EPISODE 38

370 29 0
                                    

"APOCALYPSE PART 1"

ANG NAKARAAN...
"Hindiiiiii!!!!" Isang malakas na Sigaw ang pinakawalan ni Sam at dahil dun nagsiliparan ang mga kawal sa ibat-ibang bahagi. Dahil din dun agad nag kumpas ng kamay si Aira at nag usal ng isang salita..

ANG KARUGTUNG...

Tuluyan nang nagbukas ang lagusan ng Jamais papunta sa mundo ng mga tao. Kasabay din nun ay ang panghihina ni Jenna.

"Hindi! Hindi! Ate Jenna! Lumaban ka!" Sabi ni Tyler.

Habang abala ang lahat, ay nagkaroon ng pagkakataon sina Jake, Theo, Ian at Chad.

"Naloko na!" Sabi ni Ian.

Nagbabago ang mukha ni Jenna, bumabalik ito sa anyo ni Prinsesa Selena ng Aera.

"Jenna nararamdaman Kung nanghihina na ang iyong Dunggan. Anong nangyayari?" Sabi ni Selena.

Dunggan, means kalukuwa.

"Hindi na ako magtatagal, Kelangan ninyong pigilan si Sitan." Sabi ni Jenna habang papalit-palit ang mukha nila ni Selena.

"Alam ko namang hindi magandang Idea ang plano mong pagsanib sa katawan ng Prinsesa. " Sabi ni Katalina.

"Sandali wag na kayong mag away. Kung sa mga oras na ito ay nasa mundo ng mga tao si Hex. Susundan natin sila doon. Minsan na natin silang natalo. At matatalo din natin sila ngayon." Sabi ni Tyler.

"Sang-ayon ako kay Tyler." Sabi ni Jake.

"Kung ano man ang plano ninyo sasama ako!" Sabi ni Selena.

"Nasaan na ang Dunggan ni Jenna?" Tanong ni Katalina.

"Nasa katawan ko pa din sya pero di maganda ito. Nanghihina sya. Hindi ko alam hanggang kelan ang mahikang inilagay ko." Sabi ni Selena.

Samantala sina Aira naman ay natigilan sa kanyang ginagawang pag usal ng dasal ng biglang may isang matigas na bagay ang tumama sa kanyang batok.

"Aira! " Sigaw ni Liam.

Nang lingunin nila, nakita nila na nawasak na ang kalasag na ginawa ni Liam.

"Hindi nyo ba naalala may kakayahan ang bracelet nato na maka tagos sa mga mahihiwagang Kalasag? Hindi lang niya kayang sangga-in mga atake ninyo. Kaya ko din kayong patayin gamit ng palaso ko!" Sabi ni Samantha.
Sabay itinutok ang isang pana na may gintong palaso.

Tumayo si Xavier at tangkang labanan nya ang babae ngunit pinigilan sya ni Samuel.

"Wag kayong mangingialam! Laban namin ito!" Sabi ni Samuel at agad nagbago ang kanyang anyo.

THE LAST ELEMENT (M2M-Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon