Chapter 34

3 0 0
                                    

(3 TAON ANG NAKALIPAS)

"May maganda ka bang balita sa akin?" Sambit ni Lancelot sa isang lalaki na kausap niya.

Isang lalaki na may suot na kapa at sumbrero.

"Yung binibini na nasa larawan ninyo nakita na namin siya panginoon, Ngunit ibang iba ang paliwanag nyo sa amin kaysa sa mga nakita namin, Siya ay isang anak ng Taksil sa Emperial Palace. Whelhelmina Amgard ang kaniyang Ngalan. May mga larawan din kami na dala para sa inyo. " Inilapag niya ang isang supot sa lamesa ni Lancelot.

kapansin pansin sa kaniyang muka ang pagaalala na may halong gulat.

"Ito! Elisa" Sambit nito habang nakatingin sa mga larawan.

Elisa?, Hanggang ngayon ay hinahanap niya pa rin ang nawawalang tagapag mana ng Bansa.

"Sa tagal ng aming pagmamanman at pagsisiyasat sa kaniya nabalitaan namin na ikakasal siya sa Duke ng Atratis Island. Kung saan sila naninirahan" Sambit pa ng lalaki

Duke ng Atratis? Kay Clovis!? Bakit! Akala ko ba ako lamang ang mahal niya at hihintayin nya ang pagbabalik ko. Tsk!?

"ANO!" Kasindik sindik na sambit ni Lancelot habang nanginginig ang mga kamay nito at tila pupunitin ang mga larawan.

Nagpatobg muli ng isang bagay ang lalaki sa lamesa ni Lancelot.

"iyan po ang larawan ng lalaki" Paliwanag nitong muli.
"Maghanda kayo dahil Magbabalik tayo at magpapatupad ako ng digmaan laban sa Emperial Palace" Paliwanag ni Lancelot.
"Masusunod panginoon" Sambit ng lalaki at lumabas na siya ng silid ni Lancelot.

"Amadeus, Siguraduhin mo na mababalitaan ng buong Selia Country ang aking pagbabalik." Utos ni Lancelot.

Kailangan ko nang umalis rito at baka mahuli ako ni Amadeus.

"Princess" Bungad sa akin ng isang lalaki. "Fling" ikaw pala bati ko rito. "Ano ang ginagawa ninyo sa labas ng silid ng hari?" tanong nito sa akin.
"Napadaan lamang ako" Paliwanag ko "Sige mauna na ako sa iyo" Sambit ko pabg muli at dumaan na sa harapan niya.

"Fling!" Bati ni Amadeus sa kaniya, "Nais ko na itago mo ang mga larawan nito sa Utos ng Hari, Mahalaga ang mga ito sa kaniya kaya wag mo ito iwawala" Paliwanag ni Amadeus habang inuutusan niya si Fling.

Kaya naman napatigil ako at ilang saglit pa sa pagalis ni Amadeus ay lumapit ako kay Fling upang humingi ng mga larawan ni Elisa.

Napansin ko ang isang larawan na Magkasama sila ni Clovis. "Maari ko na ba makuha ang mga larawan?" tanong ni Fling

Kaya naman isinilid ko sa aking bulsa ng palihim ang larawan na ito at ibinalik na kay Fling ang supot.

"Maraming salamat" Ngiti ko na bigkas sa kaniya.

WHAT'S WRONG WITH YOU DUKEWhere stories live. Discover now