Kabanata 3

42 8 0
                                    

Sa Kapehan, Sa Mahigit Isang Daang Hakbang bago ang Simbahan.

'TAGPUAN 1995' nandito pa rin ang paboritong tambayan ng karamihan. 

Amoy ng kapeng barako ang agad bumungad sa pagtulak ko ng salamin na pintuan.

Aroma na animo'y gigising sa tulog na sistema at ipapamulat ka sa realidad na dapat mong makita.

Marami ang kapehan malapit dito sa mismong siyudad ngunit kung titignan mo'y ito ang coffee shop na may pinakamaraming kostumer maski na sa madaling araw pa lamang. 

Hawak ang tripod at kamera, ipapaalam ko muna ang pagkuha ng mga bideo at litrato sa isang may edad nang ginang. 

Malaki ang ngisi ko sakaling mas mapadali ang proseso ng pagpapaalam, ngunit sa kasamaang palad ay nararapat na hintayin daw muna ang permiso mula sa may-ari.

Bahagyang nagulat ako dahil hindi ko alam na ganito pala ka-istrikto rito, sabagay hindi pa naman uso ang gadyet noon kaya naiintindihan ko.

Iminuwestra ng empleyado ang kanang kamay para sa tingin ko'y taong papasok sa pintuan at mabuti'y natanggap ko naman ang ibig niyang sabihin, nand'yan na ang may-ari.

"As you can see I am—" panimula ko na agad niyang pinutol. 

Wearing a plain shirt and black jeans along with a dark-coloured leather jacket and sneakers, the watch in his wrist also blended as if it was planned to suit him perfectly.

Mas lalong nadepina ang hubog ng kanyang katawan nang isinara ang pintuan ng kapehan, his manly figure immediately caught some people's attention without him even trying.

Napahinto ako sa kung anong amoy na nalanghap, hindi amoy ng kape ngunit amoy ng kemikal na parang nais ko na lamang singhutin magdamag. 

"No videos and photos, no featuring of the place, Miss. I hope you have read the affiche upon entering the cafe." his deep-set eyes were more defined with the cold emotion he gave off.

That rude manager seems not intimidated by the vlogger who has millions of subscribers in front him. 

I was speechless for a moment because I got...what? rejected? 

Hindi ko inakalang matatanggihan ako ng gano'n na lamang.

I was also an owner of coffee shop and taking pictures and videos inside has never been a big deal.

Sa sobrang moderno na ng mundo, wala ka namang dapat gawin kundi sabayan na lamang ito.

I just don't get why the 'owner' wasn't cool about it.

Naglakad na siya papunta sa counter nang siguro'y hindi mahintay ang sasabihin ko. 

O hindi kaya'y ayaw lamang niyang marinig ang kung anong sasambitin ko? 

Nais kong humakbang palayo sa aking pwesto sa kung saan ako napahinto. Ramdam ko ang pagkahiya. 

Luminga ako sa paligid bago sana lumabas ngunit sa aking pagtingala, bumungad ang mga salitang animo'y kanina pa naghihintay na mabasa.

'Kape at Kwentuhan, Walang Larawan, Pawang Usapan, Pag-ibig sa Tagpuan.'

Naestatwa ako ng ilan pang mga minuto, hinihintay kung mayroon bang mapapala. Ngunit pakiramdam ko ay parang mali ako.

Dahil sa kauna-unang beses, wala akong maalalang sandali ng aking nakaraan sa lugar na ito.

Walang kahit anong bumagabag sa memorya ko, at sa unang beses, hindi ako nakaramdam ng anumang kirot sa puso. 

Tagpuan 1995Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon