at tiwalang ligtas ako sa aking paglalakbay dahil sinisigurado kong makakauwi ako ng maayos. Ngunit ngayon, iba’t ibang emosyon ang dumadaloy sa aking sistema – para bang hindi ko maiiwasang tumingin sa aking likuran. Hindi lang ako dismayado sa kadahilanang wala akong maiuwi na importante pabalik sa warehouse, kundi dahil dinadala namin ni Emman Ruendes ang isa sa mga dating hinahangaan ngunit ngayo’y kinatatakutang pulis.Nawa’y patawarin ako ng Panginoon sa aming ginagawa dahil sa awa, at nawa’y tatanggapin pa rin ako ng aking mga kaibigan, lalo na kay Margo.
“Sir.” Sabi ni Emman sa aking tabi.
Napahinto kami sa paglalakad at biglaang huminga ng malalim dahil sa tensiyon.
“Alam niyo, kung hindi niyo talaga kaya, maaari niyo naman akong iwanan. Total, ako naman ang isa sa mga nagbibigay-kaguluhan sa bansang ito.” Sagot kaagad ng pulis. “Hindi ko nga nasabi ang aking pangalan sa inyo. At isa pa, mga munting bata pa kayo upang subukang tulungan ako. Ayokong maging isang kapahamakan sa mga kinabukasan niyo. Hindi ko alam kung ang mga posibilidad sa sandaling mahanap ako na kinakasama kayo.”
“Eh, anong pangalan mo?” Tanong ko sa kaniya.
“Gregorio Torralba.” Sagot ng pulis. “Ngunit Greg ang palayaw ko. Pero hindi na tayo magkikita pa muli, at hindi niyo na maririnig ang pangalan ko. Kaya aalis nalang ako upang hindi kayo mapapahamak.”
“Ako si Emman at ito naman si Nathan.”
Tatalikod na sana siya nang biglang sumagot si Emman. “Hindi ka naman namin pinapaalis eh.” Dahil doon, binalik ni Greg ang kaniyang atensyon sa amin. “Ngunit kung gusto mo talagang umalis ay wala namang problema sa amin doon. Hindi naman kami ang nagkasala simula no’ng petsa trese.”
“Bihira nga ang tutulong sa’yo pero pagtulong ba ‘to, Emman?” Tanong ko kay Emman na siyang dahilan upang umiling siya. “Kinakailangan mong protektahan kami, lalo na ang iyong sarili.”
Umabot ang kaniyang mga kilay. “Wala kayong inaasahan?”
“Ah, meron naman. Ang mamatay, ganoon.” Biglang sagot ni Emman.
Alam kong mayroong halong biro ang kaniyang sinabi ngunit dahil sa sitwasyon ngayon, wala akong gana na tumawa. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko na mayroon nang napapahamak sa buong Pilipinas at may lakas ng loob pa akong tumawa sa mga sinasabi ng aking kaibigan.
Isang simangot ang pumorma sa mga labi ng pulis. “Pasensya na kayo.”
Ni isa sa amin ni Emman ang kusang-loob na sumagot sa sinabi ni Greg Torralba, kaya napagpasiya nalang naming muling lumakbay patungo sa warehouse. Dahil doon, sumunod nalang ng kusa ang pulis sa aming likuran; ang mga butil ng pawis ay tumutulo sa likod ng aking leeg dahil sa hindi mawawalang tensyon. Mapapansin kong ang linis ng buong paligid ng Downtown, kaya napagpasiya kong magtanong sa pulis.
“Bakit ang linis?”
“Kinukuha kasi namin ang mga napaslang ayon sa listahan ng Presidente.” Sagot ni Greg, at biglang humugot ang aking puso. “Kung ang isang mamamayan ay napaslang ayon sa listahan, kinakailangan siyang dalhin sa Palasyo.”
“At ano ang ginagawa ng Presidente sa mga katawan pagdating sa Palasyo?”
“Ang pinakauna at pinakahuling nakita ko sa kaniya ay kinukuha niya ang mga dugo at iniinom ito.” Mahinang sagot niya.
“Ganon ba? Dahil isa ang ina ko sa mga pinaslang niyo.” Sagot ko sa kaniya. “Sana tatanggapin ka pa sa langit, Greg.”
Dahil sa aking sinabi, wala na siyang sinagot. Mabuti naman.
BINABASA MO ANG
Margo
Ficção Histórica"Anong musical piece ang pinakagusto mong tugtugin?" Tanong niya sa'kin. Habang sinusubukan kong makawala sa mga lubid na nakagapos sa akin, ako'y sumagot, "Adagio." At dahil sa aking matinong sagot, hindi ko alam na ayaw niya pala iyon. Pero nakiki...