Chapter seven

3.6K 73 1
                                    

Chapter 7

Hatid sundo ako ni Steven sa school. Yun nga lang, kailangan pa nyang magsuot ng shades though may ilang nakakakilala sakanya pero kapag may nagtatanong kung sya ba si Kleven, sinasabi kong hindi. Hindi naman talaga eh. Sya kasi si Steven, my bias' identical twin which is my boyfriend. Sabi ko kay Steven na sa loob nalang ng kotse nya sya mag-antay kapag inaantay nya ko para wala ng problema pa. Hay, feeling ko tuloy artista din ang boyfriend ko.

After class, nagpunta kami ng mall ni Steven dahil may binili akong damit na pangregalo para sa classmate ko na magbi-birthday next week. Dito na rin kami naglunch tapos naglaro sa quantum. Namili rin ng couple shirts at kung anu-ano pa. Para na rin kaming nagdate.

"Girl, diba si Kleven Cruz yun?" Narinig kong sabi ng babaeng di ko kilala na nadaanan namin.

Pauwi na kami at naglalakad palabas ng mall. Inayos ni Steven yung shades nya tapos binilisan maglakad. Syempre, pati ako napabilis sa paglalakad. Hawak nya kasi ang kamay ko, yung isa naman ay nakahawak sa mga pinamili namin.

Isang minuto lang siguro ang nakalipas, biglang nagkaroon ng parang bombang sigawan na, "KLEVEN CRUZ!"

Like... what the hell? Ganyan ba talaga kabilis kumalat ang tsismis?

Naramdaman kong nakaramdam ng panic si Steven at hinila ako patakbo, isang napakabilis na takbo. Looks like sanay na sya sa takbuhan, ang takbuhan ang mga lokaret na fans.

Naisip ko tuloy na.... may phobia na kaya siguro si Steven sa ganitong pangyayari?

Tumakbo pa kami ng tumakbo hanggang sa makarating kami sa parking lot. Jeez! Para kong kinapusan ng hininga.

"Teka lang, sandali," hinihingal na sabi ko kaya huminto si Steven pero hindi binitawan ang kamay ko.

"Okay ka lang, Nee?" Nag-aalalang tanong nya.

Napahawak nalang ako sa chest ko habang hinahabol ang hininga ko, "Grabe! Hindi ka ba hiningal?" Tanong ko sakanya.

"Sanay na ko eh," he answered with a shrug.

Okay. Sanay na sya unlike me na ngayon lang ata ulit tumakbo ng ganun kabilis. Ako na tamad.

"Tara na. Okay na ko," he squeezed my hand and as we turned back, may baklang sumalubong saamin na may kasamang mga babae.

"Huli kayo!" Taas-kilay na sabi nung bakla.

Wait. I guess, I once watched him on one of Kleven's TV show guestings. Tinitigan ko pa ang mukha nya at hindi nga ako nagkakamali. Sa lahat ng fans na nagwawala sa harap ng camera kapag binibigyan ang isa sa mga fans ng chance para magbigay ng message sa idol nilang si Kleven, sya ang hinding-hindi ko makakalimutan. Pa'no, sinabi nya na lalaking-lalaki daw sya dati at kinatitilian din ng mga kababaihan sa school nila pero nang makita daw nya si Kleven sa personal... ayun! Nag-out sa pagiging lalaki. Lumiko ng landas.. Naging beki.

"At sino ka namang bruhilda ka, ha?" Mataray na tanong nya sa'kin habang tinataasan ako ng isang kilay at talaga naman! In-up and down nya ko ng tingin! Didn't he know that gesture of his is one of many ways in insulting a person?

"Inaagawan mo ba ng teritoryo si Jamie sa puso ni Kleven?" Sabi naman ng babaeng kasama nung bakla.

Just wow! Kung makapagsalita sila para silang TV host ng showbiz news.

"Listen, I'm not Kleven and this girl," inakbayan nya ko at hinila palapit sakanya. "Is my girlfriend," he continued that made me blush.

Aww. I'm really lucky to have a boyfriend who is proud I am his girlfriend. 

"We don't believe you!" Sabi pa ng isang eksaheradang babae na naka-cross arms. Wow, ganda ng nguso oh! Pulang-pula. Ano yan pinalapa nya sa buwaya?

"Na alin? Na hindi sya si Kleven o ako ang girlfriend nya?" Inis na tanong ko.

Subukan lang nila na sabihin yung pangalaw at dagdagan ng dahilan na hindi kami bagay ni Steven dahil hindi ako kagandahan. Naku, ipapatikim ko sakanila ang self-depense tactics na tinuro sa'kin ng nanay ko.

"Both," sagot ng bakla at inirapan ako. At tumirik na naman po ang mga mata nya.

"I am Steven, okay? Excuse," magalang na sabi ni Steven pero ayaw nya pa rin talaga nila kaming padaanin. Instead, sinunggaban nila ng yakap si Steven na BOYFRIEND KO! Hello? Girlfriend here!

"OMG. I'm sorry Steven-baby kung di kita agad namukhaan." Sabi pa nung bakla.

"We thought kasi na ikaw si Kleven eh. I'm sorry, baby." Malanding sabi naman nung babaeng nakaakap sa braso ni Steven.

Nakita kong lumalayo si Steven kasi naman dinidikit nya ang lawlaw nyang future sa braso ng boyfriend.

"Excuse me, kailangan na naming umalis ng BOYFRIEND KO." Diniinan at nilakasan ko ang pagkakasabi ng "BOYFRIEND KO" para lubayan na nila si Steven pero hindi manlang nila akong napansin.

"Tara let's make selfie," nilabas ng isang babae ang iPhone nya atsaka naggroup selfie sila. Lahat sila kita na gilagid sa pagkakangiti ng wagas pero si Steven naka-poker face lang.

"Omi! Ang gwapo mo talaga Steven-baby. Isa pa dali, tanggalin mo ang shades mo." Tinanggal nung bakla ang shades ni Steven at wala namang nagawa ang boyfriend ko dahil ang daming nakalingkis sa magkabilang braso nya na parang ayaw syang pakawalan.

Hinayaan ko ulit silang magpapicture kay Steven knowing na tatantanan na nila kami at pauuwiin after that pero mukhang nagkamali ako. Lalo pa nilang pinagkaguluhan ang boyfriend ko.

"I'm sorry but we have to go," magalang na paalam ni Steven and gave his best para makaalis sa grupo ng mga taong nagkapalibot sakanya. Lumapit sya sa'kin at hinawakan ako sa kamay tapos nagsimula na kaming maglakad. Sumigaw yung bakla kaya napatigil kami.

"Wait lang! Isa nalang ulit, Steven." Nakarinig pa ako ng sunod-sunod na please at nung lumingon ako, nasa likuran na namin sila.

"Alam nyo, ang kukulit nyo!" Naiinis na sabi ko sakanila. Naramdaman kong hinawakan ako ng mahigpit ni Steven na paranh kinakalma. "Hindi naman masama na maging fan kayo but can't you guys see it? Nakakaistorbo na kayo," prangkang sabi ko sakanila.

Oo, fan din ako but I know my limmitations especially when it comes to the person I am idolizing at. Okay na saakin ang isang picture together with him and hindi na ko nangungulit dahil takot ako na mairita at magalit saakin ang idol ko. 

"Kung fans nga talaga kayo, pinapasaya nyo dapat ang idol nyo at hindi kinukunsume o binibigyan ng sakit ng ulo. Gusto nyo bang mairita at mainis sainyo ang idol nyo? May mga sariling buhay din ang kung sino mang iniidolo natin so let us respect it."

Yumuko ang iba sa sinabi ko. Tinamaan siguro sila at na-realize na may point ako.

Matapos ang ilang segundong katahimikan, nagsalita yung bakla. "Kung makapagsalita ka akala mo isa kang perfect fan," taas noong sabi nya.

"Akala mo ba hindi ka namin kilala? Ikaw yung babaeng nangunguna sa pakikipag-agawan kapag may limited merchandise ni Kleven, yung nangbabangga saamin kapag sumisigaw kami ng, "AKIN KA LANG, KLEVEN CRUZ" sa mga mall tour," dagdag pa nya. 

"At ang sumuntok sa boyfriend ko matapos sabihan si Kleven Cruz na mabaho ang hininga at di naliligo," sabi nung babae.

"Oo, ako nga ang mga yan at hinding-hindi ko yan itatanggi. Ano naman, huh?"

"Ano naman, huh?" Ang tapang ng baklang 'to ha! "Boyfriend mo lang naman ang KAMBAL ng lalaking idol at lalaking pinaglalaban mo sa mga nanlalait sakanya."

"And so what?"

"So what pa you? Eh, so what kung ginagamit mo lang si Steven para mapalapit ka kay Kleven?"

My Idol's Identical Twin (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon