Chapter 5
Pareho kaming nakaupo sa picnic cloth na nasa grass at naka-lean against the tree. Tama sya, mas maganda nga dito kapag madilim. Yun nga lang, ang tahimik dahil kami lang ang tao. Tinanong ko nga kanina si Steven kung bakit nya ni-rent ang park pero hindi sya sumagot, but I conclude he did it for a purpose; para walang ibang taong makakilala sakanya at hindi sya pagkaguluhan.
Pinaalam nya din ako sa Mommy ko kanina na hanggang 9:30pm daw kami. Ang eksena pa nga ng nanay ko kanina kasi tuwang-tuwa at KILIG NA KILIG sya. She even whispered to me the moment Steven was busy on something na,"Naks, baby gurl, may love life ka na."
"Sani?" Pagtawag ni Steven sa pangalan ko matapos ang mahabang katahimikan. Nag-star gazing kasi kami.
"Hmm?"
"Di mo ba talaga ako natatandaan?" Mula sa pagkakatingala sa langit, nabaling ang ulo ko sa kanya.
"Huh? Natatandaan? Bakit? Naging ex-boyfriend ba kita?" Umayos ako ng upo para matignan sya ng maayos. "Bakit di mo manlang sina--- ARAY!" Napasigaw ako kasi bigla nyang pinitik ang bibig ko. Hindi naman sya malakas. OA lang talaga ako.
"Three years ago. The night you were crying because you were afraid in dark and you were lost."
Napaisip ako saglit. Hinding-hindi ko makakalimutan iyon dahil doon nagsimula ang pagiging OA ni Mameh kapag nawawala ako. That was really one of my unforgettable moments dahil first time kong mawala sa tabi ni Mameh at feeling ko hindi na nya ako mahahanap.
"I couldn't forget that scene. Bakit at paano mo nalaman ang tungkol doon?"
"Ako lang naman kasi yung nakasama mo that time."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya, "I-Ikaw? Edi ikaw din ang lalaking di ko kilala na nagbigay sa'kin ng teddy bear?"
Tumango sya habang nakangiti.
* Flashback *
Kakalabas lang namin ni mameh ng simbahan dahil simbang gabi. Sobrang dami ng tao at siksikan pa kaya napabitaw ako sa kamay ni mameh. Hinanap ko sya pero sa sobrang dami ng tao, di ko sya makita. Naglakad pa ko ng naglakad at naglibot-libot hanggang sa may makita akong babae na kaparehas ng damit na suot ni mommy.
I followed her assuming she's my mom. Paulit-ulit kong tinatawag ang pangalan nya habang naglalakad at patuloy sa pagsunod sakanya pero ni hindi manlang sya lumingon. Maya-maya, namatay ang mga street lamp. Nakarinig ako ng samu't-saring reklamo, tilian, artihan at landian ng iba't-ibang tao. Karamihan ay ginamit ang mga cellphone nila biglang flashlight sa dilim.
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil takot ako sa dilim at natatakot din ako sa iniisip na baka hindi na ako makita pa ni mommy at mapasama ako sa bilang ng mga babaeng lansangan. No! I cried thinking that thought.
Maya-maya, unti-unting humihina ang ingay na naririnig ko hanggang sa tuluyan na itong nawala. Wala na rin akong mga ilaw ng flashlights na nakikita sa paligid. Lalo akong natakot at naiyak.
Napaupo ako sa kinatatayuan ko at niyakap ang mga tuhod ko atsaka binaon ang ulo ko doon.
Ilang minuto ang lumipas, naramdaman ko nalang na may lumapit saakin. "Miss, okay ka lang?" Tanong pa nya at nung inangat ko ang ulo ko para makita sya, nasilaw ako kasi nakatutok mismo sa mukha ko ang flashlight na hawak nya.
Agad ko namang tinakpan yung mata ko gamit ang aking mga kamay dahil ang sakit sa mata ng ilaw, "Ano ba yan, kuya! Bubulagin mo ba ko?" Di ko alam kung paano pa ako nakapagreklamo sa kabila ng sobrang takot na nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
My Idol's Identical Twin (PUBLISHED)
Fanfiction[Former and a revised version of Stephen's Identical Twin.] Anong feeling na one day mabunggo mo ang super duper idol mo--- scratch that. Anong feeling na one day mabunggo mo ang KAMBAL ng super duper idol mo?