Kabanata 6

24 7 0
                                    

Sa May Usok, Sa Mambabatok.

The aroma of Sagada coffee bean provoked me to hurry where the smoke are coming out.

I kept away from the untied piglets  as I went on the widely-opened nipa hut.

And in there I found the amusement in the children's faces and some other tourists' watching how the coffee bean slowly turning into black.

I nodded at them once with a wide smile before entering the nipa hut. 

Pagkatapos ng ilang minutong paghihintay, the coffee's finally ready to serve, sakto sa pagdating ng nahuling mga kasama ko. 

I offered them to drink with me and fortunately, some of them said yes except for the ones who prefer drinking liquor.

Yes, in this early morning. 

Nag-umpisa nang magset up ng canopy at table sa isang lilim ng puno sila Jake at Deon.

They also invited some tourist na siya namang naghanap ng mauupuan.

Tumulong na rin ang iba sa paghahanda ng pulutan.

What a breakfast!

They reasoned out 'para hindi maramdaman pag nagpa-tats' kahit na wala namang nagtatanong. Defensive, huh?

Hindi tanaw ang pwesto nila mula sa kubo kung saan kami nagkakape ngayon.

The farther, the better tho.

Binilin sila ni Manong Cardo na magpakalayo-layo kaunti upang hindi makaabala sa iba pang turista at para na rin hindi makita ng mga residente ng nayon, lalo na ang mga bata.  

"Gusto mo pa?" napatingin ako sa kanyang banda and there he is.

Iminuwestra niya ang isang thermos na tingin ko'y may laman pang kape, saakin siya nakatingin kaya't sigurado akong ako ang inaalok niya. 

Kinuha ko ang walang lamang mug sa kahoy na lamesang nasa aming harapan at unti unti akong umalis sa aming pwesto kung saan iniwan ko ang nag-uusap na Nat at Felicity.

Ilang yapak na lamang ang aming pagitan nang biglang dumiretso si Bernadette sa direksiyong tinatahak ko.

"Sure, mas masarap pa rin pala talaga pag gan'to 'no, 'yong freshly brewed unlike the ones in coffee shops. Although, your coffees are..." hindi ko na pinakinggan pa ang mga susunod na sasabihin niya dahil sa naramdamang pagkapahiya. 

Nanatili ang tingin niya sa aking dako at tila ba hindi nakikinig sa kung anong sinasabi ng kan'yang katabi.

Nanatili rin akong nakatayo sa pwesto kung saan ako huminto, pinapantayan ang emosyong ibinubuga ng kanyang mga mata.

May kung anong ibinulong siya kay Bernadette na ikinatahimik nito 'tsaka siya naglakad  patungo sa'kin.

Hindi ko magawang umatras o talikuran man lang siya dahil sa kagustuhan kong panatilihin ang titigan naming dalawa. 

"It's for you." he smirked. 

"I know right." I simply said while handing my empty mug. 

"You looked frustrated though." he answered, pouring the Sagada coffee from a thermos.

"But I'm not." I said, maintaining a poker face to act cool.

A loud laugh caught our attention, napatingin kami sa dako kung saan nanggagaling iyon.

"Kayong dalawa, look at your stolen shots oh!" si Nat bago kinain muli ng malalakas na halakhak.

Napatingin ako sa hawak nilang DSLR at biglang nakuryoso sa maaring itsura ko nang muntikang mahulog sa makitid na tulay.

Tagpuan 1995Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon