"ANG PAGBUKAS NG LAGUSAN"
Nagising si Samuel dahil sa sobrang lakas ng pagkatok at galing ito sa pinto ng kanyang silid.
"Sino ba yan?" Mahinang sabi nya at inaantok pa.
Imbes na makatanggap ng sagot sa kumakatok ay mas lalo pa itong lumakas na syang dahilan upang bumangon sya at dali-daling binuksan ang pinto.
"Natutulog yung tao bakit ba?" Sabi ni Sam habang kinukusot nya ang kanyang mga mata.
Agad syang niyakap ni Joshua sabay halik sa Noo at sa labi.
"Oh! Mahal bat ang aga? Bihis na bihis kayo? Saan punta nyo? Ah oo nga pala sa misyon sandali mag bibihis ako. 2 minutes and I'm ready!" Sabi ni Sam.
"Hindi na! Pupunta kami sa Jamais upang tingnan ang kalagayan ng aming mga kaharian. Wag kang mag-aalala Mahal. Babalik din kami!" Sabi ni Joshua sabay yakap muli sakanya.
"Teka sasama ako! Gusto kung makita ang Jamais." Sabi ni Sam habang nagmamakaawa sa nobyo.
"Wag mo akong titigan ng ganyan. Hindi pa pwde. Wag kang mag-aalala maiiwan si ~" Hindi na natapos ang sasabihin ni Joshua nang biglang sumabat sa usapan nila si Xavier.
"Ako! Magbabantay nanaman ako ng alagain! At sya nga pala Josh, ikumusta mo ako Kay Ina at Ama. Balitaan nyo na din ako sa kalagayan ng Jamais." Sabi ni Xavier habang naka kunot noong nakatitig sa dalawa.
"Walang problema Xavier. Makakaasa ka! Nakiki-usap ako Haring Xavier. Paki bantayan mo ang aking irog. Sana ay hindi kayo mag away. Kasi kapag nangyari yan. Malilintikan kayo ni Aira. Nakakatakot magalit ang babaeng yun!" Sabi ni Joshua.
"Oo na ako na ang bahala sa Kutong ito!" Pang-aasar na Sabi ni Xavier at sabay Talikud sa dalawa.
"Hindi na ako magtatagal baka mabulyawan ako ni Aira. I love you babalik kami agad." Sabi ni Joshua at dahan dahan itong naglaho sa kanyang harapan.
"Sige I love you too. Kaloka? Bat kumakatok sya ngayon sa pinto dati sa dati kung bahay pumasok lang sya sa kwarto ko at ang Hot nya nun. " Sambit ni Sam habang inaalala ang una pagtatagpo ni Joshua. Kahit medyo mabilis ang mga nangyari.
Habang nakapikit sya ay tinusok ni Xavier ang kanyang noo sabay sabing...
"Manyakis! Anong lulutuin ko ngayon?"
Sa gulat ay napaatras si Sam at dahil dun nawalan sya ng balanse sabay natumba sa sahig.
"See? Ewan ko ba kung bakit napaka Lampa mo! Prinsepe ka pa naman ng Harte." Dagdag na pang aasar ni Xavier.
"Uy di ako manyak! Tska sino may sabing lampa ako!" Sabi ni Sam habang dahan dahan syang tumatayo.
"Eh halata naman, pagkatapos nyong maghalikan ni Joshua the Elf prince charming mo. Tinigasan ka kaagad. at halata masyado sa suot mong Boxer short. Sya nga pala. Magluluto ako nang pagkain natin. Dahil ako ang chep ako masusunod!" Sabi ni Xavier na may nabubuong plano sa kanyang utak.
"Hindi nga Chep. Mahirap ba bigkasin ang mga letter F? Chef nga!" Sigaw ni Sam.
"Wala akong paki. Bumaba ka na ng ilang minuto para maka Kain kana. Manyak!" Pang aasar ni Xavier sakanya. Na mas naging dahilan ng kanyang pagka inis sabay sarado ng pinto nya sa kanyang kwarto.
"Ang layo ng kapatid mo sayo, o Kung magkapatid man kayo ni Zee. Pero kung taga Jamais si Zee? May Alam kaya sya tungkol sakin?" Sabi ni Sam sakanyang isipan habang nakatingin sa Salamin.
At si Xavier naman ay nagsimula nang magluto.
"Lalagyan ko to nang napakadaming Sili. Tingnan natin kung di ka iiyak." Sabi nya habang hinahalo nya ang mga sangkap sa kanyang mga niluluto.
BINABASA MO ANG
THE LAST ELEMENT (M2M-Completed)
FantasyHindi inaasahan ni Samuel na magbabago ang kanyang buhay, simula nang makilala niya ang apat na nagsasabing tagapagbantay ng apat na elemento ng kalikasan. At mukhang malaki din ang kanyang problema sa tagapagbantay ng Elemento ng Apoy na si Xavier...