"KAMBAL na BUWAN (Part3)"
ANG NAKARAAN,
Nakita na nina Samuel si Julio At ano naman kaya ang papel ni Julio sa buhay ni Jules?ANG KARUGTUNG,
"Mag damit ka nga Li!" Sabi ni Sam sabay abot sa kaibigan ng isang tuwalya. Habang nanginginig na kinuha sa kamay ni Sam ang tuwalya.
Nilapitan sila ni Jules at tinanong si Liam.
"Ano ba kasi ang ginagawa mo dito? At bakit pa nangyari ang mga to!" Galit na tanong ni Jules.
"At akala ko ba Nana Ella sarado na ang pintuan sa kwarto ni Julio. Ano to? Bat nakalabas si Julio?" Naiinis na sabi ni Jules sa kanyang kasambahay.
"Anong klaseng nilalang ba sya? Siya ba ang pumapatay sa mga P.A mo?" Tanong ni Sam.
Sasagot na sana si Jules nang biglang sumulpot sina Aira, Xavier at Joshua.
"Dahil, nakipag sundo sya sa nilalang ng dilim!" Sabi ni Aira.
"Sino kayo??" Sigaw ni Nana Ella.
"Ilabas mo ang halimaw sa buwan!" Sigaw ni Xavier.
Habang si Joshua naman ay agad nyang nilapitan si Sam at kinamusta.
"Mahal ayus ka lang ba? Nasaktan kaba?" Pag-aalalang Tanong ni Joshua.
"Ayus lang ako Josh. Si Li~" Nang Lingunin nya si Liam ay bigla itong natumba at nangi-ngisay.
"Anong nangyayari! Li! Li? Naririnig mo ba ako??" Sabi ni Sam.
"Huli na tayo! Naging Alay na si Liam sa Kakambal ko!" Sabi ni Jules.
"Kakambal?" Sambit ni Sam.
"Oo, Kakambal ko si Julio!" Sagot ni Jules.
"Hindi mo sya kakambal Jules. Yan ang katangian ng mga Mahiwagang nilalang ng Jamais. Sila ang tinatawag na Alenca.
Isang nilalang na kumukuha ng dugo at Kaluluwa ng kanyang mga nibibiktima. Nanggagaling ang kanilang lakas at kapangyarihan sa Liwanag ng buwan!" Salaysay ni Aira at hinawakan naman ni Xavier ang noo ni Jules.Samantala...
Sa Jamais, sa kuta ni Binibining Selena.
"Masamang balita Mahal na Prinsesa, nasakop na ng mga alagad ni Hex ang kanlurang bayan ng Jamais. Kilala ang bayan na yun na tapat sa inyong yumaong ama. At ngayon ay...." Di natapos ang sasabihin ng kaibigan ni Selena ng biglang nakaramdam sya ng pag ikot sa kanyang paligid.
"Ayus lang ba kayo??" Tanong nito sakanya.
"May masamang nangyari sa mga tagapagbantay Hindi ito maari!" Sagot nya.
"Sino po sa mga prinsepe at Prinsesa?" Tanong ng kanyang kaibigan.
Sa Kaharian ng Harte...
"Nasa Mundo naba ng mga Tao si Zandro.?" Tanong ni Hex sa kanyang mga tauhan.
Lumapit ang kanyang tauhan na si Via.
"Kasalukuyang naghahanap ng paraan si Zandro. Ngunit hindi ko lubos maintindihan Panginoon kung bakit gusto nyo pa syang ibalik sa mundo ng mga tao.? Kung Alam mo na ~ Hindi na saatin ang katapatan ng Prinsepe ng Hestia.?" Sabi ni Via.
"Alam ko Via! Kaya nga pinalabas kita sa iyong kulungan upang maging mata at tenga ko! Sa oras na magbukas ang Lagusan. Sumama ka kay Zandro at Patayin mo ang Anak Nina Gerald at Anya. Sumunod ka sa plano natin!" Sabi ni Hex.
"Oo naman Panginoon! Oras na para makaganti sa anak ng aking mortal na kaaway!" Sabi ni Via sabay tanggal ng kalahating maskara na nasa kanang bahagi ng kanyang mukha.
BINABASA MO ANG
THE LAST ELEMENT (M2M-Completed)
FantasyHindi inaasahan ni Samuel na magbabago ang kanyang buhay, simula nang makilala niya ang apat na nagsasabing tagapagbantay ng apat na elemento ng kalikasan. At mukhang malaki din ang kanyang problema sa tagapagbantay ng Elemento ng Apoy na si Xavier...