EPISODE 44

303 22 2
                                    

"ANG NAKARAAN "

Sa Ayden, sa kaharian Harte... 

Ito ang kwento kung saan sinalakay na ng mga tauhan ni Hex ang Kaharian ng Harte.

"Mahal na Reyna, anong Plano mo sa kambal?" Tanong ni Via.

"Naitago na ni Selena si Samuel sa Mundo ng mga tao." Masakit man ang desisyun na ginawa ni Reyna Anya pero kelangan nyang ipaghiwalay Ang kambal.

"Si Samantha bakit nasa Jamais pa si Samantha?" Tanong ni Via.

"Yun na nga, kelangan ko nang tulong ninyo. " Sabi ni Reyna Anya.

"Alam ko kung saan itatago Ang anak mo Mahal na Reyna." Sambit ni Via.

"Saan Via? " Tanong ni Reyna Anya at biglang nagsibagsakan ang mga natibag na pader sa kinalalagyan nila mabuti nalang at dumating si Dalikamata.

Gamit Ang kapangyarihan ni Dalikamata. Sandali nyang pinahinto Ang oras.

"Hindi magtatagal Ang aking kapangyarihan, tungkol sa anak mo? Handa ang Kanlaon na itago si Samantha. Napag-usapan na Ito namin ng mga diwata. " Sabi ni Dalikamata.

"Kung ganun, yun nalang ang tanging gagawin natin Mahal na Reyna. Para mailigtas si Samantha." Sabi ni Via.

Agad inabot ni Reyna Anya si Samantha Kay Dalikamata.
Nang nasa kamay na ito ni Dalikamata...

"Sandali bibigyan ko ng basbas Ang bata!" Sabi ni Via.

Inilabas ni Via ang nakuha nyang buhok Mula Kay Herald.
Inilagay nya ito sa Ulo ni Samantha...

"Binasbasbasan Kita munting prinsesa ng Harte. Inu hasre senduja erco alvia Santi Herald Abiya. ( Dugo sa dugo, walang ano mang o Sino mang makaka panakit saiyo kahit na Ang iyong sariling ama!)

Pagkatapos bigyan ng basbas ni Via si Samantha, walang inaksayang oras si Dalikamata. Gamit Ang kanyang kapangyarihan ay agad itong nag laho.

Isang kawal naman ang lumapit kina Anya at Via.

"Mahal na Reyna, bagsak na kanlurang bahagi ng palasyo. Maging Ang mga kaanib ng mga kaharian. Ay nasakop na. " Ulat ng kawal sa kanya.

" Sandali, kelangan kung puntahan si Aira." Sambit ni Via ngunit pinigilan sya ni Selena.

"Ligtas na Ang mga prinsesa at prinsepe ng apat na kaharian. " Sabi ni Selena habang Dala Niya sina Liam, Joshua, Aira at Xavier.

"Nasaan Ang kapatid kung si Zandro?" Tanong ng Batang si Xavier.

"Wag kang mag-aalala Xavier hahanapin natin si Zandro." Sabi ni Anya.

Humangos namang nag tungo ang sugatang kawal.

THE LAST ELEMENT (M2M-Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon