Chapter six

4K 91 1
                                    

Chapter 6

Nagstart na ang pagiging freshman college student ko, tourism ang course ko. Almost two months na rin kami ni Steven at masaya kong aaminin na ngayon lang ako sumaya ng sobra-sobra. Legal ang relationship namin, napakilala ko na sya sa parents ko at ganun din ako sa parents sya. Pag-uwi nga namin nung gabing naging "kami", tuwang-tuwa si mommy. Alam na pala nya ang plano ni Steven. Grabe, botong-boto si mommy kay Steven.

At ngayon naman, ipakikilala na ako ni Steven sa super duper idol kong si Kleven. Oo, ilang beses nang pinlano ni Steven na ipakilala ako sa kambal nya pero palaging hectic ang schedule ni Kleven at minsan may biglaang event pa kaya naman palaging nauudlot ang pagpapakilala sa'kin ni Steven sakanya. PERO, according to my boyfriend (kiligs), kilala na daw ako ni Kleven and he's looking forward to meet me daw. Diba? Ang saya na kilala rin ako ng super duper idol ko pero wala nang mas sasaya pa dahil girlfriend ako ni Steven. Hihi.

Si mommy ang namili ng susuotin ko. Halter pink knee-lenght dress paired with white stilletos.

"Baby gurl, mag-make up ka!" Pagpupumilit sa'kin ni mommy kanina pa. Kasalanan ko bang hindi ako sanay na naka-make up tuwing aalis? Formal na naman yung suot ko eh. "Makikita mo na sa personal, harap-harapan mismo ang idol slash crush isa pang slash pantasya mo. You have to look beautiful," she said while looking at me intently through my reflection on the mirror. Pareho kasi kaming nasa harap ng salamin. Sya, nakatayo habang ako ay nakaupo.

"Parang sinabi nyo naman po na ang pangit ko," I pouted my lips "Atsaka, may boyfriend na po ako."

"Anong konek ng may boyfriend ka na sa di mo paglagay ng make-up?"

"Hehe. Oo nga, noh?" Kakamutin ko sana ang ulo ko pero agad pinalo ni mommy ang kamay ko.

"Subukan mo lang! Magugulo yang hairdo mo. Hirap mo pa naman ayusan," she whined. Parang ang bongga naman ng pagkakaayos nya sa buhok ko. Tsk. Kinulot nya lang naman yung dulo ng buhok ko eh.

"Sino po bang nagsabi na ayusan ako? Ipapakilala lang naman ako ni Steven kay Kleven, hindi ako makikipagdate."

"Aba, nagrereklamo ka pa? Sinusuportahan ko lang naman ang pagkikita nyo ng idol mo dahil alam kong matagal mo na itong pangarap. Ayeee! Makakausap na nya si Kleven sa personal at hindi na sa TV lang," at tinusok-tusok pa nya ang tagiliran ko. Talaga naman. Grr.

Napa-poker face nalang ako habang ang nanay ko ay kilig na kilig dahil makikita ko na ng malapitan si Kleven. Nakakatuwa dahil napaka-supportive talaga ng mom ko.

"Mameh, hindi po ba parang ang exagge ko? Magdidinner lang naman po ako with Steven's family. Hindi po aatend ng isang classy party o makikipagdate," I pointed out.

Binatukan naman nya ako. Wow lang! Kanina ayaw nyang ipahawak sa'kin ang sarili kong buhok dahil daw baka magulo pero kung batukan nya ko parang wala ng bukas. Psh.

Maya-maya, nakarinig kami ng busina ng kotse mula sa labas.

"Andyan na ang boyfriend mo. Mag-iingat kayo at wag na wag isusuko ang bataan!" Hyper na sabi nya at nag-aja pose.

"Mameh! Kung anu-ano iniisip mo." Tumawa lang sya at pinagtabuyan na ko palabas ng bahay namin. Pero bago ako lumabas ng pinto, nagkiss ako sa cheek ni mommy.

"Steven!" She waved her hand at Steven's direction, he waved back.

Pinaalalahanan pa ako ni mommy na wag ko na daw kalimutan na may boyfriend ako kapag kaharap ko na si Kleven bago sya pumasok sa loob.

Paglabas ko ng gate, bumungad sa'kin ang nakasandal na napakagwapong nilalang sa isang black sports car na si Steven habang pinaglalaruan ang stem ng isang pirasong bulaklak na hawak nya.

My Idol's Identical Twin (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon