Chapter two

5.3K 100 6
                                    

Chapter 2

Naramdaman kong huminto na yung kotse pero di ko alam kung nasaan na kami. Ni hindi ako tumingin sa labas para malaman kung nasaang lupalop na kami ng earth. Nakatitig pa rin kasi ako sakanya.

"You already staring at me for about an hour. I'm afraid I might melt."

"EhKasiNamanKlevenCruzDiMoBaAlamNaCrushNaCrushKi---" natigilan ako sa walang-prenong pagsasalita ng halikan nya ko.

"Ang ingay mo," sabi pa nya. Kyaaaaah! Hinalikan ako ni Kleven my loves!

Lord, maraming salamat po. Sobra-sobra po itong blessing na natanggap ko ngayong araw na ito. Promise po magpapakabait na po ako. Di na po ako manghihingi kay Mommy ng pera na kunwari ay para sa project sa school pero ang totoo ay para lang sa mga posters at banners ni Kleven. Uunahin ko na rin pong gawin ang mga homeworks at projects ko kaysa sa pagstalk kay Kleven my loves. Hindi ko na rin po aawayin ang mga babaeng makaangkin kay Kleven my loves ay wagas na wagas. Hindi ko na rin po lalaitin ng bonggacious ang mga guy haters ni Kleven. Kakaibiganin ko na rin po ang mga karibal fans ko kay Kleven. Maraming salamat po talaga.

Ay teka lang po. Tutal nagsabi na po ako ng mga resolutions ko, favor naman po. Pakibulong po kay Kleven my loves na halikan nya ulit po ako. Hihi!

"Oh, sampalin mo ko," nagtaka ako nang iharap sa'kin ni Kleven ang kanang pisngi nya.

"Huh? Bakit kita sasampalin?" Kung nagtaka ako kanina, mas nagtaka sya ngayon dahil sa sinabi ko.

"I"m a stranger and I kissed you. You have to slap me." Natawa naman ako sa sinabi nya. Sya lang ata ang lalaking nakilala ko na gustong magpasampal matapos maka-score.

"Hindi ka naman stranger eh. Kilala kaya kita, Kleven Cruz. Idol nga kita eh," I giggled as I pinched his cheeks. Umi-FC ako, I know.

Napailing naman sya kaya tinanggal ko ang mga kamay kong pumipisil sa pingi nya. Akala ko nainis sya sa ginawa kong pagpisil sa pisngi nya pero.... "Iba talaga charm ng kambal ko." H-hanu daw?

"K-kambal?"

"Yep. I'm his identical twin brother." Eck? Ayan yung wish ko kanina, diba? Natupad?

"I know what you were thinking. Hindi nagkaroon ng magic at lumitaw nalang ako bigla dahil sa hiniling mo kanina. Nineteen years na kong kambal ni Kleven and that is real. Sorry pero hindi ko maiwasang matawa nang marinig ko ang hiniling mo," he grinned. Di ko alam kung maiinis ako sa dahil pinagtawanan nya ko o ano.

"Lokohin mo lelang mo! Ikaw yan, Kleven Cruz eh. Wag mo nga kong pinaglololoko. Wag kang mag-alala, hindi ko ipagkakalat sa media na may dini-date ka maliban kay Jamie." I joked then followed a chuckled. Narinig ko rin syang tumawa ng mahina.

"Believe me. Sinabi rin kaya sa showbiz news ang tungkol saakin before."

Tinitigan ko ang buong mukha nya. Parang may naalala akong ganung issue pero ang hirap talagang maniwala. Baka gumagawa lang yan ng alibi.

"Still not satisfied?" Tumango ako sa tanong nya. Nilabas nya ang black leather wallet nya mula sa bulsa ng jeans nya. "Here," nilapit nya saakin ang wallet at may ipinakitang picture. Picture ng dalawang kambal na bata.

"Wow! Ikaw yan, diba Kleven?" Amaze na sabi ko. Mula bagong silang nya alam ko ang itsura nya. Palagi ko kaya syang ini-stalk sa internet.

Nakahiligan ko ng tignan ang mga pictures nya sa google, yahoo at sa lahat ng social networking sites na alam ko. Wala rin akong pinapalampas na video nya sa youtube. Lahat pinapanood ko.

"Ako yan at si Kleven. Kulit ng lahi nito. Kambal nya nga ako." Sinara na nya ang wallet nya at binalik sa bulsa nya.

"Photoshop?" I asked with a grinned. Lalong nagsalubong ang mga kilay nya. Waah! Ang kyut!

My Idol's Identical Twin (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon