Chapter 14
Tumigin ako sa alarm clock ko na nasa bedside table. 11:30am na pero wala pa rin ako sa mood na bumangon. Kanina pa ko gising sa mahigit dalawang oras lang na tulog. Weird lang dahil hindi pa ko nakakaramdan ng gutom unlike the usual na pagkagising na pagkagising ko, pagkain ang una kong hinahanap.
Ganito ba feeling ng broken hearted? Pang-apat na boyfriend ko na si Steven at sakanya ko lang naranasan ang ganitong pakiramdam. Well, dahil siguro sa sya ang nakipagbreak unlike the rest na ako ang nakikipagbreak. Baka siguro... dahil sya ang pinakaminahal ko sa kanilang lahat.
I heard the door creek open and when I looked to it, I saw mom walking over me.
"Anak, anong nangyari sa mata mo?" She asked as she sat at the edge of my bed. "Ang panget mo na nga lalo ka tuloy pumanget."
"Mommy, sa'yo ko nanggaling kaya kung panget ako mas panget po kayo." I took aside my blanket then sat on my bed.
"Ikaw naman di mabiro. Ang ganda-ganda mo talaga, anak ko. Manang-mana ka sa'kin," sabi pa nya at pinisil ang magkabila kong pisngi.
"Mameh!" Walang ganang saway ko sakanya.
I knew she was cheering me up.
"Di ka pa ba bababa para kumain? Anong oras na, magbrunch ka na kaya, anak. Baka mamayat ka. Sige ka, di ka na sexy gaya ko."
"Wala po akong gana."
"Whoo! Magpapamisa na ba ako? Ang anak kong si Sanibabe na ubod ng ganda, walang ganang kumain?"
"Mameh naman po eh! Pumasok lang po ba talaga kayo dito sa kwarto ko para asarin ako?" I pouted.
"Sungit naman ng baby ko." Lumapit sya saakin ng upo at hinawakan ang kamay kong nakapatong sa lap ko. "Ano ba kasing problema? Tanghali na di ka pa rin lumalabas ng kwarto mo. Si Steven ba?"
Bagets mom ang mommy ko kung tawagin ng iba. Kung magturingan kami nyan ay parang barkada pero syempre hindi nawawala ang respeto ko sakanya. We're just too close to the point na magbestfriends ang turingan namin. Lahat ng secrets ko, sakanya ko sinasabi. Kapag may crush ako, sinusuportahan nya ako. Minsan pa nga, binibigyan nya ko ng tip and advice eh.
And now, nakikita ko sa mga mata nya ang pagiging comfortive mom. I can say na may pag-alala sa mga mata nya at kung paano nya ko tanungin... she's the best mom ever. Kahit single parent lang sya, she never failed sa pagpapalaki saakin.
BINABASA MO ANG
My Idol's Identical Twin (PUBLISHED)
Fanfiction[Former and a revised version of Stephen's Identical Twin.] Anong feeling na one day mabunggo mo ang super duper idol mo--- scratch that. Anong feeling na one day mabunggo mo ang KAMBAL ng super duper idol mo?