Chapter 32

4 1 0
                                    

Lady in the house? Kung dati siyang nakatira dito sa mansyon kasama ang duke posible na dati din siyang kasintahan nito. Ngunit bakit may mali sa mga kaganapan.

Kung nandito lamang si Anna sa aking tabi  matutulungan niya sa ako sa aking problema. Ilang oras lamang ay may kumatok sa aking silid.

"Milady narito po si Lady Sofia Amdeus" Sambit ng isang pamilyar na boses mula sa labas ng aking silid. Agad akong lumabas at bumungad sa akin si Anna.

"ANNA!" Masigla kong bungad sa kaniya dahil tuwang tuwa ako na makita siyang muli. "Milady kailangan nyo na pong magbihis" bilin nito sa akin. kaya naman Tinulungan niya ako sa pagpalit ng aking kasuotan.

"Maraming salamat at mabuti na ang iyong lagay" Sambit ko habang nakatingin sa haral ng salamin at inaayos niya ang aking buhok
"Kung hindi dahil sa inyo ay hindi ko pagsusumikapan na gumaling" Sagot naman nito habang nakatingin sa akin.

Gabi na ngunit may bisita na dumating. Bulwagan upang makita kung sino ang bisita
Tila hindi ko gusto ang aking pakiramdam. "Ngunit Milday kilala nyo pa ba ang bisita ngayon? Bago kasi siya sa aking paningin" Sambit ni Anna, "Sino nga ulit siya?" Tanong ko  "Lady Sofia Amdeus" Sagot naman nito "Ayan tapos na milady" Nakangiti nitong sambit habang inaayos ang akin buhok.

Sabay kami lumabas ni Anna ng silid. Pagdating namin sa Salas ay kapansin pansin na ang aming bisita na nakaupo sa stipa habang umiinom ng tsaa.

"Isang magandang gabi sa iyo" Malugod na bati ko sa kaniya habang naglalakad malapit rito. Siya ang babae na kausap ni Clovis kanina lamang. "Hinihintay mo ba si Clovis?" Tanong ko sa kaniya "Sa katunayan ay kasabay ko siyang dumating dito" paliwanag niya. "Ah ..." Maikling reaksiyon ko rito. Ibinaba niya ang tsaa na kaniyang hawak at tumayo upang harapin ako 

"Ikinagagalak ko na makita ka sa personal Lady Welhelmina Amgard, Hindi ko inaasahan na maganda ka pala sa harapan" Seryoso nitong pagbati sa akin. "Nais ko sana na makausap ka ng pribado" Hiling nito kaya naman tumingin ako kay Anna upang iwanan muna kami.

"Maupo ka" Utos ko rito. Kaya naman sabay kaming umupo sa Stipa. "Sa totoo lamang ay hindi ko inaasahan na makakita ng isang katulad mo dito sa duke mansion" Samit niya na animoy may mali akong nagawa. " Bukod sa pagpapaikot ng isipan ng ibang tao ano pa ang talento mo" Seryoso nitong sambit muli. natapos uminom ng tsaa,

Ano kamo? pagpapaikot ng ibang tao? Iba rin ang timpla ng babaeng ito., Parang nais kong makasakit ng ibang tao ngayon. Masyado nya ako minamaliit.

"Anong klaseng mahika ang ginamit mo kay Clovis upang pakasalan ka?" Tanong nito sa akin.

Ano raw? Mahika? Anong akala nito sa akin isang elemento?

"Ipagpaumanhin mo ngunit hindi ko nagugustuhan ang mga katagang nilalabas ng iyong bibig, " Mahinahon ko na sagot sa kaniya "Alam ko na hindi mo ako nais makita ngunit obligasyon ko bilang isang Lady sa Duke mansion na siguraduhin na masaya ang mga bisita" Paliwanag ko rito "Ngayon kung hindi mo nais ang pinapakita ko aalis na lamang ako dahil hindi kasama sa oras ko ang problemahin ang katulad mo " Paliwanag ko pa muli at tumayo.

Aakmang lakad na ako nang bigla siyang sumagot "Lady ng Duke Mansion?" napatigil ako saglit at umalis na lamang dahil nagiiba ang timpla ng aking ugali ngayong gabi.

WHAT'S WRONG WITH YOU DUKEWhere stories live. Discover now