Kabanata 1

86 11 2
                                    

Sa Ruweda, Sa Parkeng Mapayapa.

Nagising ako mula sa asul at dilaw na kulay ng mga bumbilyang nanlalaban sa karimlan na siyang nagmistulang hudyat na narito na muli ako sa aking tahanan, sa lugar na aking kinamulatan at kinalakhan. It was nice to be here again after those long years.

Pagbukas ko ng bintana ng bus na aking sinasakyan ay agad bumungad ang amoy na matagal ko nang kinasasabikan, ang amoy ng lungsod ng puno ng
mga pino.

Ngunit sa paglipas ng ilang segundo ay siyang pagbungad din ng hindi inaasahang mga multo.

"Khiel, natatakot ako. What if we fall?" I was hysterical for a moment in front of this freaking ferris wheel, but I really had no choice but to get in because Khiel had already paid the tickets.

"No 'what if' Mau. Mahuhulog naman talaga tayo, sa isa't isa nga lang." ani Khiel sabay ngisi at halakhak para sa biro niyang iyon.

"Cringe." I replied while smirking and showing thumbs up.

Parang araw ng pista sa dami ng mga tao ngayong gabi, hindi tahimik at payapa ngunit masaya ang bawat isa kahit pa sa kahabaan ng pila.

Khiel and manong operator kept convincing me sa pagsakay sa kulay puting ruweda hanggang sa maging handa na 'ko.

I've prepared my voice for the worst shouts I could give when we bound to reach the top and also my tripod and camera for taking pictures and videos kasi sobrang ganda raw talaga sa tuktok sabi ng mga nakaranas na.

Doon ako nauudyok para tuluyang sumang-ayon, for the sake of own experience.

Gustong makita ng sarili kong mga mata ang sinasabi nila kaysa makinig na lamang sa kwento ng karanasan ng iba.

He extended his hands to me while getting in 'tsaka niya ako inakbayan nang nakasakay na.

I must say it was a bit romantic, hell yeah but it feels wrong to admit it to myself.

Nag-umpisa nang umandar ang ruweda at unti-unting nadadagdagan ang pangamba ko sa bawat pagtunog ng mga metal at turnilyo.

Mas lalong humigpit ang hawak ko kay Khiel at agad na sinuklian niya ito ng magaang haplos na para bang natanggap niya ang mensahe sa aking isipang hinding hindi ko siya bibitawan at papakawalan.

Inakala kong marahas ang paggalaw ng ruweda ngunit hindi pala dahil sa sobrang kalmado, damang dama ko ang pagtakbo ng bawat segundo at minuto.

The beautiful scenery of the whole city seems romantic and peaceful.

Kita rito ang kabuuan ng siyudad dahil na rin sa libo-libong ilaw na nagbibigay aliw lalo na sa mga turista. Totoo palang nakaka-engganyo ang makasaksi sa ganitong klase ng tanawin.

The feeling of being scared suddenly fades away, replaced by the feeling of being home.

"Grabe, ang ganda 'no?" I uttered, pertaining to the place.

"Sobra." he replied. But I knew he was looking at me since I could see him through my peripheral vision.

I just smiled, we smiled. Yet I pretended that I didn't know he was pertaining to me.

Sa oras na 'yon, sigurado akong napawi na ang anumang takot na nararamdaman ngunit tila bakit hindi ko pa rin siya binitawan.

I took a hundred pictures of the scene, of me, of our hands, and him. Kinuhanan ko ang bawat anggulo at direksiyon para na rin hindi ako magsisi sakaling kulangin ako sa litrato.

I love taking photographs more than just remembering the memories alone.

It's as if I am capturing the real emotion and mood right at the moment.

Tagpuan 1995Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon